You are on page 1of 34

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan
MGA BABASAHIN
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una hanggang Ikawalong Linggo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:

Editor:

Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor


Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Director IV
Genia V. Santos, CLMD, Chief
Dennis M. Mmendoza, Regional EPS In-Charge of LRMS
Micah S. Pacheco, Regional ADM Coordinators
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa aralin sa Ikatlong Markahan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa mga
aralin sa Ikatlong Markahan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng
Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Aralin

1 Ponemang Suprasegmental
Suriin

Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang
tamang damdamin sa pagpapahayag.
1. Intonasyon, Tono, at Punto- Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba
na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga
salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang tono ng pagsasalita ay
nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang punto ay ang rehiyonal na tunog o
accent.
Halimbawa:
 Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/ Nagdududa)
 Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
 Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. Diin at haba- Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman at tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
Halimbawa:
 /balah/ (bullet)
 /bala/ (threat)
 /tu.boh/ (pipe)
 /tuboh/ (sugar cane)
3. Hinto o Antala- Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon, at
kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
 Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
 Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda
ito)
Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at
galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.
Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng tula.
Ginagamit ito upang epektibong maihatid ang damdamin ng tula sa madla o
mailarawan ang kaisipang inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat kumpas ay
kailangang maging natural o hindi pabigla-bigla ang pagtataas o pagbababa ng
kamay. Hindi pasulpot-sulpot ang kamay at lalong hindi palamya-lamya ang galaw ng
bisig. Kailangang ang kumpas ay maging angkop sa daloy ng damdaming nais
ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay nakatutulong sa pagpapataas ng damdamin
hanggang marating ang pinakamaigting na damdaming inihahatid sa madla.
Gayundin, mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang galaw ng mata
at katawan ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa
gawing kaliwa, lahat ng pares ng mga mata ay dito dapat nakatuon. Ang paglalapat
ng angkop na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o kasiningan sa
pagpapahayag. Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa diwang
isinasaad o sa nais sabihin ng bibigkasin.
Sanggunian:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7

Pagyamanin
Gawain 4: “Ang Sariling Wika”na isinalin sa Filipino ni Lourdes C. Punzalan mula sa
orihinal nito sa Kapampangan na may pamagat na “Ing Amanung Siswan” ni Monico R.
Mercado,
Ang tulang ito ni Don Monico R. Mercado ay isinalin sa Tagalog mula sa wikang Kapampangan. Ito
ay itinagalog ni Lourdes Punzalan.

Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bunubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
Aliw-iw at himig na nakakahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.

Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.

Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

Aralin
Katangian ng mga Uri ng
2 Karunungang-bayan

Suriin
Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Batay
sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng
kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naisayos sa isang masining na paraan.
Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga
Pilipino noong unang panahon.
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang
ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula
tulad ng tulang panudyo, tugmang de-gulong, bugtong, palaisipan, at iba pang
karunungang-bayan.”
Mga Karunungang-bayan
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin
sa tawag na Pagbibirong patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.
2. Tugmang de-gulong
Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain,
kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay tinitipon ni Dr. Paquito
Badayos.
Halimbawa:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
c. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang. Noon, karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw sa
mga namatay ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o
pista.
Halimbawa:
a. Gumagapang pa ang ina,
Umuupo na ang anak. (sagot: Kalabasa)
b. Maliit pa si Totoy
Marunong nang lumangoy. (sagot: isda)
c. Nagtago si Pilo
Nakalitaw ang ulo. (sagot: pako)
4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras
ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay
sanay mag-isip at ipinamana ito sa mga susunod na henerasyon.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon
sapagkat ito’y talaga namang nakapagpapatalas ng isipan. Ito ay hindi na lamang pinag-
uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa internet.
Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis.)
b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di
man lamang nagalaw ang sumbrero?
(sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero.)
Sanggunian:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7

Aralin
Pagbibigay Kahulugan ng
3 mga Salita
Suriin
Pagbibigay kahulugan ng Salita
Dahil sa mayaman ang ating wika, marami tayong mga salitang maaaring
makakaugnay na nagtataglay ng parehong mga kahulugan. Sinasabing sa pagbibigay-
kahulugan sa isang salita, mayroong iba’t ibang kaparaanan ayon sa ipinapakita ng
dayagram.

Pagbibigay- kahulugan sa
Salita
Pagpapangkat Denotasyon at
Konotasyon

Batay sa konteksto sa Batay sa


Isang proseso pangungusap Ang kasingkahulugan at
ng pagpili sa konotasyon kasalungat
mga salitang ay ang
magkakaugnay kahulugang
ang kahulugan Ang pag-unawa maaaring Magkasingkahulugan
sa isa’t isa. sa diwang taglay iugnay sa ang tawag sa pares
ng isang isang salita ng mga salitang
pangungusap ay samantalang magkapareho ng
makatutulong ang kahulugan.
upang denotasyon
maunawaan ang ay literal na Magkasalungat
kahulugang kahulugan o ang tawag sa pares
taglay ng isang kahulugang ng mga salitang
salita. nagmumula sa magkabaliktaran
diksiyonaryo. ang kahulugan.

