Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna Mga Tulong Sa Pag
Ibong Adarna Mga Tulong Sa Pag
Punan ang patlang ng mga wastong salita upang mabuo ang diwa ng bawat talata. Piliin ang sagot sa
talaan sa kaliwang bahagi.
banga Isinilid ng Ermitanyo ang ibon sa ____________ at iniabot kay Don Juan
batong kasama ang bilin na kumuha ng ____________ at sumalok ng tubig. Dala ang
bendisyon banga, nagbalik si Don Juan sa Piedras Platas at binuhusan ang dalawang
hawla ____________ naroon. Unti-unti, ____________ ang kanyang mga kapatid.
lumitaw Masaya silang nagbalik sa Ermitanyo at doon ____________. Sa paghahangad
mapagaling na ____________ ang may sakit na ama, humayo na ang magkakapatid at
nagdiwang ibinigay ng Ermitanyo ang hawla. Sa paglisan, hiningi ni Don Juan ang
____________ ng Ermitanyo.
Leonora Isinalaysay ng negrita ang mga _______________ ng ama ni Donya Maria para
maalala kay Don Juan hanggang sa _______________ nila mula kay Haring Salermo
nasasaktan ngunit hindi pa rin _______________ ni Don Juan ang kanyang sinta. Naglabas
pagsubok ng _______________ ang negrita at tinamaan ang negrito habang nagsasalita
pagtakas ngunit si Don Juan ang _______________ . Nasaktan si Don Juan ngunit hindi
pilak pa rin niya naalala si Mariang mahal niya. Higit siyang napapamahal kay
suplina _______________ . Natapos ang palabas at nawalang mistulang bula ang
tubig negrito at negrita. Ang tanging naiwan ay ang praskong balot ng
_______________ at ang laman ay _______________ .
MGA SAGOT:
Sinimulan ng manunulat ang kanyang korido sa pagpuri kay Birheng Maria. Ayon sa manunulat, si
Birheng Maria ang nagbibigay liwanag ng isip para hindi siya magkamali. Inaamin ng manunulat na siya
ay isang hamak lamang, mahina ang katawan at kaisipan. Siya raw ay tila naglalayag nang mag-isa at
nang napalayo na, hindi na niya kayang mamangka. Humihingi rin siya ng gabay sa pagpaplano ng
kanyang buhay. Hinihiling din niya na pakinggan ng Birhen ang kanyang kinathang korido.
Si Don Fernando ay hari ng Berbanya. Siya ay mabuti at iginagalang mapa- mayaman man o mahirap.
Hinahangaan din siya ng mga hari ng ibang reyno dahil sa kanyang pamumuno.
Si Donya Valeriana ang kanyang asawang napakaganda at may kabaitang dapat tularan.
May tatlo silang anak: sina Don Juan, Pedro at Diego. Si Don Pedro ang panganay, kainaman ang
postura. Si Don Diego ay mahinhin at malumanay at ikalawang anak. Bunso si Don Juan na
mapagmahal at puno ng kabaitan. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang. Malaki ang
pagmamahal ng kanilang mga magulang sa kanila.
Dumating ang araw na pinapili ni Don Fernando ang mga anak kung gusto nilang maging pari o hari.
Ayon sa tatlo, nais nilang maging hari upang makapaglingkod sa Berbanya. Dahil dito, pinag-aral sila at
sinanay humawak ng sandata.
Umunlad ang buong Berbanya sa pamumuno ni Haring Fernando. Ngunit isang gabi habang natutulog
ang hari napanaginipan niya na ang kanyang anak na si Don Juan ay pinagtaksilan at pinatay ng
dalawang masasamang tao. Pagkatapos itong patayin, inihulog ito sa isang balon.
Nagising ang hari at matindi ang pagkalungkot mula noong gabing iyon. Kung nag-iisa, lumuluha at
nagbubuntong-hininga siya. Dahil dito, lumubha ang kanyang karamdaman. Nanghina siya at tila
malapit na ang kanyang kamatayan. Nagpatawag ng isang mediko ngunit hindi pa rin matunton ang
sanhi ng karamdaman ng hari. Nalungkot at natakot ang lahat sa palasyo lalo na ang kanyang asawa’t
mga anak.
Isang araw, may isang manggagamot na dumating upang tuklasin ang kanyang karamdaman. Ayon sa
manggagamot, nagmula ang sakit ng hari sa isang masamang panaginip. Upang magamot ito,
kailangang mapakinggan ng hari ang pag-awit ng Ibong Adarna. Matatagpuan daw ang Ibong Adarna sa
Bundok Tabor at nakatira sa puno ng Piedras Platas. Kung araw, ang ibong ito ay nasa mga burol at
naghahanap ng pagkain. Sa gabi naman, natutulog ito sa kanyang puno.
Agad inutusan ni Don Fernando ang kanyang panganay na anak na pumunta sa Bundok Tabor at kunin
ang Ibong Adarna.
