You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Inihanda ni: Jael A. Anding

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag - aaral ay inaasahang:

a. Naihahambing ang pagkaka- iba ng antas ng pang - uri sa pamamagitan ng pagpapakita ng


mga bagay gamit ang basket.

b. Naisusulat ang sariling slogan gamit ang (3) tatlong antas ng pang - uri.

c. Nakatutukoy ng (3) tatlong antas ng pang - uri gamit ang ibinigay na pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa : Antas ng Pang uri

Sanggunian : Hiyas sa Wika

Ona, Luzviminda, et. al, pp.5-8

Kagamitan : Mga Prutas,bagay,gulay Basket, chalk, Pisara ,Cartolina at Panulat.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag - aaral


A Panimulang Gawaing

1. Panalangin
Magsitayo para sa Panalangin Tatayo at panalangin

2. Pagbati
Magandang Umaga/ Hapon sa inyong lahat. “ Magandang Umaga/ Hapon po Gng. Anding

3.Pagtala ng Liban
May lumiban ba sa klase ngayon? “wala po/ meron po, ma’am.
4. Pagtala ng Takdang - Aralin
May takdang - arallin ba kayo? “wala po ma’am.

5. Pagbabalik Aral

Bilang pagbabalik aral, Ano ba ang tinalakay ‘ang tinalakay natin ay tungkol sa pang - uri.
natin noong nakaraang tagpo? Jemar

Tama
Ang Pang - uri ay ang mga salita na
Ano nga ba ang Pang - uri? Shaira naglalarawan sa mga katangian ng
tao,hayop,pook at mga pangyayari na
Salamat, Shaira tumutukoy ng pangngalan o panghalip.
Ang Pang - uri ay ang salita na naglalarawan
sa mga katangian ng tao, bagay, hayop, pook
at pangyayari.

Alam ko na kabisado na ninyo ang tungkol sa


Pang - uri.

B. PAGLINANG NG GAWAIN

1. PAGGANYAK

Ano napapansin ninyo sa mesa? “may basket po ma’am”

Tama! May isang basket, at may laman itong


mga prutas. Maari mo bang isa isahin ang “May Mangga, Pinya at Guyabano”, po maam.
mga prutas, Jerwin?

Tama!

Ano ano ba ang mga katangian ng mga prutas


na ito? Uunahin natin ang Mangga.

Christine, Ano ba ang katangian ng Mangga? Masarap po maam.


Magaling!

Sunod, Ano naman ang katangian ng prutas na Masustansya at masarap po maam.


Pinya? Gilbert

Magaling!
Itong guyabano , ano naman ang katangian ng Mas maraming sustansya at punong puno ng
prutas na ito? Esconde. Bitamina, po maam

Magaling!

Tama ang inyong mga kasagutan. Ang mga


salitang inyong mga nabanggit ay
naglalarawan ng higit pa sa isang bagay. At
ang mga salitang iyan ay may kinalaman sa
leksyong ating tatalakayin. Ito ay tungkol sa
Antas ng Pang - uri.
( Basahin ng sabay sabayang mga layunin)
Pero bago ang lahat nais kong makinig kayong
mabuti dahil kayo ay inaasahang:

a. Naihahambing ang mga antas ng Pang- uri


gamit sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
bagay gamit ang baket.

b. Naisusulat ang sariling slogan gamit ang (3)


tatlong antas ng Pang - uri.

c. Nakatutukoy ng (3) tatlong antas nng Pang


- uri gamit ang ibinigay na mga pangungusap.

2. PAGLALAHAD NG PAKSA

PAGTATALAKAY

ANTAS NG PANG - URI

1. Lantay
Pakibasa ng kahulugan nito, Villa Lantay - isa o mahigit pang pangngalan o
panghalip ay nagtataglay ng iisang katangian.
Salamat, Villa

Ang Lantay ay isa o higit pang pangngalan o


panghalip ay nagtataglay ng iisang katangian.

Halimbawa nito ay:


Ang Pinya ay matamis.
Madali n’yo lamang matutukoy ang antas ng
pang - uri na lantay sapagkat taglay lamang
nito ang iisang katangian ng pangngalan o
panghalip.

Sa halimbawa, alin dito ang pang - uri? Derit “matamis, po ma’am.

Tama, matamis
Ang salitang matamis ay naglalarawan sa
Pinya. “opo”ma’am.

Naintindihan ba ninyo?

Salamat !

2. Pahambing Pahambing - ito’y pagtutulad o paghahambing


sa dalawang tao, bagay , lugar , hayop, o
Pakibasa ,Joyzl. pangyayari.

Okay , Salamat.

Ang pahambing ay naghahambing ng isa o


dalawang bagay,s tao,hayop,lugar o
pangyayari.

Halimbawa nito ay:

Mas matamis ang mangga kay sa pinya.


Anong napapansin ninyo sa halimbawang “Pinaghahambing po ang mangga at pinya”,
aking binigay? Gilbert ma’am.

Tama! pinaghahambing ang katangian ng


dalawang prutas.

May pananda tayong ginagamit sa pang - uri


ng pahambing gaya ng mas at higit pa.

Sa halimbawang ito ,anong pananda ang


ginagamit? Esconde
Mas, po ma’am.
Tama, ang panandang mas.
Sino naman sa inyo ang makapagbibigay ng
halimbawa gamit ang pang uring pahambing?
Villa. Higit na matalino si Catriona kay Pia.

Salamat Villa,

Pinaghahambing ang katangian ng dalawang


tao at gumagamit ito ng panandang higit.