Pagyamanin

Gawain 1: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
__ 1. Hinagod ni Rosanna ang ulo at dibdib ng inang maysakit.
A. hinaplos B. minasahe C. pinisil D. pinindot

__ 2. Nagmamadali si Mang Tomas sa pagpasok sa opisina kaya humahagibis ang


kanyang pagmamaneho sa kalye.
A. matulin B. mabagal C. malakas D. mahaba
__ 3. Si Lon ay isang batang mabait. Hindi totoo ang bintang sa kanya na siya ay isang
magnanakaw.
A. hinala B. akala C. hinuha D. sapantaha
__ 4. Malagim ang nangyari sa mga taga- Pampanga dahil sa pagdaloy ng lahar.
A. nakagugulat B. nakasisindak C. nakakatakot D. nakabibigla
__ 5. Ang kanilang bahay ay maagang nawalan ng suhay dahil sa pagkamatay ng kanilang
ama.
A. haligi B. ilaw C. duyan D. kawayan
__ 6. Magkasama sa kulungan ang mga manok at pitson.
A. baka B. kalabaw C. kabayo D. kalapati
__ 7. Nagtungo sila sa duluhan ng kanilang bakuran.
A. unahan B. hangganan C. gitna D. gilid
__ 8. Takipsilim na nang magsiuwi ang magbabarkadang sina Toby, Samuel at Levi.
A. maliwanag pa B. may araw pa C. may buwan na D. magdidilim na
__ 9. Malamig ang simoy ng hangin sa bukid.
A. hagupit B. hampas C. ihip D. amoy
__ 10. Malugod silang sinalubong ng mga magulang ni Maricel.
A. tuwang-tuwa B. tawa nang tawa C. inip na inip D. biglang bigla

Gawain 2: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang nakasulat nang madiin sa


parirala. Kopyahin at isulat sa loob ng mga kahon ang iyong sagot at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. nilabag ang batas
Kasingkahulugan: Kasalungat:
Pangungusap:
2. subyang na pag-ibig
Kasingkahulugan: Kasalungat:
Pangungusap:
3. magbata ng pagdurusa
Kasingkahulugan: Kasalungat:
Pangungusap:
4. mahabang panahon ding hindi umimik
Kasingkahulugan: Kasalungat:
Pangungusap:
5. hindi lubos na matalastas
Kasingkahulugan: Kasalungat:
Pangungusap:

Gawain 3: Buuin ang cataloguing upang higit na maging pamilyar sa mga salitang nakasulat
nang pahilig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Salita Salitang-ugat Kahulugan Kasalungat
1. may araw pang nalalabi labi ___________ nauubos
2. lubos na matanto tanto maunawaan __________
3. pawiin ang kalumbayan ____________ ____________ kaligayahan
4. buong pusong kinalinga kalinga ____________ __________
5. labis na ninanasa ____________ ____________ inaayawan

Gawain 4: Ayusin ang mga salita batay sa tindi ng pagpapakahulugan. Isulat sa baitang ng
hagdan ang letra ng tamang sagot. Ang bilang 1 ang pinakamababaw at ang bilang 4
naman ang may pinakamatinding kahulugan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
4

3
A. inis C. galit
2 B. poot D. sumpa
1
4
A. nagayuma C. natuwa
3 B. naaliw D. nawili
2

palagi produktibo
3 sinawing-palad kinukubli pinaligaya
A. kutob C. pangamba
2 B. takot D. sindak
1

Gawain 5: Tukuyin ang denotasyon at konotasyon ng sumusunod na salita sa bawat bilang.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang una ay ginawa na para sa iyo.
denotasyon salita konotasyon
isang hayop na mahaba,
makaliskis, gumagapang at ahas masama o traydor
madalas ay makamandag
puso
lungga
daga
bagyo
tahanan

Gawain 6: Pangkatin ang mga salitang nakasulat sa kahon batay sa kung saang kaisipan ito
maaaring iugnay sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

sikreto nakalilikha parati


nilibang dumalas nakabubuo
panay nasawi inaliw
natalo lihim nabigo
nakagagawa tago pinasaya

Aralin Tulang Panudyo, Tugmang


4 De Gulong at Palaisipan

Suriin
TUGMANG DE GULONG

 Mga paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong


sasakyan tulad ng dyip, bus, at traysikel.
 Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at ang mga pang
– araw –araw na sitwasyon sa pagbibiyahe, pamamasada tulad ng ‘di nagbabayad
ng pasahe.