Agad sinunod ni Pedro ang utos ng ama. Sumakay siya sa isang kabayo at naglakbay ng tatlong buwan.
Sa kanyang paglalakbay napunta siya sa isang mataas na bundok. Inakyat niya ito at narating ang itaas
ngunit namatay ang kanyang kabayo. Naglakad siya upang makaabot sa Bundok Tabor.
Sa Bundok Tabor ay nakita niya ang punong kumikislap na tila dyamante. Mayabong at bukod-tangi ang
mga dahon ng puno. Sa ilalim ng punong iyon siya namahinga. Naisipan niyang baka ito na ang Piedras
Platas na tirahan ng Adarna.
Takipsilim na at maraming ibong nagliliparan. Tinitingnan ni Don Pedro kung alin at nasaan ang Ibong
Adarna. Laking pagtataka niya dahil walang lumapit o dumapo sa punong pinagpapahingahan niya.
Hindi pinapansin ng mga ibon ang punong iyon.
Halos buong gabing namalagi si Pedro sa punong iyon. Bahagyang galaw lamang ng mga sanga ay
tinitingnan niya kaagad. Ngunit wala siyang nakitang ibon. Natulog siya at nagpasyang sa umaga na
lamang hahanapin ang ibon.
Habang natutulog si Don Pedro, dumating ang Ibong Adarna. Dumapo ang ibon sa sanga ng Piedras
Platas. Pinaganda nito at inayos ang mga balahibo. Nagsimulang umawit ang Ibong Adarna. Ang
buong kabundukan ay tumahimik para makinig sa pag-awit ng ibon. Kumikislap na tila mga parol ang
mga dahon ng puno habang umaawit ito.
Pitong awit ang narinig mula sa ibon at nagpapalit ng anyo ng balahibo sa bawat kanta. Pagkatapos
umawit, ugali ng ibon ang magbawas at matulog. Ngunit nang magbawas ito, napatakan si Don Pedro
at siya ay naging bato.
Nang hindi makabalik si Don Pedro, inutusan ng haring ama si Don Diego na hanapin ang kanyang
nawawalang kapatid at ang Ibong Adarna. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at dumaan sa mga
parang, gubat, bundok, at ilog nang walang takot. Narating niya ang Bundok Tabor at takipsilim na nang
matagpuan niya ang Piedras Platas.
Nagtaka si Don Diego dahil maraming nagliliparang ibon ngunit wala ni isa mang dumapo sa puno. Dahil
sa pagod, namahinga siya sa ilalim ng puno sa tabi ng batong may kakaibang hugis. Hinintay niya ang
Ibong Adarna.
Dumating din ang Ibong Adarna. Nagpapalit ito ng balahibo tuwing may bagong aawitin. Naaliw si Don
Diego sa pakikinig hanggang sa makatulog. Gaya ng dati, umawit ang ibon nang pitong beses at pitong
ulit ding nagpalit ng anyo. Pagkatapos umawit, dumumi at natulog ang ibon. Tulad ng kanyang kapatid,
napatakan ng dumi si Don Diego at naging bato.
Hindi dumating si Don Diego at dahil dito, lalong lumubha ang karamdaman ni Don Fernando. Gusto
niyang ipahanap si Diego sa kanyang minamahal at bunsong anak ngunit natatakot siya na hindi na rin
ito makabalik. Ayaw ng hari na mawala si Don Juan sa kanyang piling.
Habang pinag-iisipan ng kanyang ama ang tungkol dito, nagdurusa si Don Juan sa pagkawala ng
kanyang dalawang kapatid at sa paglubha ng sakit ng kanyang ama. Kaya lumapit siya sa kanyang ama at
hiniling na siya naman ang hananap sa Ibong Adarna at sa kanyang mga kapatid.
Magtatatlong taon na at hindi pa rin bumabalik ang kanyang mga kapatid at lumulubha ang sakit ng
kanyang ama. Ngunit sinabi ng hari sa anak na kung mawawala pa si Don Juan sa palasyo aya baka
tuluyan na siyang mamatay.
Sinabi ni Don Juan na naaawa siya tuwing nakikita niya ang kanyang ama na nasa malubhang kalagayan.
Tinakot pa niya ang ama na aalis nang walang paalam kung hindi siya papayagang umalis. Nabigla at
natakot ang hari.
Binigyan ng bendisyon ng ama si Don Juan. Lubhang nalungkot ang hari at ang reyna sa pag-alis ni Don
Juan. Naglakbay si Don Juan nang walang dalang kabayo at nagbaon lamang siya ng limang pirasong
tinapay. Habang naglalakbay ay nananalangin siya kay Birheng Maria na patnubayan siya at bigyan ng
lakas na matiis ang mga paghihirap alang-alang sa pagmamahal niya sa kanyang mga magulang at sa
dalawang kapatid. Nagdasal siyang sana’y maligtas siya sa lahat ng panganib.
