Professional Documents
Culture Documents
Jayson D. Petras
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Abstrak:
Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang pagpasok sa ating
kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge-
based society, knowledge-based economy, information society, paperless society, information economy,
attention economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT
ng pagbabago maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong
patunay nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University
(UPOU). Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa
Open and Distance Learning (ODL), sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa
wikang Filipino kaugnay ng mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang
pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang
kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din
sa pag-aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng isang
ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang akademiko sa distance
education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang epektibong pagbubuo ng mga
gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na
Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang
sistemang ODL bilang lunan ng pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.
Mga susing salita: open and distance learning (ODL), information and communication technology (ICT),
pagtuturo, wikang Filipino, UP Open University (UPOU)
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Maiuugat ang pagkakabuo ng UPOU sa introduksiyon ng radyong rural at ng “schools on the air”
ng UP Los Baños na pinasimulan noong 1959 upang magturo ng mga mga aralin at pagsasanay sa wikang
Ingles. Kinalaunan, binuo ng UP Kolehiyo ng Agrikultura sa Los Baños, sa pamamagitan ng Radyo DZLB,
ang programang nagbibigay ng mga panayam at diskusyon para sa mga magsasaka sa bansa. Sa pagsapit
ng 1991, binuo ng dating Pangulo ng UP Jose Abueva ang Distance Education Program Committee na
2
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
siyang nagmungkahi ng pagbubuo ng Distance Education Planning and Implementation Unit (DEPIU). Sa
pamamagitan ng ika-1053 pulong ng Lupon ng Tagapangasiwa noong ika-27 ng Agosto 1992, ang DEPIU
ay naging UP Distance Education Program (Jamandre, 2011). Ayon kay Librero (2008), ang programa ay
may inisyatibang maggawad ng mga kursong may digri at diploma, bumuo ng mga kagamitang
pampagtuturo, at magbigay ng mga di-pormal na programa.
-----------------------------------------------------
3
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Di-Gradwado:
Associate in Arts
Bachelor of Education Studies
Gradwado:
Graduate Certificate in Distance Education
Diploma in Science Teaching
Diploma in Mathematics Teaching
Diploma in Language and Literacy Education
Diploma in Social Studies Education
Master of Distance Education
Master of Arts in Language and Literacy Education
Master of Arts in Social Studies Education
Doctor of Philosophy in Education (Biology Education, Chemistry Education,
Physics Education, Mathematics Education)
Di-Gradwado:
Bachelor of Arts in Multimedia Studies
Gradwado:
Diploma in Computer Science
4
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Gradwado:
Diploma in International Health
Diploma in Land Valuation and Management
Diploma in Social Work
Diploma in Research and Development Management
Diploma in Environment and Natural Resources Management
Master of International Health
Master of Land Valuation and Management
Master of Social Work
Master of Public Health
Master of Hospital Administration
Master of Arts in Nursing
Master of Public Management
Master of Environment and Natural Resources Management
5
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
6
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Bilang pangunahing sangkot sa pag-aaral, nararapat na kilalanin kung sino-sino ang mga mag-
aaral sa UPOU. Mula sa pangangalap ng mga datos sa mga naunang litearatura at sa mismong
pagsiyasat sa mga mag-aaral ng UPOU batay sa sarbey na isinagawa sa programang Associate in Arts,
mabibigyang-linaw ang pangkabuuang katangian ng mga ito na magagamit naman sa pagpaplano ng
kurso.
part-time na mag-aaral/kadalasang may trabaho at ang ilan ay may mataas na posisyon o kilala
na sa kanilang larangan
Malaking bahagdan ng mga mag-aaral sa UPOU ay naghahanapbuhay, at kung gayon, ay
naisasabay sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ay maaaring Overseas Filipino Workers (OFW),
negosyante, empleyado ng gobyerno, at iba pa.
7
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
kinakailangan na ang mga mag-aaral ay magtungo sa mga establisyimentong gaya ng mga Internet shop
upang maakses ang kanilang kurso.
