You are on page 1of 2

Ma. Jeanette F.

Reyes

Araw 2 / Gawain 1:
(a) Auit sa Anak
(b) Korido sa Ina
Musika

Lumaki man ako sa pangungulila,


At sa hirap ng buhay ako’y nagmula
‘Di batayan upang maging tanikala
Pagmamahal ng ninyo sa bisig ko’y dala

Aking payak na buhay ay naging makulay


Dahil ang musika mo inay ang buhay
Instrumentong kwerdasan ay iyong binigay
Tempo at ritmo’y dadaloy saking kamay

Sa pagtugtog man oras ay ‘di mawari


Walang hahadlang kahit na gumabi
kahit sumasakit ang aming daliri
Titiisin maghatid lamang ng ngiti

Aking ipaglalaban, aking mithiin


Upang ang musika’y kanilang linangin
Lagi kong gagawin at ‘di lilimutin
Sarling musika’y aking mamahalin

Dugo ng musiko ang nananalaytay


Ang ‘yong kahilingan ay nabigyang buhay
Sa tagumpay ko ay ika’y nagpupugay
Ang palakpak ng kamay mo ay walang humpay
Korido sa Ina

Musmos pa nang matandaan


Ikaw ina’y ang takbuhan
Dahil bata pa ang isipan
Ikaw ang inaasahan

Pangaral mong binibigay


Tulong sa aki’y pag-gabay
Mga gawaing walng humpay
Ikaw laging umaalalay

Ina’y ubod kang kay bait


Salamat ang sinasambit
Aruga at malasakit
Kahit ikaw ay may sakit

Turing ko sa kanya’y ginto


Rumupok man kanyang buto
Bawat oras at minuto
Pagmamahal nya ay husto

Iisa lang kanyang layon


Ang mabigyan ka ng baon
Matulog man sya sa karton
Basta’t sa hirap umahon

Iyan ang mahal kong nanay


Kasama sa aking buhay
Liwanag niyang binibigay
Gamit ko sa paglalakbay

You might also like