Napag-isipan ni Don Juan na kakain siya ng isang pirasong tinapay bawat buwan upang mapawi ang
kanyang gutom. Hanggang isang araw ay narating niya ang isang malaking bundok. Nanalangin siya sa
Diyos at Birheng Maria na tulungan siya. Narinig ng langit ang kanyang mga dasal at naakyat din niya
ang bundok. Sa itaas ng bundok ay nakakita siya ng matandang ketongin.
Binigyan ni Don Juan ng tinapay ang matandang ketonging humingi ng pagkain sa kanya. Nagpasalamat
ang matanda at tinanong kay Don Juan kung ano ang pakay niya. Sinabi ni Juan na kukunin niya ang
Ibong Adarna para gumaling ang kanyang amang may sakit. Hinahanap din niya ang dalawa niyang
kapatid.
Pinayuhan ng matanda si Don Juan kung ano ang dapat gawin upang makuha ang Adarna.
Mabilis ang paglakad ni Don Juan pagkatapos ng pakikipag-usap sa matanda. Nakita niya ang Piedras
Platas at nabighani siya sa kagandahan ng puno, sa gintong sanga nito at malalabay na dahon. Ngunit
sa tulong ng kanyang Inang Mahal nalinaw ang pag-iisip ni Don Juan kaya nagpatuloy ito sa paghahanap
ng bahay na dapat niyang puntahan.
Natagpuan niya ang isang dampa na may nakatirang Ermitanyo na agad namang nagpatuloy at
nagpakain sa kanya. Sinabi ni Juan sa Ermitanyo na hinahanap niya ang Ibong Adarna at ang dalawa
niyang kapatid. Sinabi ng Ermitanyo na napakalakas ng Ibong Adarna at wala pang taong nakakatalo
rito. Ngunit sinabi ni Don Juan na handa siya alang-alang sa kanyang ama.
Pinayuhan si Don Juan ng Ermitanyo na sa puno ng Piedras Platas makikita ang Adarna. Hatinggabi ito
dadapo sa puno at aawit ito nang pitong beses at pitong ulit ding magpapalit ng kulay ng balahibo.
Nakakatulog ang sinumang makarinig sa awit ng Adarna ayon sa Ermitanyo. Pinayuhan niya si Don Juan
na hiwain ang kanyang palad at patakan ng isang dayap sa tuwing aawit ang ibon.
Dumurumi ang Adarna pagkatapos ng awit nito bago matulog. Dapat iwasan ni Don Juan ang dumi para
hindi siya maging bato. Kapag tulog na ang ibon, maaari na itong kunin kasama ang gintong sintas.
Humayo na si Don Juan upang abangan ang ibon.
Nakita ni Juan na dumapo ang Ibong Adarna sa sanga ng Piedras Platas. Naakit si Don Juan sa
kumikislap na puno at magandang ibon. Sa pagkanta ng ibon, bahagyang inantok si Don Juan kaya
hiniwa niya ang kanyang palad at pinatakan ito ng katas ng dayap. Sa tindi ng hapdi ng sugat, nagising si
Don Juan.
Umawit ang ibon nang pitong ulit at pitong ulit itong nagpalit ng anyo. Gaya ng dati, dumumi ito
pagkatapos umawit. Nakita ni Don Juan ang pagpatak ng dumi at kagyat siyang umilag upang hindi
maging bato. Nang makatulog ang ibon ay agad niyang tinalian ang mga paa nito ng gintong sintas.
Dali-dali niyang dinala sa Ermitanyo ang ibon.
Isinilid ng Ermitanyo ang ibon sa hawla at iniabot kay Don Juan kasama ang bilin na kumuha ng banga at
sumalok ng tubig. Dala ang banga, nagbalik si Don Juan sa Piedras Platas at binuhusan ang dalawang
batong naroon. Unti-unti, lumitaw ang kanyang mga kapatid. Masaya silang nagbalik sa Ermitanyo at
doon nagdiwang. Sa paghahangad na mapagaling ang may sakit na ama, humayo na ang magkakapatid
at ibinigay ng Ermitanyo ang hawla. Sa paglisan, hiningi ni Don Juan ang bendisyon ng Ermitanyo.
Nagpatuloy ang tatlong magkakapatid patungong Berbanya. Sa daan, nakaisip si Don Pedro ng isang
masamang balak. Nagpahuli si Don Pedro at kinausap niya si Don Diego. Mayroon siyang masamang
balak kay Don Juan. Natakot si Don Diego sa sinabi ni Don Pedro. Sinabi ni Don Diego na malalaman din
ang katotohanan tungkol sa Ibong Adarna.
Naiinggit siya kay Juan dahil sa gantimpalang makukuha nito. Pinilit ni Don Pedro si Don Diego na
sumama na sa kanyang masamang balak. Sinabi nito na bubugbugin nila si Don Juan hanggang sa ito’y
manghina. Pagkatapos, kukunin nila ang ibon at dadalhin sa kanilang ama nang buong dangal.