Halimbawa:
Magandang binibini, ikaw ay bulaklak sa mata ko, diyosa ng puso ko, sakit ng bulsa
ko. 

TULA/AWITING PANUDYO

 Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay patula (may sukat at
tugma). - layunin nito ay ang mambuska o manudyo, karaniwang ginagamit bilang
panukso sa bata.

Halimbawa:
Tutubi, tutubi! Huwag kang pahuhuli Sa batang mapanghi!

PALAISIPAN

 Ito ay isang suliranin o enigma na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.


 karaniwang humahamon sa mambabasa na mag – isip upang malutas ang suliraning
inilahad.
Halimbawa:
May isang tulay na walang sinumang makadaan sapagkat may nagbabantay na
mahiwagang tinig, at sinumang makarinig nito ay tiyak na mamamatay, subalit may
isang binata na nakatawid sa tulay.

Tanong: Bakit hindi namatay ang binata?


Sagot: Bingi ang binata.

Pagyamanin
Gawain 1: Magtala ng 5 karaniwang karatulang makikita sa mga pampublikong sasakyan
tulad ng dyip, bus, at traysikel. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5.

Gawain 2: Gawing malikhain ang pagkakasulat ng pahayag na nakasaad sa ibaba ayon sa


itinakdang pamantayan. Maaaring gumamit ng mga pangkulay, iba’t ibang uri ng panulat at
maaaring guhitan ng mga larawang may kaugnayan sa pahayag.

Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto.

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Makulay at kaakit-akit ang pagkakasulat
2. Mahusay ang paggamit ng mga letra at disenyo
3. Wasto ang pagbaybay
4. Malinis ang binuong karatula
5. Nakaaagaw ng atensyon
6. Nababasa nang malinaw at maayos

Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;


2 – Di-mahusay; 1 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad
Gawain 3: Sumulat ng sariling tulang panudyo ayon sa nakasaad na pamantayan.
Halimbawa:
Pen pen de sarapen
May batang ututin
Kapag inaasar, iyakin
Uuwing sipunin

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng tula ang katangian ng tulang
panudyo.
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita
3. Binubuo ng apat na linya at masining ang pagkakabuo ng
bawat taludtod
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga salita at
parirala
5. May tugmaan sa bawat taludtod
6. Nakaaaliw at ang layunin ay manudyo

Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;


2 – Di-mahusay; 1 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad

Gawain 4: Pumili ng mga salitang nasa puso at gamitin ang mga ito upang makabuo ng
tulang panudyo ayon sa itinakdang pamantayan.

Pikon away
Sumbong laro bata
Iyak kampi mahina

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng tula ang katangian ng tulang
panudyo.
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita.
3. Binubuo ng apat na linya at masining ang pagkakabuo ng
bawat taludtod.
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga salita at
parirala.
5. May tugmaan sa bawat taludtod.
6. Nakaaaliw at ang layunin ay manudyo.

Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;


2 – Di-mahusay; 1 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad

Gawain 5: Bumuo ng palaisipan batay sa mga salita sa bawat bilang.


1. Ring light
________________________________________________________________________
2. Sabon
_________________________________________________________________________
3. Suklay
________________________________________________________________________
4. Sapatos
_________________________________________________________________________
_.5. Aklat
_________________________________________________________________________

Gawain 6: Bilugan sa crossword puzzle ang mga salitang tugma sa kasagutan sa bawat
palaisipan.

K E L U G A W B T U R I S M O
A I M A D E U U R F H K N A I
G K F L Y E R K A G M R H G N
A A H H J K R A V N F A R A T
W T I P G D G S E M F D Z Z E
A L L A B I N G D A L A W A R
R O I N K J U G B L B O Y N N
A L O A H L T U R I S T A M E
N O H N B S R J O T G H J B T
N C M U F I D K C G Y R Y C S
G M B L K K A B A O N G H Y R
T E R I S A A G U R T J T B F
U D K T G T U S R L N P O L V

________________1. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang


may 30 araw. Ilang buwan naman mayroon ang isang taon?
________________2. Anong salita sa diksyonaryo ang laging binabaybay ng mali?
________________3. Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit?
Na siyang binibili rin ng bumili pero di niya rin gagamitin? Na siyang gagamitin ng gumamit
pero di niya nakikita?
________________4. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo
ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong puwesto mo na ngayon?
________________5. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?
Aralin Elemento at Katangian ng mga

5 Alamat, Mito, Maikling Kuwento, at


Kuwentong-Bayan

Suriin
ANG MGA MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO, AT
KUWENTONG-BAYAN

 Mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa ang mga Mito,


Alamat, Maikling Kuwento at Kuwentong-bayan dahil ito ay
lumaganap sa pamamagitan ng pasalindila o pagkukuwento ng
pasalita bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa
ating bansa.
 Kadalasan, ang mga pinuno ng mga barangay o ang mga pari ng mga
relihiyon ang nagkukuwento ng mga ito.

