You are on page 1of 1

Gabay sa Pagbuo ng Sanayang Papel:

Mungkahing Bahagi ng Sanayang Papel (Activity Sheet) sa Filipino:

Bahagi Nilalaman
Simulan Mo! Ito ang magsisilbing panimula o introduksyon ng Sanayang
Papel/Gawaing Papel na gagawin. Sasagutin ng bahaging ito ang
mga katanungan: Tungkol saan ang Sanayang Papel/Gawaing
Papel? Ano ang kahalagahan nito? Ano o ano-ano ang mga dapat
matutunan ng mag-aaral? Laman din nito ang layunin o
kompetensing dapat matamo ng mga mag-aaral na gagamit nito.
Maaaring simulan sa isang kumustahan, awitin, tula, karanasan
or pahayag (springboard) na may kaugnayan sa aralin. Sa
bahaging ito, maaaring balikan ng guro ang nakaraang aralin.

Alam Mo Ba? Ito ang katawan ng Sanayang Papel/Gawaing Papel. Dito


magkakaroon ng isang maliwanag na paglalahad o pagtatalakay ng
aralin. Mababasa rin dito ang lahat na dapat malaman at
matutunan ng mga mag-aaral. Dito tatalakayin ang mga konsepto
tungkol sa aralin.

Magtulungan Ito ang bahagi kung saan magkakaroon ng mga halimbawa at mga
Tayo! paunang gawain para sa mag-aaral. Mga serye (series) ng
pagsasanay na maaaring tutulungan sila ng kanilang magulang o
sinomang kasama sa bahay upang mas maintindihan ang aralin.

Magagawa Ito ang bahaging pagtataya. Dito masusukat ang kaalaman ng mga
Mo! mag-aaral sa kompetensing nais linangin ng guro.

Bond paper size: A4


Font: Bookman Old Style, 11

CLMD-TCPJ

You might also like