Pumayag si Don Diego.
Binugbog nila si Don Juan. Hindi nanlaban si Juan. Sumisigaw lamang siya na tigilan na nila ang
ginagawa nila. Nang makita nilang parang patay na si Juan, iniwan nila ito at kinuha ang Ibong Adarna.
Dumating ang magkapatid sa palasyo at agad silang pumunta sa kanilang ama upang ibigay ang Ibong
Adarna. Nang makita ng hari ang pagbabalik ng dalawang anak at ang Adarna, gumaan ang loob niya at
parang mawawala na ang kanyang sakit. Ngunit hindi niya nakita si Don Juan at tinanong kung nasaan
ito. Ang sagot ng dalawa ay hindi nila alam. Nabigo at naghimutok ang amang hari sa pagkawala ni Don
Juan. Muling bumigat ang kanyang kalooban at lalong lumubha ang kanyang sakit.
Naging malungkot at Ibong Adarna. Pumangit ang kanyang balahibo at hindi na siya kumanta. Nainip
ang hari dahil hindi kumakanta ang ibon. Nagduda na siya kung iyon nga ang totoong Ibong Adarna.
Sinabi niya na kung hindi aawit ang ibon ay baka tuluyan na siyang mamatay.
Hindi umawit ang Adarna habang wala pa si Don Juan na siyang totoong may-ari sa kanya. Umasa ang
hari na buhay pa si Juan, at makababalik sa Berbanya.
Habang lumulubha ang sakit ng hari ng Berbanya, gumagapang naman sa damuhan si Don Juan dahil sa
bugbog na inabot niya sa dalawang nakatatandang kapatid. Sa kawalan ng pag-asa, nagdasal siya sa
Diyos.
Nagdasal din siya na sana ay gumaling ang sakit ng amang hari; na sana ang Ibong Adarnang
pinaghirapan niyang kunin ang makapagpagaling sa kanyang ama.
Narining ang kanyang mga dasal nang isang matanda mula sa bundok ang lumapit sa kanya.
Pinahiran nito ng gamot ang mga sugat ni Juan. Parang isang panaginip ang nagyari kay Don Juan.
Nang magising, nanumbalik ang kanyang dating lakas at sigla. Inakala niya na ang matandang iyon ay
ang “Diyos”.
Tinanong ni Don Juan kung ano ang maibabayad niya sa ginawa ng matanda. Sinabi ng matanda na
hinihintay na si Don Juan ng kanyang ama sa Berbanya. Nagpaalam si Don Juan at naglakbay pauwi ng
Berbanya.
Nang gumaling, bumalik si Don Juan sa Berbanya. Ikinatuwa ng kanyang ina ang kanyang pagbabalik
ngunit ikinasindak ng magkapatid na Pedro at Diego. Lumuhod at hinalikan ni Don Juan ang kanyang
ama.
Pagkakita sa kanya, ibinalik ng Ibong Adarna ang magaganda nitong balahibo at inawit ang tungkol sa
sinapit ni Don Juan. Nakatulog ang hari at napawi ang sakit. Natuklasan niya ang kataksilan nina Pedro
at Diego at binalak na sila’y parusahan. Sa halip na maparusahan, hiniling ni Don Juan sa ama na
patawarin ang mga kapatid.
Nanumbalik ang sigla ng hari, gayundin ang kaayusan ng Berbanya. Inatasan ng hari na magbantay ang
tatlong magkakapatid sa ibon, tig-tatatlong oras bawat gabi.
Kahit napatawad na ng amang hari at ni Don Juan sina Don Pedro at Diego, muling nagtangka ng
masama ang dalawa laban kay Don Juan upang makaganti sa pagkapahiya nila.
Isang gabi, inimbita ni Don Pedro si Diego na samahan siyang magtanod sa Ibong Adarna. Tinanong ni
Diego kung sino ang magtatanod pagkatapos niya. Sinabi ni Don Pedro na si Don Juan naman ang
susunod na magtatanod. Ang dalawa ay nagkasundo kaya nagkwentuhan at nagbiruan hanggang
pagsapit ng ikasampu ng gabi. Ginising nila si Don Juan kahit hindi pa nito oras. Sinabi niya sa dalawa
na halinhinan siya sa susunod nang maaga. Ngunit sa pagtatanod ay nakatulog siya. Nang tulog na si
Don Juan binuksan ng dalawa ang hawla at pinawalan ang Adarna. Nang makita ni Don Juan na wala na
ang ibon agad siyang umalis ng palasyo at ng kaharian ng Berbanya. Nang magising ang kanilang ama at
nakita na wala na ang ibon, tinanong niya kung sino ang nagtanod nang gabing iyon. Sinabi nila na si
Don Juan. Kaya inutusan niya ang dalawang anak na hanapin at ibalik si Don Juan. Naghanap ang
magkapatid hanggang sa marating nila ang Armenyang Kabundukan.