PAGKAKATULAD NG MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO AT


KUWENTONG-BAYAN

 Halos pareho lamang ng mga paksang tinatalakay ang apat na uri ng


panitikang ito na karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin,
relihiyon, paniniwala, kultura maging ang heograpiya, uri ng
hanapbuhay at katangian ng mga mamamayan sa isang partikular na
lugar o pangkat na pinagmulan ng mga ito.
 Karaniwang ikinukuwento ang mga ito upang makapagbigay ng
gintong aral na magagamit sa tunay na buhay.

PAGKAKAIBA NG MITO, ALAMAT, MAIKLING KUWENTO AT


KUWENTONG-BAYAN

 MITO – karaniwang tumatalakay sa mga Diyos, Diyosa, Bathala,


Diwata at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
 ALAMAT – isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o
nagmula ang mga bagay-bagay.
 KUWENTONG-BAYAN – isang maikling kuwento tungkol sa isang
tauhang naninirahan o paniniwalang litaw na litaw sa isang
partikular na lugar o pangkat.
 MAIKLING KUWENTO- isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa
buhay.

Pagyamanin
Gawain 1: Isulat ang mga katangian, kultura, paniniwala, at kapaligiran ng
mga Igorot sa Ifugao na nasalamin sa binasang akda.

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2: Gumuhit ng isang simbolismo na sumasaklaw sa tradisyon ng mga


Ifugao ayon sa akdang binasa. Magtala ng 3 pangungusap upang ipaliwanag ang
iyong iginuhit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Tala para sa Guro


Bigyang-pansin ang pag-uugnay ng iginuhit na larawan sa binasang akda.
Magtakda ng Rubriks sa pagmamarka ng kanilang iginuhit.

Gawain 3: Isulat sa bawat kahon ang mga impormasyong mula sa akdang binasa
na sumasalamin sa katangiang taglay ng mito, alamat, maikling kuwento at
kuwentong-bayan.

Maikling
Alamat Mito Kuwentong-Bayan
Kuwento
Gawain 4: Suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay naglalaman ng
katangian at elemento ng Alamat, Mito, Maikling Kuwento at Kuwentong-bayan.
Isulat sa patlang bago ang bilang ang letrang A kung Alamat, M kung Mito, MK
kung maikling kuwento at KB kung kuwentong-bayan.
_____1. Lihim na nainis ang Araw sa kayabangan ng Buwan. Nag-isip siya kung
paano makagaganti sa buwan.
_____2. Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala
siya doon bilang Mariang Sinukuan.
_____3. Isang araw ay nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakalulan siya sa
kanyang gintong karosa na hinihila ng mga kabayong walang kamatayan.
_____4. Ayon sa sabi-sabi, kahit sumuko na ang mga pangahas ay hindi na rin
bumaba ng kabundukan si Mariang Sinukuan. Iyan ang pinagmulan ng
nagtampong Engkantada sa Bundok Sinukuan.
_____5. Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay sina
Juana at Aging. Labis ang pagmamahalan nila sa isa’t isa ngunit tutol ang mga
magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan.

Gawain 5: Isa-isahing itala ang kahalagahan ng pag-aaral ng mito, alamat at


kuwentong-bayan sa kasalukuyang panahon.

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 6: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay sumasalamin sa elemento at


katangian ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at maikling kuwento at ekis ( X )
kung hindi.
_______ 1. Kapupulutan ng aral.
_______ 2. Sa umpisa’y pasalindila lamang ang mga akdang ito.
_______ 3. Karaniwang paksa o tema nito ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian at kapaligiran na sumasalamin ng mga magagandang katangiang tulad
ng kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan.
_______ 4. Nakatutulong sa pagtalakay ng mga makatotohanang pangyayari.
_______ 5. Isang mahalagang gampanin ng mga akdang ito ay ang pagtanaw sa
nakaraan ng ating mga ninuno.

Aralin
Angkop na Pahayag sa Panimula,
6 Gitna, at Wakas

Suriin
Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas
Simula- Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng
tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang
aksiyong magaganap sa isinasalaysay.Maaaring simulan ito sa: Noong
unang ____, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa
pagsisimula.Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang:

1. Pang-uri gaya halimbawa ng :


 Napakadilim at napakalamig ng pag-ibig …
 Nananabik sa mangyayari …
2. Pandiwa gaya ng:
 Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang

 Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang …
3. Pang-abay
 Maagang gumising ang tribo …
 Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang …..