3. Pasukdol
Ang (3) pangatlong antas ay ang pasukdol.
Pakibasa ng kahulugan, Kimberly
Pasukdol- ito ay ginagamit kung higit sa
dalawang tao, bagay, hayop, lugar, o
Salamat Kimberly. pangyayari ng pinaghahambing.
Halimbaw nito ay :

Pinakamasustansiya ang Guyabano sa kanilang


tatlo.

Jerwin, maari ka bang magbigay ng


halimbawa? at isulat mo ito sa pisara.
Ang bansang paris ang pinakaromantikong
Salamat Jerwin. bansa na aking napuntahan.

Sa mga halimbawang ito ay ginagamitan ng


panandang pinaka.
At maari ka ring gumagamit ng panandang
napaka at ubod.

Naintindihan ba ninyo ang paksang ating


tinalakay hinggil sa Antas ng Pang - uri?
“Opo, ma’am”
Ngayonay magkakaroon tayo ng Pangkatang
Gawain.
Tinatawag itong “round the basket.”

Ang gagawin ninyo ay bubuo kayo ng bilog, at


sabay sabay kayong kakanta ng awiting leron
leron sinta, at habang kayo ay kumakanta ay ( bubuo ng bilog, at awitin ng sabay sabay ang
ipasa ninyo ang basket sa inyong katabi. Pag leron leron sinta)
akoy sumigaw ng hinto, at ikaw na nakahawak
ng basket ay pipili ng laman sa basket, at
gawan mo ng pangungusap ang bagay na
iyong napipili sa loob ng basket.Pagkatapos ay
ilahad mo kung anong antas ito ng pang - uri.
Kung sino ang nakabuo ng tamang
pangungusap ay may makatatanggap ng
gantimpala.
Ihanda ang inyong mga sarili at tayo’y
magsimula na.

“hinto”.ok Joan.natapat sa iyo ang basket.


Pipili kana ng bagay na nakapaloob sa basket.
( napili ang kamatis at mansanas.)
Magaling!
Anong antas ng pang - uri iyan? Mas mapula ang kamatis kaysa mansanas.
Tama. At ikaw ay makakatanggap ng isang
biskwit. Pahambing po maam.

Tayo’y magpatuloy…. (aawit muli habang ipinasa ang basket)

3. PAGLALAHAT
Ano nga ulit ang tatlong Antas ng Pang - uri?
Keisha. Ang tatlong Antas ng Pang - uri ay Lantay,
Magaling! Pahambing at Pasukdol.

Pagsinabi ko na :

Mas mataas ang Bundok apo kaysa bundok


Mayon.Ito ay ano Shaira?
Halimbawa ng pang - uring Pahambing ma’am.
Ito:
Si Vicky ay matalino.
Anong antas ng Pang - uri ito? Derit
‘Lantay, po ma’am.
Sunod, Ubod ng sarap ang ihihandang lechon
kagabi. Anong antas ito?
“Pasukdol po ma’am.
Tumpak!
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

4. PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Papangkatin ko kayo sa Tatlong pangkat.


Bawat pangkat ay gagawa ng Slogan gamit ang
tatlong antas ng pang - uri.
Bawat pangkat ay pipili ng isang
representante upang ilahad ang inyong
nagawang slogan.
Ito ay gagawin ninyo sa loob ng (5) limang
minute. Isulat ninyo ito sa isang Cartolina.
Kung sino ang pinakamagandang Slogan na
nagawa ay makakatanggap ito ng (gagawa ng slogan ang tatlong pangkat)
pinakamataas na puntos.
Maaari na kayong magsimula.
“opo ma’am.
Tapos naba ang bawat pangkat?
UNANG PANGKAT
Pakinggan natin ang unang pangkat. Ilahad na
ang inyong nabuong slogan. “Ang puno Molave ay mabusilak ang Puso.
Ngunit mas busilak ang puso ng punong
Acacia.
Itoý nagpantanto ng nakakrarami, at nalaman
ng buong madla , na lahat ng punong kahoy ay
kapaki pakinabang. KAya itoý pagka ingatan.”

Magaling, unang pangkat.


Bigyan natin ng Baranggay Klap. (papalakpak?

Ngayon ating pakinggan ang (2) ikalawang


pangkat. IKALAWANG PANGKAT
( babasahin ang nabuong slogan)

Salamat ,ikalawang pangkat.


Palakpakan natin sila.
( papalakpak)
Ngayon, tatawagi nating ang huling pangkat,
ang ikatlong pangkat.
IKATLONG PANGKAT

Okay. Salamat at ating palakpakan ulit ang (Bbasahin ang nabuong slogan)
ikatlong pangkat

5. PAGTATAYA (papalakpak)
Nais kong subukin ang inyong mga kaalamn
hinggil sa paaksang ating tinalaky.

Pakilabas ng inyong mga ballpen at


sangkaapat na papel, at may sasagutan
kayong isang pagsusulit.

Pakibasa lahat ng Panuto…… ( babasahin ang panuto)

PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap.
Isulat kung anong antas ng pang - uri ang
naaangkop sa mga pangungusap.
Isulat kong ito’y lantay, pahambing at
pasukdol.
LANTAY
1. Ang pangkat Tatsulok ay mabilis sa PAHAMBING
pagtakbo.
2. Si Yassy ay mas magaling sumayaw kaysa PASUKDOL
kay Maja. PASUKDOL
3. Ubod ng pait ang mahogany.
4. Pinakadakilang pagmamahal ang ibinigay ni PAHAMBING
Dino sa kanyang asawa na si Karla.
5.Parehong magaling kumanta si Sarah at
Leah.

IV. TAKDANG - ARALIN

Gumawa ng Sanaysay tungkol sa Pag - ibig.

You might also like