Isang araw habang naglalakad silang magkakapatid, may natuklasan silang isang balon. Ang balon ay
gawa sa marmol ngunit walang tubig at napakalalim. Pinagpasyahan nilang pasukin ang balon.
Naunang pumasok si Don Pedro, ngunit hindi nagtagal at muli siyang lumabas dahil sa takot sa dilim at
kalaliman ng balon. Sumunod si Don Diego, ngunit natakot din siya sa kadiliman at kalaliman ng balon.
Ang huli ay si Don Juan. Bumaba si Juan sa balon at nilabanan ang takot sa dilim at lalim nito. Sinabi
niya sa sarili na tatapusin niya ang kanyang sinimulan. Ang kanyang mga kapatid ay nangangamba at
naiinip sa kahihintay kay Juan. Pababa nang pababa si Juan hanggang sa makatapak siya sa lupa.
Pagharap niya ay nakita niya ang isang palasyong ginto at pilak.
Nang makita niya ang palasyo, may nakita rin siyang napakagandang babae na nagngangalang Donya
Juana, isang prinsesa. Pinuri at sinamba ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana.
Hiniling ni Donya Juana na huwag siyang iwanan doon dahil may isang sakdal lupit na higanteng
nagbabantay sa kanya. Hindi natakot si Don Juan sa higante
Nang dumating ang higante, inaglahi niya si Donya Juana. Dahil dito, nagalit si Don Juan at hinamon ang
higante sa isang pagtutuos. Sa tulong ng Diyos nanalo si Don Juan. Aalis na sana sila nang maalala ni
Juana na ang kanyang kapatid na si Leonora ay naroon pa. Si Leonora naman ay binabantayan ng
serpyenteng may pitong ulo. Hiningi ni Donya Juana kay Don Juan na iligtas ang kanyang kapatid mula
sa serpyente. Pumayag naman si Don Juan.
Nakita ni Don Juan sa palasyo si Prinsesa Leonora. Nagtitigan muna sila hanggang sa magtanong si
Leonora kung ano ang ginagawa niya roon at kung bakit walang ingat sa pagsasalita ang binata.
Humingi ng paumanhin si Juan. Nagkagustuhan ang dalawa habang nag-uusap. Dumating ang
serpyenteng nagbabantay kay Leonora at naglaban sila ni Don Juan. Bahagyang natigil ang labanan. Sa
pagtutuloy ng laban, binuhusan ni Juan ng balsamo ang ulo ng serpyente. Matapos matalo ang ahas,
umalis sina Leonora at Juan sa palasyo.
Kalalabas lamang nina Don Juan at Leonora. Ikinuwento nila ang mga nangyari sa balon. Sa sobrang
inggit, muling nagtangkang pagtaksilan ni Don Pedro si Don Juan.
Nakalimutan ni Leonora ang kanyang singsing sa palasyo sa loob ng balon. Habang bumababa ng balon
si Don Juan, pinutol ni Pedro ang lubid at bumagsak si Juan. Pinababa ni Leonora ang kanyang Lobo at
inutusan itong gamutin si Juan.
Samantala, sa itaas ng balon, hinikayat ni Pedro si Leonora na siya na lamang ang mahalin. Nang di
pumayag si Leonora, sapilitan itong binuhat ni Pedro pauwi ng Berbanya. Naiwan naman sa balon si
Don Juan.
Sa mga araw na nagdaan, lubos ang kalungkutang nadama ng amang hari dahil sa pagkawala ni Don
Juan. Malaking tuwa raw kung mayayakap niya ang kanyang minamahal na bunsong anak. Itinanong ng
hari sa dalawang nakatatandang anak kung ano ang natagpuan nila sa mga bundok at gubat. Ayon sa
dalawa lahat daw ay pinuntahan at pinaghanapan nila ngunit hindi nila nakita si Don Juan, maliban sa
dalawang prinsesang iniligtas nila mula sa higante at serpyente sa kanilang kaharian sa loob ng balon.
Hiningi ni Don Pedro na makasal agad sila ni Leonora ngunit taimtim na hiniling ni Leonora na masunod
ang kanyang panatang mabuhay nang mag-isa sa loob ng pitong taon. Samantala, inihanda ang kasal
nina Don Diego at Donya Juana. Siyam na araw ang walang tigil na kasiyahan, habang patuloy ang
pagdurusa ni Don Juan sa Armenya.
Naabutan ng lobo si Don Juan na sugatan at bali-bali ang mga buto. Para mapagaling si Don Juan,
kumuha ng tubig mula sa Ilog Herdan ang lobo. Umahon sila mula sa balon at iniwan na ng lobo si Don
Juan. Sa paglalakbay, napagod at naidlip si Don Juan. Nakita siya ng Adarna at nagising si Juan sa awit
nito. Ikinuwento ng ibon kung paano siya nakaalis sa palasyo. Sinabihan din siya ng ibon na limutin na
si Leonora at maglakbay patungong Reyno delos Cristales upang hanapin ang isang Maria Blanca.