Gitna- Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na pangyayaring


at paglalarawang nasimulan.Aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi,
ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang katunggaling
tauhan habang tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin ang: kasunod,
pagakatapos, walang ano-ano’y, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod na
pangyayari. Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanitili ang
interes ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.
Wakas- Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng
tagapakinig o mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat—na ang kabutihan ang nagwawagi at
may kaparusahan ang gumagawa ng masama. Maaaring gumamit ng: sa huli, sa
wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Gawain 1: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari.Salungguhitan ang mga
salitang ginamit bilang hudyat ng Panimula, Gitna, at Wakas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
 Sa dakong huli, isang halamang ginto ang tumutubong pataas nang pataas,
palago nang palago. Sa sikat ng araw, ang kinang nito ang sumisilaw sa
lahat.
 Sumunod, hiniling ng matandang kubang pilay na itaob sa kanya ang isang
kawa habang ipagpatuloy ang cañao. Hiling niya na huwag galawin ang
pagkakataob ng kawa sa kanya at may punong susupling sa ikatlong araw.
 Sa umpisa, dumating ang isang matandang kubang pilay at naupo sa
nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung sino siya at walang nag-
aksaya ng panahong mag-usisa.
 Pagkatapos, sa hudyat ni Lifu-o, dahan-dahang itinaklob ang kawa sa
matanda. Lumalakas ang awitan at bumibilis ang pagtugtog sa mga gangsa.

Gawain 2: Lumikha ng sariling kuwento tungkol sa tatlong larawang


magkakaugnay sa ibaba. Lagyan ng Simula, Gitna at Wakas. Gumamit ng hudyat
na salita sa Simula,Gitna at Wakas. Gawin ito ng hindi bababa sa limang
pangungusap sa inyong sagutang papel.

Gawain 3: Salungguhitan ang mga salitang nagbibigay hudyat at tukuyin ang


bahagi ng talata kung ito ay Panimula, Gitna at Wakas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang


malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si
Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang
bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng
ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit
laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin
ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya
ang kanyang anak. -Alamat ng Pinya

Noong unang
panahon sa isang nayon
ay
may magkasintahan. Sila
ay
si Juana at si
Aging.Sila`y
labis na nagmamahalan
sa
bawa`t isa. Ngunit tutol
ang
mga magulang ni Juana
sa
kanilang pag-iibigan.
Gayun
pa man di ito alintana
ni
Juana. Patuloy pa rin
siyang
nakikipagkita kay Aging.
Alamat ng Saging
Noong unang
panahon sa isang nayon
ay
may magkasintahan. Sila
ay
si Juana at si
Aging.Sila`y
labis na nagmamahalan
sa
bawa`t isa. Ngunit tutol
ang
mga magulang ni Juana
sa
kanilang pag-iibigan.
Gayun
pa man di ito alintana
ni
Juana. Patuloy pa rin
siyang
nakikipagkita kay Aging.
Alamat ng Saging
Makalipas ang ilang araw,
dumating sa palasyo ang Naakit ang lahat sa halimuyak ng
isang salamangkero. Matanda bango ng mga bulaklak ng puno.
na siya at mabalasik ang Simula noon ay lagi na lamang
mukha. Malaki ang umiiyak si Edo habang nakabantay
paghahangad niya sa kamay sa puno at sinambit ang
ni Prisesa Alindaya, Prinsesa pangalang… “”Ilang, Ilang, Ilang”.
ng Masinlok ngunit malaki Simula noon tinawag ang bulaklak
rin ang pag-ayaw nito sa na Ilang-Ilang. -
kanya.- Alamat ng Bundok Alamat ng Ilang Ilang
Pinatubo

Malaking himala din ang

Naakit ang lahat sa


Ilang taon ang nagdaan. Ang
nangyari. Biglang sumigla si dating makukulit na mga bata ay
Edna pagkakain ng bunga ng malalaki na ngunit si Tandang
lansones. At mula noon ay During ay gayon pa rin. Nag-iisa
halimuyak ng bango ng
nanumbalik na din ang
masasayang pagmamahalan ng
mag asawang Manuel at Edna.
sa kubo sa paanan ng bundok at
hindi nakikisalamuha sa mga
tao. –Alamat ng Durian
mga
-Alamat ng Lansones

bulaklak ng puno.
Simula
noon ay lagi na lamang
umiiyak si Edo habang
nakabantay sa puno at
sinambit ang pangalang…
“”Ilang, Ilang, Ilang”.
Simula
noon tinawag ang
bulaklak
na Ilang-Ilang
Alamat ng Ilang
Ilang

Gawain 4: Basahin at suriin ang akdang “Ang Sayaw ng Mandirigma”. Punan ang
tsart sa pamamgitan ng pagtukoy sa mga salita/pahayag na ginamit sa panimula,
gitna at wakas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Panimula Gitna Wakas

Ang Sayaw ng Mandirigma


Noong unang-unang panahon ay mababa lamang ang kalangitan.
Napakababa nito na kayang abutin ng mga tao.