Lumalabas din, para naman sa mga mag-aaral sa mga taong 2003-2006, na karamihan sa
trabahong kinapapalooban ng mga nasa programang AA ay online tutors/teachers, call center agents,
free lance writers, IT coordinators/consultants, make up artist, corporates sales agent at HRD/admin
work. Sa personal na karanasan, ilan pa sa mga mag-aaral ay nagtatrabaho o naninirahan sa ibang
bansa.
Ano ang implikasyon ng mga ito sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino? Narito ang
ilan sa mga lantad na hamon sa mananaliksik/guro:
3. Dulot ng paninirahan sa ibang bansa, nagiging suliranin ang akses sa mga librong nasusulat sa
wikang Filipino. Ang ilan naman sa mga makukuha sa Internet ay galing sa kaduda-dudang
sanggunian. Gayunman, para sa mga mag-aaral na ito, matingkad ang pagnanais na mag-aral ng
wikang Filipino upang mapanghawakan ang sariling identidad sa kabila ng pagkakawalay sa
Pilipinas.
4. Dulot ng praktikal na kaalaman na nakukuha sa Internet at midya, hindi maiiwasan ang mga
maling pananaw sa wikang Filipino. Partikular sa mga ito ang pagtingin na ang Filipino ay
katumbas lamang ng Tagalog at ang komunikasyon ay nararapat na isagawa sa malalalim na
salita.
5. Dulot ng paninirahan sa iba’t ibang lugar, hindi lahat ay nakadadalo sa mga harapang pagkikita
na karaniwang isinasagawa minsan sa isang buwan.
8
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
6. Dulot ng kakulangan sa kasanayan sa teknolohiya, ang ilan ay hindi makatugon sa mga kahingian
(hal. hindi makalahok sa chat session dahil hindi batid ang paggamit sa Yahoo! Chat o Skype).
Bagama’t ang ilan sa mga nabanggit ay partikular na sakop ng kurso sa komunikasyon, isang
malaking hamon pa rin ang nakaatang sa balikat ng mga guro upang masigurong lahat ng paraan ay
naisasagawa para sa iba’t ibang sitwasyon ng mga mag-aaral.
Ang Katungkulan ng mga Guro sa Wikang Filipino sa UPOU
1. Tagadisenyo/Tagaplano ng Kurso
Isa sa pinakamahalagang papel ng guro sa sistemang ODL ang maging tagadisenyo o tagaplano
ng kurso. Ayon kina Bourdeau at Bates (1996), ang sinumang tagadisenyo ay nararapat mapagtantong
ang ODL ay “isang anyo na nangangailangan ng disenyo, produksiyon, at distibusyon ng mga programang
partikular na nakagiya sa layuning pampagkatuto sa distance education at tumutugon sa mga espesyal
na pangangailangan at kahingian ng mga indibidwal na programa. Nangangailangan din ito ng maayos
na sistema ng pamamahala at pagtataya na maingat na inihahanda upang umagapay sa reyalidad ng
pag-aaral labas sa harapang modelo ng pagkatuto,”
Kaugnay nito, nararapat na bigyang-pansin ng guro bilang tagaplano ng kurso ang sumusunod na
katanungan sa pagdisenyo, pagdebelop, at paghatid ng kaalaman (Bourdeau at Bates, 1996):
Paano mabibigyan ang mga mag-aaral ng akses sa nilalaman ng kurso sa pamamagitan ng
ginagamit na midya?
Paano madidisenyo ang kurso upang magkaloob ng singkroniko/di-singkronikong paggabay at
tugon sa mga mag-aaral?
Paano mapipili ang pinakamabisang kaparaanan sa paghahatid ng kaalaman gamit ang midya?
Paano bubuuin ang kurso na naisasaalng-alang ang kalikasan ng mga mag-aaral?
Paano matitiyak ang kalidad ng mga materyal na ginagamit sa klase?
Paano maiiwasan ang pagkawala ng interes ng mag-aaral sa kurso?
Paano aayusin ang pagtatasa sa pagkatuto upang matiyak ang mahusay na edukasyon?
Sa mga nabanggit, litaw ang naiibang gampanin ng mga guro sa ODL. Kaiba sa kumbensiyonal na
pagtuturo, inihahanda na ng guro ang lahat ng mga materyales na gagamitin sa klase bago magsimula
ang semestre. Ito ang tinatawag na course package na ipinadadala ng UPOU sa bawat isang mag-aaral
ng kurso, saanman ito naroon. Kinapapalooban ito ng:
9
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Bukod sa course package, dinidisenyo rin ng guro ang MyPortal account site ng kaniyang kurso.