Lubos ang kalungkutan ni Leonora ngunit inaasam niyang sana’y buhay pa si Don Juan sa tulong ng
lobong inutusang manggamot. Samantala, tila hindi matunton ni Don Juan ang daan patungong
Kaharian ng delos Cristal. Tatlong taon na siyang naglalakad sa gubat at mga kabundukan, ngunit hindi
siya nawalan ng pag-asa sa Diyos. Isang araw, nakatagpo siya ng isang matandang ermitanyo. Nanlimos
ng pagkain si Don Juan. Sa kanyang gutom, nakuha niyang kainin ang maitim at bukbuking tinapay.
Binigyan pa siya ng matanda ng pulut-pukyutan at tubig. Naubos ni Don Juan ang pagkain at tubig at
nagpasalamat siya sa kabaitan ng matanda. Itinanong niya sa matanda ang daan patungong de los
Cristal. Pinapunta ng matanda si Don Juan sa ikapitong bundok. Sinabi nito na matatagpuan ni Don
Juan ang isang ermitanyo na pagbibigyan niya ng isang pirasong tela.
Kinailangan ni Don Juan na maglakbay ng limang buwan patungo sa bundok na katatagpuan sa isa pang
ermitanyo. Nang makita si Don Juan ng ermitanyo, nais niyang paalisin nito. Ngunit pagkatapos siyang
tanungin kung ano ang ginagawa sa bundok, ipinakita niya ang barong binigay sa kanya ng unang
ermitanyo. Sinabi ng ermitanyo na ito ay baro ni Jesus at itinanong niya ang kailangan ni Don Juan.
Muling itinanong ni Don Juan kung nasaan ang delos Cristal. Tinawag ng ermitanyo ang mga hayop sa
gubat pero walang may alam. Kaya pinadala siya ng ermitanyo sa Olikornyo patungo sa isa pang
ermitanyo para ibigay ang barong dala niya.
Nakarating sila doon at nakita siya ng isa pang ermitanyo na kapatid ng ermitanyong nakausap na niya.
Ibinigay niya ang baro at tinanong kung alam nito ang delos Cristal. Tinawag naman ng ermitanyo ang
mga ibon ngunit walang may alam. Nahuling dumating ang Agila at alam nito ang delos Cristal.
Pinangako nitong dadalhin doon si Don Juan. Nagpasalamat siya at lumipad sila patungong kaharian ng
delos Cristal.
Pagkatapos ng isang buwan, nakarating si Don Juan sakay ng agila sa kaharian ng Cristales. Dinala siya
ng agila sa paliguan ng mga prinsesa. Umalis ang agila at pinayuhang magtago ang prinsipe. Sa pag-alis
ng agila, nakita ni Don Juan si Donya Maria. Pinagmasdan niya ito at di maipikit ang mga mata sa
sobrang ganda ng prinsesa. Nang pumasok na sa paliguan si Donya Maria, sa pagkahumaling ni Don
Juan ay ninakaw at pinaghahalikan niya ang damit ng prinsesa.
Pagkatapos maligo, nalaman ng prinsesa na nawawala ang kanyang damit. Isang oras siyang naghanap
pero pa rin niya nakita. Galit na galit ang prinsesa at nangakong parurusahan ng kanyang ama ang may
kagagawan nito. Sa wakas, lumabas ang magnanakaw at nagpaliwanag si Don Juan. Sinabi rin niya na
mula siya sa Berbanya at dala siya ng mahiwagang bula. At habang nag-uusap, nalaman nilang sila’y
umiibig sa isa’t-isa.
Ikinuwento ni Donya Maria na ang mga batong nakikita nila’y dating mga taong nanligaw sa kanya na
naparusahan ng ama niyang hari, kaya nagbilin siya ng mga ilang bagay ukol sa wastong paraan ng
pagkilala at pagpapakilala sa hari. Pagkatapos niyo’y naghiwalay ang dalawa. Nakita ni Don Juan ang
hari at kinapanayam siya nito. Hindi niya sinunod ang payo ni Maria at pinagtawanan si Don Juan ng
buong korte. Dahil dito, binigyan ng hari ang prinsipe ng malulupit at tila mga imposibleng utos. Ngunit
dahil sa mahika ni Donya Maria, natupad lahat ang mga utos ng hari gaano man kahirap. Dahil dito,
napapayag ni Don Juan ang hari na ipakasal sa kanya si Donya Maria.
Ipinatawag si Don Juan sa palasyo ngunit ayaw niyang manatili roon dahil ayaw niyang sumailalim sa
mahika ng hari. Pumayag si Don Juan na sundin ang kahit anong kahilingan ni Haring Salermo. Una’y
pinakawalan ng hari sa dagat ang labindawalang ita na galing sa prasko. Sinabi ng hari na kailangang
maibalik ni Don Juan ang lahat ng ita sa loob ng prasko bago mag-umaga. Nang gumabi na, nagkita
sina Don Juan at Donya Maria. Matapos nilang magsaya, ipinangako ni Maria na maibabalik ang mga ita
sa prasko. Pinagpahinga na ni Maria si Juan. Tumungo si Maria sa dagat at tinawag ang mga ita.