Dahil sa lapit na ito ng langit, ang kahilingan ng mga tao ay agad na naririnig ng
mga diyos sa kalangitan at kaagad na ipinagkakaloob sa kanila. Ito ang dahilan
kung bakit sadyang inilapit ng mga diyos ang langit sa mundo. Ang nais nila ay
matulungan ang mga tao. Sa ganitong kalagayan, maligaya ang mga tao. Wala
silang gagawin kung hindi humingi at agad namang ipagkakaloob sa kanila.

Hindi nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging tamad na sila. Ayaw na nilang
magtrabaho at iniaasa na lamang sa mga diyos ang kanilang panga-ngailangan.
Dahil dito, nagalit ang mga diyos kaya binago nila ang kanilang panuntunan.
Patuloy pa rin nilang pangangalagaan at pagbibigyan ang mga tao sa kanilang
kahilingan ngunit paghihirapan muna nila ito. Kailangan nilang magtrabaho bago
nila makamtan ang anumang nais nila.

Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimula na
silang gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan. Ang pagtatanim
at pag-aani ay kanilang pinagtutulungan.

Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang bilang


pasasalamat sa masaganang ani. Naghahanda sila ng maraming pagkain at
inumin. Ang kasayahang ito ay inaabot ng isang buong linggo. Masaya ang lahat,
lalo na ang mga magsasaka, dahil makapagpapahinga sila ng ilang buwan habang
marami pa silang pagkain.

Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno ng tribu, na magkakaroon sila ng


marangyang pagdiriwang dahil sa higit na masaganang ani. Tulad ng inaasahan,
nagkaroon ng malaking kasayahan ang buong nayon. Bumaha ang napakaraming
pagkain at inumin.

Matapos magpasalamat sa mga diyos, nagsimula ang pagdiriwang. Pinagpistahan


ng mga dumalong panauhin ang masasarap na pagkain at inumin. Matapos ito ay
inanyayahan ng pinuno na manood ang lahat sa ipakikitang sayaw ng mga
mandirigma bilang parangal sa pagpapanatili nila ng katahimikan sa kanilang
lugar.

Gayon na lamang ang tuwa ng mga tao nang magsimulang sumayaw ang mga
mandirigma na buong husay na iwinawasiwas ang kanilang mga sibat. Sinabayan
sila ng mga panauhin sa pag-indak sa tugtog habang pumapalakpak. Isang
mandirigmang napakahusay humawak ng sibat ang labis na hinangaan ng mga
manonood. Bigla silang natahimik habang pinanonood ang kakaibang husay nito
sa pagsayaw at paghawak ng sibat. Dahil sa kalasingan at nakikitang paghanga ng
tao sa kanya, marahan itong umikot paitaas at ikinumpas ang kanyang sibat nang
napakataas.

Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng mandirigma na mababa lamang ang


langit? Hindi lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan din niya ang isa sa
mga nanonood na diyos!

Nagalit ang ibang mga diyos sa pangyayaring ito. Nang gabi ring iyon, ipinasya
nilang itaas ang langit mula sa lupa.
Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng napakalayo
bago marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa kanila. Patuloy pa ring
pinangangalagaan ang mga tao ng mga diyos sa langit ngunit ang binibigyan
lamang nila ng grasya ay iyong mga karapat-dapat. At kung ibigay man ang
hinihiling nila, ito ay karaniwang hindi kaagad. Nagtatagal muna bago ito
ipagkaloob. Nangyari ito dahil lamang sa walang ingat na pagsasayaw ng isang
mandirigmang nakatusok sa ulap at nakasugat sa isa sa mga diyos.

Gawain 5: Punan ng angkop na pahayag/salita ang panimula,gitna, at wakas ng


talata.Piliin sa loob ng kahon ang kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. _____________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Hazel at


Liezel. 2. _____________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat,
kayumanggi si Liezel at maputi naman si Heizel.
3. _____________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si Heizel ay masipag
mag-aral at masunurin sa magulang, samantalang si Liezel ay ubod ng tamad
mag-aral at bulagsak sa mga gamit. 4. ___________ ,nagkaiba rin sila sa mga bagay
na nais gawin. Si Heizel ay madalas tumulong sa kanyang ina sa mga gawaing
bahay samantalang si Liezel ay mas gustong maglaro ng computer. 5. _____________
ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may magandang ugali at karapat
dapat na tumanggap ng parangal.
Gawain 6: Lumikha ng isang talata gamit ang mga sumusunod na mga salita sa
pagbuo ng panimula, gitna, at wakas ng pagsasalaysay. Isulat ang nabuong talata
sa sagutang papel.
1. Noon- ______________________________________________________
2. Maya-maya- _________________________________________________
3. Hanggang- __________________________________________________
4. Sa huli- _____________________________________________________
5. Pagkatapos- _________________________________________________

Aralin Mga Uri at Elemento ng Dula at Mga

7 Panandang Anaporik at Kataporik ng


Pangngalan

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng
mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit


sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na


hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang
sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at


isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa
hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno
na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang
mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila
ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo
ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin
pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na
banal na landas ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas


ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-
ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.


Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa at
lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

ELEMENTO NG DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang


dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila
ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga
linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw
ng tema ng dula.

Sa kasulukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbago at marami na


tayong iba’t ibang dula gaya ng panradyo, pantelebisyon at pampelikula.
Sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at
aktwal nang napapanood ng mga tao.
Narito at ating tunghayan ang isa sa mga kilalang uri ng dula sa modernong
panahon, ang dulang pantelebisyon.

Ano ang Dulang Pantelebisyon? 


Gaya ng dulang pampelikula, ito ay binubuo ng gumagalaw na larawan at
tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasan malapit sa katotohanan na
tinatawag ng iba na de kahong libangan.
Ito ay tumutukoy sa mga programa palabas sa telebisyon o mga produksyong
medya. Ito ay isinilang sa 1926 sa bansang Britanya at 1927 sa Amerika. Nakarating
ito sa bansang Japan noong 1928. Ang kauna-unahang kompanya ng mga
telebisyon sa bansang Pilipinas ay ang Bolinao Electronics Company.

Ang paksa ng mga dulang pantelebisyon at pampelikula ay karaniwang


malapit sa tunay na karanasan at pangyayari sa buhay ng tao at sa lipunang
kinabibilangan niya, na mabisang nailalarawan sa tulong ng taglay nitong
natatanging mga sangkap.

Mga Sangkap ng Dulang Pantelebisyon


1. Nilalaman/ Kuwento – dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas.
Pinakikita rito ang mga makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng mga
tauhan at mga pangyayari sa kanilang buhay.
2. Dayalogo – ay ang sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap. Ito ang
linyang binibitawan ng bawat karakter.
3. Mga Tauhan – ang nagsisiganap sa palabas. Sila ang nagbibigkas ng
diyalogo at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
4. Disenyong Pamproduksyon – Ito ang tumutukoy sa pook o tagpuan, make-
up, kasuotan at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.
5. Tunog/Musika – Ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat mahahalagang
tagpo o damdamin. Pinatitingkad nito ang atmospera at damdamin sa bawat
eksena.
6. Sinematograpiya – tumutukoy sa pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang
teknik na may kaugnayan sa kamera. Ito ang masining na pagpoposisyon ng
anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang pelikula o
dulang pantelebisyon.
7. Direksiyon – dito ipinapakita kung paano pinagsasanib ng direktor ang lahat
ng sangkap ng dulang pantelebisyon/pampelikula.

PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK


Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay
ang pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o reperensiya. May
dalawang uri ang pag-uugnay na ito. Ito ay ang anapora o sulyap na pabalik at
katapora o sulyap na pasulong.
Ang anaporik o sulyap na pabalik ay ang reperensiya kung binanggit na sa
unahan ang salita.
Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa
ating magulang, lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang
kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang kabutihan nila sa
atin.
Samantalang ang kataporik o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na
binabanggit sa dakong hulihan o nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Halimbawa:
Sila ay aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay
na matatalino lalo na pagdating sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya ko
natutuhan ang maraming bagay. Sila ang mga lolo at lola ko na aking iniidolo.

Sanggunian
Pinagyamang Pluma 7

Aralin
Komprehensibong Pagbabalita o
8 Newscast

Newscasting (Pagbabalita)
Ito ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan ng
telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas
ng bansa. Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at iba pang mga paksa sa
buong bansa at ibayong dagat. May layuning maghatid sa madla ng mahahalagang
impormasyon sa pamamagitan ng pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay
ang radyo, telebisyon, at pahayagan.
Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na naghahatid ng
balita at impormasyon sa mga manonood. Ginagawa ito sa isang lokal na lugar o di kaya ay
sa isang estasyon ng telebisyon o radyo. Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari
na karaniwang tungkol sa politika, ekonomiya at mga balita sa ibang bansa, at maaaring
isama
rin ang iba pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan ng trapiko sa
mga lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga bagay na nasa interes
ng manonood. Isa sa halimbawa ng komprehensibong pagbabalita ang radio broadcasting.
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa larangang ito.
Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission
mula sa mga estasyon ng radyo papunta sa ating mga radyo. Inimbento ito upang ipaabot
sa malalayong lugar at sa mas maraming tao ang mga napapanahong balita at
impormasyon.
Ang balita ay anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan, may
katotohanan, at walang kinikilingan. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng
pagbabasa ng pahayagan, pakikinig sa radyo, at panonood ng telebisyon.
Maraming uri ng mga balita. Ito ay maaaring panlokal, pambansa, at pandaigdigan.
Sa paksa, ang balita ay maaaring pang-edukasyon, pangkabuhayan, pantahanan,
panlibangan, pampalakasan, at pampulitika. Isa-isahin natin ang pagkakakilanlan ng bawat
isa.
 Balitang Panlokal-Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa isang tiyak na
bahagi ng bansa (munisipyo, lungsod at lalawigan)
 Balitang Pambansa- Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buong bansa.
 Balitang Pandaigdig- Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa iba’t ibang
bansa sa daigdig.
 Balitang Pang-edukasyon- Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
 Balitang Pampulitika- Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
pulitika.
 Balitang Pampalakasan- Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
mga palaro at kompetisyong pampalakasan.
 Balitang Pantahanan- Tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman
sa pamamahala sa tahanan.
 Balitang Pangkabuhayan- Tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
 Balitang Panlibangan- Tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