Ang site na ito ay nagiging possible dulot ng Moodle, isang open-source software package na ginagamit
sa buong mundo para sa kursong nakabase sa Internet. Gayundin, sa maraming pagkakataon,
makatutulong din para sa paghahasa sa kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral, lalo na ang
mga nasa malalayong lugar sa loob at labas ng bansa na hindi nakadadalo sa mga harapang pagkikita,
ang kaalaman ng guro sa Skype o Yahoo! Chat upang mapadaloy ang singkronikong komunikasyon sa
pamamagitan ng chat at sa E-mail para naman sa asingkronikong pakikipagtalastasan. Sa ganang ito,
kahingian ang kaalamang teknohikal sa mga guro upang ganap na mapakinabangan ang lahat ng kayang
ibigay ng Internet tungo sa motibasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral.
2. Tagapagpadaloy ng Pagkatuto
Ayon kay Sharma (1989; sipi kay Librero, 2008), nagkakaroon ng kalayaan ang mag-aaral sa
distance education dahil hinihikayat nito ang mga guro na ang higit na mahalaga sa edukasyon ay hindi
ang dogmatiko/linyadong pagtuturo kundi ang pagpapadaloy ng pagkatuto. Sa katunayan, madaling
sabihin ngunit mapanghamon ang ganitong papel lalo na sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino. Gaya ng
nabanggit, kinakailangan ang masusi at kung minsan ay pauli-ulit na pagwawasto sa maling pananaw
kaugnay ng Filipino, sa kamaliang gramatikal, sa pabayang pagbaybay dulot ng impluwensiya ng texting
at midya. Bilang tagapagpadaloy, nararapat na magabayan din ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
paksang maaaring talakayin tungo sa paghahasa ng kasanayan sa komunikasyon gamit ang wikang
Filipino. Nakatutulong sa ganitong tunguhin ang paglikha ng iba’t ibang forum post tungkol sa
10
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
kaugnayan ng wika sa lipunan gaya ng ugnayan ng wika at kalikasan, wika at kultura, wika at midya, wika
at pamahalaan, at iba pa.
3. Eksperto sa Larangan
Mula sa pagkilala sa mga mag-aaral hanggang sa pagtalakay sa gampanin ng guro ng/sa wikang
Filipino sa UPOU, mahalagang pagtuunan ng pansin sa puntong ito ang karanasan ng pagtuturo ng/sa
wikang Filipino sa sistemang ODL. Kaugnay nito, makabubuting balikan ang ugnayang akademiko sa
distance education ni Moore (1989) – ugnayang mag-aaral nilalaman, mag-aaral-guro at mag-aaral-mag-
aaral – sa paglilinya ng mga gawain sa pagkatuto.
Ayon kay Beetham (2007), ang mga gawain sa pagkatuto ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga
mag-aaral sa loob ng kaligirang edukasyonal (kasangkapan at kaparaanan) tungo sa planadong
kahihinatnan na sinusuportahan naman ng mga taong may ispesipikong papel gaya ng guro. Sa kaso ng
pagtuturo ng/sa wikang Filipino, narito ang iba’t ibang gawaing maaaring isagawa batay sa ugnayang
akademiko (Arinto, 2010):
11
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
Gayundin, nararapat bigyang-diin na ang pagtuturo ng/sa wikang Filipino ay hindi lamang
nakatuon sa antas disiplinal kundi lalo’t higit sa pagtatampok dito bilang isang paninindigan/adbokasiya.
Ibig sabihin, ang tuon ng pagtalakay at pagpapadaloy ng mga aralin ay ganap na maipabatid ang
sentimental at instrumental na halagahin ng wikang Filipino. Kahit kurso sa pakikipagtalastasan ang
KOM 1 at KOM 2, hindi dapat malimitahan ang pagtalakay sa wikang Filipino bilang instrumento sa
komunikasyon kundi umigpaw pa rito sa pamamagitan ng pagkilala sa ating wika bilang penomenong
panlipunan at kung gayon ay mahalagang bahagi ng iba’t ibang larangan ng pakikipag-ugnayang Pilipino.
