You are on page 1of 1

Mungkahing Parte ng Dahong Panggawain sa Filipino

Bahagi Nilalaman
Simulan Mo! Ito ang magsisilbing panimula o introduksyon ng Sanayang Papel/Gawaing Papel na gagawin. Sasagutin ng
bahaging ito ang mga katanungan: Tungkol saan ang Sanayang Papel/Gawaing Papel? Ano ang kahalagahan nito?
Ano o ano-ano ang mga dapat matutunan ng mag-aaral? Laman din nito ang layunin o kompetensing dapat
matamo ng mga mag-aaral na gagamit nito. Maaaring simulan sa isang kumustahan, awitin, tula, karanasan or
pahayag (springboard) na may kaugnayan sa aralin. Sa bahaging ito, maaaring balikan ng guro ang nakaraang
aralin.

Alam Mo Ba? Ito ang katawan ng Sanayang Papel/Gawaing Papel. Dito magkakaroon ng isang maliwanag na paglalahad o
pagtatalakay ng aralin. Mababasa rin dito ang lahat na dapat malaman at matutunan ng mga mag-aaral. Dito
tatalakayin ang mga konsepto tungkol sa aralin.

Magtulungan Ito ang bahagi kung saan magkakaroon ng mga halimbawa at mga paunang gawain para sa mag-aaral. Mga serye
Tayo! (series) ng pagsasanay na maaaring tutulungan sila ng kanilang magulang o sinomang kasama sa bahay upang mas
maintindihan ang aralin.

Magagawa Ito ang bahaging pagtataya. Dito masusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kompetensing nais linangin ng
Mo! guro.

CLMD-TCPJ

You might also like