Mga Kailangan sa Newscasting


1. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw na
pangyayari.
2. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
3. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
4. Ang mga nilalaman nito ay maaaring mula sa talumpati, seminar, pulong, panayam,
sakuna, agham, kaguluhan, paligsahan o iba pang pangyayaring magiging kawili-wili sa
mambabasa o nakikinig.
5. Ito ay madaling mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
6. Sumasagot ito sa anim na katanungan: ano, saan, sino, bakit, kailan at paano.

Mga Uri ng Balita ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos


1. Tuwirang Balita - Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng
kombensyunal o kabuuang pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain - Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng
makabagong pamatnubay.

Mga Katangian ng Isang Manunulat ng Balita


1. Matalas ang pang-amoy sa balita. -Alam kung saan makapangalap ng datos.
Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa pangyayari na itatampok sa balita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika.
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa
Katuturan ng Balita
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap
na, nagaganap at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang
pasalita, pasulat at pampaningin. Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay
nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang
anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.
Sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang baligtad na tagilo
(inverted pyramid) kung saan makikita ang pagpapahalaga sa bahaging nais itampok. Narito
ang paraan sa pagsulat ng isang balita.
A. Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa unang talata na kung tawagi’y
pamatnubay na pangungusap. Maaari itong isulat sa isang pangungusap,
subalit karaniwan itong binubuo ng dalawa o tatlong pangunusap. Kadalasa’y
tumutugon ito sa mga tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit at Paano sang-ayon sa
nais itampok o bigyang-halaga sa balita.
B. Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag
hinggil sa mga datos na binanggit sa pamatnubay.
C. Ang panghuling bahagi ay tumutugon sa di gaanong mahalagang detalye.
Samakatwid, sinusulat ang katawan sa paraang pahina nang pahinang kahalagahan.
Bukod sa hakbang na nabanggit, dapat ding tandaan na sa pagsulat ng balita ay
kailangang gumamit lamang ng simple, napapanahon, naiintindihan at madaling
gamiting mga salita. Iwasan ang pagiging maligoy at gawing maikli ang talata.

Mga Katangian ng Balita


A. Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang
B. Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na
sangkot.
C. Makatotohanan – ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
D. Kaiklian - ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Mga Uri ng Kombensyunal na Pamatnubay


1. Pamatnubay na Ano kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay
ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang
kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon,
matapos itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan kung higit na mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa
gawain o tao na kasangkot dito.
Halimbawa:
Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools Press Conference na
dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong bansa.
4. Pamatnubay na Kailan hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang
ito kung higit na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para
sapagababayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang
pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang mga
serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa
pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.
6. Pamatnubay na Paano kung ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng
malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lungsod ng Baguio,
pagkatapos itong tanggapin bilang katulong.

Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyunal na pamatnubay ang


itatampok,dapat munang alamin ng manunulat kung aling anggulong balita ang higit na
mahalaga. Kapag parehong matimbang ang Ano at Sino, unang itatampok ang Sino dahil
higit na mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay at pangyayari.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay:


1. Gumamit ng payak na pangungusap.
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano
at
Bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at
makalilito sa mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata ay pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad nitong
gramatikong
kayarian.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita


1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang
katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng
lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba-ibahin ang haba nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:
Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:
1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga mambabasa ay abala, kung kaya ang
paglagay ng mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa kanila
sa panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng espasyo, dahil kung kulang ang espasyo maaari nang
putulin ang huling bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang datos nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang dalawang talata na naglalaman
ng mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.

Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita


1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga salita o mga sugnay sa simula ng
magkasunod na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi
maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang pangungusap, hindi ito dapat sumobra sa 3
pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung kukulangin sa
espasyo ay maaaring putulin ang mga huling talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito
Sanggunian: Panitikang Rehiyunal 7, ph. 263-264; Pluma 7, ph.378-391

Mga Tala para sa Guro


Maaaring magsaliksik ng iba pang
impormasyon ukol sa balita.

You might also like