You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
San Fernando City
La Union

HALIMBAWA ng ACTIVITY SHEETS


sa FILIPINO 5, KUWARTER 2

MELC: Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-


abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. F6WG-IIId-f-9

Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


A. Nagagamit nang wasto ang pang-uri at mga uri nito sa
paglalarawan ng iba’t ibang sitwasyon (F60L-IIa-e-4)

B. Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan,


panahon, lugar ng kilos at damdamin (F6WG-IIIa-c-6)

Inihanda ni

ARABELLA MAY Z. SONIEGA


Education Program Supervisor
Pangalan: ______________________________ Petsa: __________________________
Baitang/Seksyon: ________________________ Iskor: __________________________

Pamagat ng Gawain: Hulaan Mo, Ako Ba’y Pang-uri o Pang-abay?


Most Essential Learning Competency: Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at
pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. F6WG-IIId-f-9
Panuto: Isulat sa patlang kung pang-abay o pang uri ang salitang nakasulat ng
makapal at salungguhitan ang salitang binigyang turing o inilalarawan nito sa
loob ng pangungusap.

__________ 1. Malakas ang hanging dala ng bagyong Ambo.


__________ 2. Makulay ang buhay kung may kabutihan sa puso.
__________ 3. Tuwing ika-walo ng gabi nagpapatrolya ang mga pulis.
__________ 4. Tinuturuan siyang magbasa ng mga magulang gabi-gabi.
__________ 5. Lahat ng taong nagsisikap ay may pag-asang magtagumpay.
__________ 6. Dapat nating tangkilikin ang produktong gawang-Pilipino.
__________ 7. Pulang bag ang pinaglagyan ng mga amut ng mga pasyente.
__________ 8. Madulas ang kalsada sa panahon ng tag-ulan
__________ 9. Libong katao na ang namatay dahil sa COVID-19.
__________10. Pansamantalang nanirahan sa paaralan ang mga biktima ng sunog
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________
Baitang/Seksyon: ______________________________ Iskor: ______________

Pamagat ng Gawain: Paano Gagamitin sina Pang-uri at Pang-abay?

Most Essential Learning Competency: Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at
pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya.
 Nagagamit nang wasto ang pang-uri at mga uri nito sa paglalarawan ng iba’t
ibang sitwasyon F60L-IIa-e-4
 Nagagamit ang pariralang pang- abay sa paglalarawan ng paraan,
panahon, lugar ng kilos at damdamin F6WG-IIIa-c-6

A. Panuto: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang naibigay na uri pang-uri


at sitwasyon sa bawat bilang

1. Sitwasyon: Mga batang iniwan ng guro loob ng klase


Uri ng Pang-uri: Pang-uring Panlarawan
Pangungusap: ____________________________________________________
2. Sitwasyon: Mga batang nakalagay sa kaliwang dibdib ang kanang kamay at
nakatingala sa watawat
Uri ng Pang-uri: Pang-uring Pantangi
Pangungusap: ____________________________________________________
3. Sitwasyon: Mga kalalakihang nagpapalipad ng saranggola
Uri ng Pang-uri: Pang-uring Pamilang
Pangungusap: _____________________________________________________
4. Sitwasyon: Pagdiriwang ng Panangbenga
Uri ng Pang-uri: Pang-uring Panlarawan

Pangungusap: ____________________________________________________

B. Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Mula sa larawan, bumuo ng pangungusap


gamit ang ibinigay na pariralang pang-abay at ang uri nito sa bawat bilang.
1. kainitan ng panahon (panahon/pamanahon)

Pangungusap:____________________________________________________________

2. mabilis na pagkalat (paraan/pamaraan)

Pangungusap:____________________________________________________________

3. lumang gusali (lugar ng kilos o panlunan)

Pangungusap:____________________________________________________________

4. labis na pagkatakot (damdamin/pandamdamin)

Pangungusap: ___________________________________________________________
Pangalan: _____________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksyon: _______________________________ Iskor: ________________

Pamagat ng Gawain: Sino ang Bida, si Pang-uri o si Pang-abay?

MELC: Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag
ng sariling ideya.

Panuto: Basahin ang teksto. Pagkatapos ng pagbasa, isagawa ang mga gawain na
matatagpuan sa ibaba ng tekstong binasa.