Nanginginig sa takot na nagsibalikan ang mga ita sa loob ng prasko.
Inutusan naman ng hari na iurong ni Don Juan ang bundok sa harapan ng palasyo upang masagap niya
ang sariwang hangin pagkagising niya sa umaga. Sa tulong ni Maria, naiurong ang bundok.
Hiningi naman ng hari na itabon sa ldagat ang lupa ng bundok at gumawa ng isang malaking palasyong
may matitibay na moog. Nais ng hari na magkaroon ng magandang lagusan mula sa palasyo real
patungong moog na may mga kanyong nakahanay. Kinaumagahan, dahil din kay Donya Maria natupad
ang hiningi ng hari.
Habang naglalakad sa tabing dagat, sinadyang ihulog ng hari ang kanyang singsing. Inutusan niya si Don
Juan na ibalik ito. Hindi nabigo si Don Juan kay Maria. Kinaumagahan, sa hapag sa tabi ng higaan ng
hari, naroon ang singsing na nahulog sa dagat.
Malungkot ngayon ang prinsesa kahit sa piling ni Don Juan. Alam ng prinsipe na tunay na mahal siya ni
Donya Maria ngunit mayroon lamang itong iniisip na malalim. Malubha ang kanyang ama kaya naman
dali-dali siyang pumunta sa palasyo.
Kinaumagahan ay ipinasundo uli ng hari si Don Juan at mukhang may ibabalita rito. Si Don Juan ay
naghintay sa magandang kapalarang ibibigay sa kanya. Si Don Juan ang pipili kung sino ang kanyang
mapapangasawa.
May tatlong silid na may butas, at sa bawat butas, ang hintuturo lamang ng bawat prinsesa ang
nakalabas. Hindi makapaniwala ang hari sa galing ni Don Juan sa pagpili. Nakaisip ng isang plano si
Haring Salermo. Kung hindi, ipapapatay na lamang niya si Don Juan.
Nalaman ni Donya Maria ang plano ng kanyang ama at nagmakaawa ngunit hindi ito nakinig kaya
naisipan ni Donya Maria na tumakas. Sakay sa pinakamabilis na kabayo, nagtanan ang magkasintahan
ngunit sinundan sila ni Haring Salermo. Nawalan na ito ng pag-asang makuha muli ang anak kaya
isinumpa niya ito. Hiniling niya na kung si Donya Maria ay tatapak sa Berbanya, siya ay malilimutan ng
lalaking umiibig sa kanya. Ipinaubaya na ni Haring Salermo ang lahat sa Diyos na Makapangyarihan.
Dahil sa sama ng loob, nagkasakit ang hari at tuluyan nang namatay. Walang nagawa ang kanyang
karunungan upang iligtas ang kanyang buhay.
Bago magtungo ang magkasintahan sa palasyo ng Berbanya, iniwanan muna ni Don Juan si Donya Maria
sa isang bayan. Ayon kay Don Juan, siya muna ang uuwi upang ihanda ang palasyo at Berbanya. Ngunit
hindi sang-ayon si Maria sa planong ito. Ayon sa kanya, hindi na kinakailangang abalahin pa ang ama ni
Don Juan. Nagpumilit si Don Juan at nangakong babalik matapos ang paghahanda. Bago umalis si Don
Juan, hiniling ni Donya Maria na huwag siyang lilimutin ni Don Juan. Hiniling rin niya na huwag itong
lalapit sa kung sinumang babae.
Nang dumating sa Berbanya, buong pamilya ni Juan ay sumalubong sa kanya, lalo na si Leonorang
naghihintay sa kanya. Nagsaya ang buong Berbanya. Sinabi ni Leonora ang katotohanan na si Juan ang
nagligtas sa kanya mula sa ilalim ng balon. Ang haring nakikinig ay walang masabi sa ipinagtapat ni
Leonora. Ang mga tao sa kaharian ay nagtuos ng pansin sa dalawang kapatid ni Juan na nagtaksil.
Sumunod nang ipinamalita ang darating na kasal nina Don Juan at Leonora. Ang kaharian ay
nagdiwang dahil may gaganaping kasal ngunit hindi nila alam na dahil sa pasya ng hari ay may isang
magagalit.
Nalaman naman ni Donya Maria sa tulong ng kanyang karunungan na nalimutan na siya ng kanyang
sinisinta. Hindi tinupad ni Juan ang pangako niyang babalikan si Maria kaya nagalit ito. Ikakasal na sina
Juan at Leonora kinalingguhan ngunit hindi pa tapos ang lahat para kay Donya Maria.
Sa araw ng kasal, dumating si Donya Maria sa palasyo gamit ang kanyang mahiwagang singsing.