Epektibo itong maisasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga sitwasyon,
makabuluhan tanong, at karanasang panlipunan bilang tuntungan sa mga forum post o online discussion
board.
Konklusyon at Rekomendasyon
Kakabit ng pag-unlad ng ICT ang mahahalagang isyu na nakaaapekto sa kung paanong nagtuturo
ang guro, kung paanong natututo ang mag-aaral, kung paanong nakikipag-usap ang tao, at kung
paanong ang kinakausap ay nagbibigay-pakahulugan at tumutugon sa mga mensahe. Samakatuwid, ang
mga naibahagi sa papel na ito ay maaaring hindi lamang mga usapin sa ODL kundi nagsisimula na ring
umiral maging sa kumbensiyonal na sistema ng pag-aaral sa Pilipinas. At kaugnay nito, bilang panghuling
bahagi ng talakay, narito ang pagsusuma sa mga isyu (Librero, 2008):
12
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
4. Ang Virtual na Reyalidad sa Pagtuturo – Hindi na lamang harapang sesyon ng guro at mag-aaral
ang maaaring magpadaloy ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng chat, naisasagawa
ang singkronikong pakikipag-ugnayan. Gayundin, maging ang pakikipag-usap sa mga eksperto sa
iba’t ibang disiplina ay maaaring maisagawa na sa pamamagitan ng e-mail, blog, at
teleteaching/teleconferencing. Ang ilan pa nga sa mga mahahalagang pag-aaral ay makukuha
ng libre sa pormang pdf o e-book. Hindi lamang Wikipedia ang sanggunian sa Internet.
Napakarami pang mapakikinabangan dito nang hindi na kinakailangang umalis at gumastos nang
malaki.
Sa kabuuan, ang pagiging guro sa wikang Filipino ay hindi nangangahulugan ng pagiging huli
sa larangan ng teknolohiya na sinasabing dinodomina ng wikang Ingles. Ang mga guro at
tagapagtaguyod ng wikang Filipino ay nararapat kumilos upang ganap na mapakinabangan ang
teknolohiyang ito. Hindi na dapat magpakulong lamang sa mga tradisyonal na kaparaanan. Sa halip
na yeso at pisara, hawakan ang mouse at humarap sa monitor at patuloy pang palaganapin ang
wikang Filipino labas sa apat na sulok ng silid-aralan. Sa ganitong paraan maibubunsod ang
paggamit ng wikang Filipino sa mga diskusyong siyentipiko at teknolohikal.
13
Vol. 3 No. 1
JAYSON D. PETRAS: E-FILIPINO Dalumat Ejournal 2012
SANGGUNIAN
Almario, V.S. (2009). Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng
Wikang Pambansa. Manila: Anvil Publishing, Inc.
Arinto, P. (2010). Designing Effective Online Distance Learning. Paper presented at FEd Faculty
Assembly. 3 May.
Arinto, P. and Garcia, P. (2009). Online Teaching and Learning 2nd Edition. Quezon City: University of the
Philippines Open University.
Beetham, H. (2007). An Approach to Learning Activity Design. In Beetham, H. and Sharpe, R. (Eds.).
Rethinking Pedagogy for a Digital Age. London and New York: Routledege.
Bourdeau, J. and Bates, A. (1996). Instructional Design for Distance Learning. In Journal of Science
Education and Technology, Vol. 5, No. 4. Available at http://www.jstor.org/stable/40188563.
Last accessed 12 April 2012.
Jamandre, N.K.F. (2011). Quality Assurance in Distance Education achieved in the Philippines. In Asian
Journal of Distance Education. Available at http://www.AsianJDE.org. Last accessed 20 August
2012.
Librero, F. (2008). Distance Education in the Philippines: Issues and Concerns. Quezon City: Office of
Academic Support and Instructional Services, UP Open University.
Moore, M.G. (1989). Three Types of Interaction. The American Journal of Distance Education 3:2.
Available at http://www.ajde.com/Contents/vol3_2.htm#editorial. Last accessed 14 August
2011.
14