Araw ng Lunes, maagang gumising ang mag-asawang Mang Abay at Aling Uri.
Magiliw na ipinagtimpla ni Aling Uri ng mainit na kape ang asawa dahil maaga siyang aalis
upang mamili ng mga kailangan sa bahay. Mabilis ding hinigop ni Mang Abay ang kape at
nagmamadaling nagpaalam sa asawa. Sakay ng kaniyang motor, matulin niya itong pinaandar
paalis ng bahay. Sa bawat madaanang checkpoint, dahan-dahang pahihintuin ang motor at
mabilis na ipinapakita ang kaniyang quarantine pass sa mga pulis. Madali siyang nakalusot sa
apat na checkpoint na dinaanan hanggang makarating sa pamilihan. Kahit maaga siyang
dumating, mahaba na ang pila na kaniyang dinatnan. Habang lumilipas ang oras
nadaragdagan ang haba ng pila nang nga mamimili. Mahabang pasensiya rin ang baon ni
Mang Abay sa paghihintay. Pagkaraan ng isang oras, nagbukas na ang pamilihan at isa-isa
nang pinapasok ang unang limampung katao sa pila, kasama siya.
Nasa loob na siya ng pamilihan. Kumuha ng pushcart at nagsimula nang mamili.
Ngayon lang niya naranasang mamili na mag-isa. Naalala niya ang mahabang listahan ng
bibilhin na ginawa ng asawa kagabi. Si Aling Uri na rin ang naglagay nito sa kaniyang wallet.
Nang kapain niya ang kaniyang bulsa, kinabahan siya at bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
Wala ang kaniyang wallet! Nanghina si Mang Abay. Pilit niyang inaalala kung saan niya ito
nahulog. Dahil wala rin naman siyang magagawa sa kakaisip, malungkot siyang lumabas ng
pamilihan. Habang papauwi, mabagal ang patakbo niya sa pagbabakasakaling makita ang
kaniyang wallet sa daan hanggang makarating ng bahay. Pagpasok pa lng niya sa kanilang
tarangkahan, sinalubong na siya ni Aling Uri na hindi mawari ang mukha kung magagalit o
maaawa sa lulugo-lugong hitsura ng asawa. Bago pa man nakapagsalita si Mang Abay,
ipinakita na ni Aling Uri ang itim na wallet na naiwan pala niya sa loob ng bahay.
A. Mula sa tekstong binasa, pumili ng tigtatatlong salita o pariralang naglalarawan bilang
pang-uri at pang-abay at ang kanilang inilalarawan gamit ang talahanayan sa ibaba. Sa
ikatlong hanay, isulat kung ito ay pang-abay o pang-uri.

Salitang/Pariralang Salitang Inilarawan Bahagi ng Pananalita


Naglalarawan

B. Panuto: Sagutin nang buong pangungusap na ginamitan ng pang-uri o pang-abay ang mga
sumusunod na tanong batay sa inyong pagkakaunawa sa binasang teksto.

1. Bakit kaya nakalimutan ni Mang Abay ang kaniyang wallet?

Sagot:________________________________________________________________

2. Bakit may mga checkpoint sa dinaanan ni Mang Abay?

Sagot:________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay ano at bakit ganito ang naramdaman ni Aling Uri nang makita niya ang
wallet na naiwan ni Mang Abay sa kanilang bahay?

Sagot:________________________________________________________________

4. Ano ang naramdaman ni Mang Abay nang makita niya ang wallet na hawak ng kaniyang
asawa?

Sagot: ___________________________________________________________

5. Ano naman ang iyong naramdaman pagkatapos basahin ang teksto? Bakit ganito ang iyong
naging pakiramdam?

Sagot: ___________________________________________________________

Pangalan: __________________________________ Petsa: __________________


Baitang/Seksyon: ____________________________ Iskor: ___________________
Pamagat ng Gawain: Ilarawan Mo Ako!

MELC: Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng
sariling ideya.

A. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga na salita sa unang hanay bilang pang-
uri at pang-abay sa magkaibang sitwasyon at isulat ito sa hanay na kinabibilangan.

Salita bilang Pang-uri bilang Pang-abay

1. magalang

2. masaya

3. malakas

4. matapang

5. malalim

B. Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang larawan. Mula rito, sumulat ng isang
maikling talata na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na ginagamitan ng salitang
naglalarawan.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Rubrik para sa pagsulat ng Talata

Batayan Puntos (20%)


Nilalaman/Paglalahad ng Kaisipan 5
Organisasyon/Pagkakaugnay ng Pangungusap 5
Paggamit ng angkop na salitang naglalarawan 5
Mekaniks sa pagsulat (bantas, margin, indention, etc) 5

Susing Sagot
1. Pang-uri – hangin 6. Pang-abay - tangkilikin
2. Pang-uri – buhay 7. Pang-uri - bag
3. Pang-abay - nagpoprotesta 8. Pang-uri - kalsada
4. Pang-abay - tinuturuan 9. Pang-abay - namatay
5. Pang-abay - taong nagsisikap 10. Pang-abay - nanirahan
6.

Note: Ang mga sagot ng mag-aaral sa mga ibang gawain ay maaaring magkakaiba-iba.

1. Maingay ang mga mag-aaral sa loob ng klase tuwing lumalabas nag guro.
2. Lupang Hinirang ang pamagat ng awiting kinakanta ng mga mag-aaral tuwing umaga.
3. Maraming kalalakihan ang nagpapalipad ng saranggola tuwing hapon.
4. Makulay ang mga bulaklak tuwing Panagbenga sa Lungsod ng Baguio.

Mga Sanggunian:

 Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide

 Lydia B.Liwanag, Ph.D., 2011 Landas ng Wika 6 , Batayang Aklat sa Filipino,


Ikaanim na Baitang Binagong Edisyon, Unit 407, #77 Visayas Avenue, QC 1128:
EduResources Publishing, Inc.

You might also like