Nakasakay siya sa isang karosang walang kapantay ang ganda. Si Maria ay nagbihis bilang isang
emperatris at lahat ng kanyang hiniling ay natupad sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang singsing.
Humanga ang haring ama ni Juan sa kagandahan ng karosa ni Donya Maria. Tinanggap nang maayos ng
hari at reyna ang emperatris na dumating upang dumalo sa kasalan.
Itinigil ang kasal upang parangalan ang panauhing dumating. Bumaba si Maria mula sa karosa at binati
ang hari’t reyna. Ibig daw niyang batiin ang ikakasal ngunit mukhang nahuli na siya.
Bilang regalo, nagbigay ng isang palabas si Donya Maria. Ito ay isang laro na makapagpapasaya sa mga
ikakasal. Ang laman ng prasko ay isang negrito at isang negrita. Nagsimula ang palabas at tumugtog
ang musika kahit walang mga taong tumutugtog. Nagpatuloy ang negrita sa kanyang pagsasalaysay.
Sinabi niya kay Don Juan na si Donya Maria ang pinakamamahal niya na palagi niyang kasama. Sinabi
rin nito na ilang beses nang iniligtas ni Donya Maria ang buhay ni Don Juan. Isinalaysay din niya ang
lahat ng paghihirap na pinagdaanan ni Donya Maria para lang kay Don Juan.
Isinalaysay ng negrita ang mga pagsubok ng ama ni Donya Maria para kay Don Juan hanggang sa
pagtakas nila mula kay Haring Salermo ngunit hindi pa rin maalala ni Don Juan ang kanyang sinta.
Naglabas ng suplina ang negrita at tinamaan ang negrito habang nagsasalita ngunit si Don Juan ang
nasasaktan. Nasaktan si Don Juan ngunit hindi pa rin niya naalala si Mariang mahal niya. Higit siyang
napapamahal kay Leonora. Natapos ang palabas at nawalang mistulang bula ang negrito at negrita. Ang
tanging naiwan ay ang praskong balot ng pilak at ang laman ay tubig.
Nagalit na nang tuluyan si Donya Maria kaya kinuha niya ang prasko at tinangkang bitawan ito upang
gunawin ang buong reyno. Ngunit biglang bumalik ang alaala ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan si Maria
at humingi ng tawad. Sa kalungkutan, nagsalaysay na rin si Leonorang nakatungo. Isinalaysay ni
Leonora ang tungkol sa kanyang nakaraan. Nagmakaawa si Don Juan kay Donya Maria na itigil na ang
ginagawa dahil mahal pa rin niya ito habang buhay at walang makakapagpaiba nito.
Sinabi sa lahat ni Don Juan na tunay niyang mahal si Maria at inihahandog na niya si Leonora kay Pedro
dahil masamang mag-away ang magkapatid. Ang pag-ibig ni Juan para kay Maria ay totoo at hindi
mababago. Gayon man ay sinabi rin ni Don Juan na masaya na siyang makasa si Don Pedro kay Leonora
dahil ito’y banal at marapat sa pagmamahal niya. Kailangang sundin ni Juan ang mga magulang kaya
gagawin niya ito. Mas titibay ang kanilang kaharian kung kay Pedro makakasal si Leonora.
Nagpasalamat na rin si Juan kay Leonora dahil iniligtas din siya nito.
Hiniling ni Don Juan na makasal sila ni Donya Maria. Sa wakas ay pumayag na rin ang hari at ang
arsobispo. Si Leonora naman ay makakasal kay Don Pedro na nagmamahal sa kanya. Nasiyahan si
Maria sa pasya habang si Leonora ay tahimik lamang. Pumayag ang hari dahil isang karangalan na
maging manugang si Maria.
Pumili si Haring Fernando ng kanyang kapalit at ang kanyang napili ay si Don Juan dahil sa lahat ng
nagawa nito ngunit sinabi ni Donya Maria na ibigay na lamang ang korona kay Don Pedro dahil si Don
Juan ay may sariling reynong pamumunuan. Pinutungan ng korona at naghari sa reyno si Don Pedro.
Umalis sa Berbanya ang mag-asawa. Nagtungo sila sa malayong reyno ni Donya Maria. Mapayapa ang
reynong dinatnan ng dalawa. Ang engkanto ng dating hari ay nawala nang tuluyan at ang dating mga
pinarusahan ay nagbalik sa dati. Nagkaroon ng pista para sa bagong hari at reyna.
Inalala na lang ni Donya Maria ang kanyang pamilya. Nagkaroon ng isang malaking pista para sa lahat.
Si Don Juan ang naging hari ng reyno.
Tumagal ang pista ng siyam na araw dahil ang reyno ay hindi nagsaya sa loob ng walong taon. Nang
mamatay sina Don Juan at Donya Maria, nagluksa ang buong bansa. Nag-alay ang mga mamamayan ng
mga dasal para sa kanilang mabubuting pinuno. At doon nagtatapos ang koridong ito.