You are on page 1of 28

KARTILYA NG KATIPUNAN

MGA PANGUNAHING ARAL SA PAGSANIB SA


KATIPUNAN
ANG “KARTILYA NG KATIPUNAN”
➤ Ito ang panimulang aklat (basic primer) ng Kataas-taasang Kagala-
galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan)
na kailangang aralin ng mga may nais sumapi sa kilusan.
➤ Nagsisilbi itong “saligang-batas” ng Katipunan at isang talaan ng
mga alituntuning pang-kabutihang asal.
➤ Ito ay naglalaman ng mga kaaralan at alituntuning gagabay sa
isang sasaping Katipunero/Katipon kundi maging ng isang
mamamayang “Tagalog” sa panahong isang armadong himagsikan
ang puputok sa panahong ito’y inilathala.
➤ Ito ay ipinamahagi sa bawat sumasapi bilang isang sipi o
pampletong halos sinlaki ng isang kuwaderno. Sa huling pahina
nito ay isang “application form” para sa mga may nasang sumapi.
➤ Ito ay naglalaman ng labing-apat na utos kung saan ang bawat
isa ay may mga aral na pinapakahulugan.
➤ Dito rin kinilala ang bawat Pilipino bilang isang “Tagalog” at
ang Pilipinas bilang “Katagalugan”.
➤ “Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat ng tumubo sa
Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man,
kapampangan man, etc. ay tagalog din.”
ANG SALITANG “KARTILYA”
➤ Nagmula ang katawagang “kartilya” sa salitang Kastila na
“cartilla” (kar-ti-ya) na nangangahuluhang “isang
pangunahing aklat ng mga mag-aaral ng elementarya” sa
Espanya.
➤ Ang katawagang ito ang naging inspirasyon upang mabuo ito
bilang panimulang aklat na pangunahing kaaralan (basic
lessons) ng bawat sasapi sa Katipunan na kailangang tuparin
at sundin.
ANG MAY-AKDA
➤ EMILIO JACINTO- Siya ang kanang kamay ni Gat Andres
Bonifacio at may-akda ng Kartilya.
➤ Siya ay kinikilala bilang “Utak ng Katipunan” dahil sa kanyang
mga inambag na sulatin, sanaysay, at ideyang makabayan at
moral na ipinairal sa Katipunan at maging sa Himagsikang
Pilipino.
➤ Siya ay kaiba kay Apolinario Mabini, ang lumpong kinilala
bilang “Utak ng Himagsikan” dahil sa taglay na talinong
pambatas at pampamahalaan at sa mga ideya ng pagkabansa.
➤ Sa kabila ng kahirapan, siya’y nakapagtapos ng elementarya at
sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran at nakapasok sa
Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Batas (Law). Ngunit
sa pagputok ng Himagsikan ng 1896, hindi siya nakatapos.
➤ Siya’y sumapi sa Katipunan noong 1894 bilang si “Pingkian”
sa gulang na 18.
➤ Kilalang may taglay na katalinuhang pampilosopiya at
kahusayan sa pagsusulat, siya ang nasa likod ng mga sulatin
ng KKK gaya ng Kartilya, ang pahayagang “Kalayaan” at iba
pang mga babasahin sa ilalim ng sagisag-panulat na “Dimas
Ilaw”.
➤ Bilang kanang kamay ni Bonifacio, nagsilbi siya bilang kalihim,
piskal, editor, tagapayo ng Supremo, at itinaas sa ranggong
Heneral noong taong 1897.
➤ Matapos ang pagpaslang sa Supremo, nagpatuloy pa rin siya sa
paglaban sa Himagsikan kung saan siya’y nasugatan at nadakip
ng mga Kastila sa labanan sa Magdalena, Laguna.
➤ Sa panahong binubuo ang Unang Republika, nais niyang
bumalik sa pag-aaral ng batas ngunit naudlot nang muling
namuno sa digmaan laban sa mga Amerikano.
➤ Nang magtatag ng himpilan sa Majayjay, Laguna, siya’y
tinamaan ng malaria at, pagkaraan, pumanaw noong ika-6 ng
Abril, 1899.
UNA
➤ Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal
na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag.

➤ Ang taong hindi bukal sa puso ang kanyang mga mabubuting


paggawa sa kanyang mga kababayan na kanilang ikabubuti’t
ikagiginhawang tunay ay nagpapahayag ng kapabayaan at
siya’y nagsasawalang bahala.
➤ Dahil dito, maaaring ito’y maka-apekto sa kanyang kapwa na
mababahiran ng masamang impluwensya ng katamaran at
pagsasawalang bahala.
IKALAWA
➤ Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa
sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan,
ay di kabaitan.
➤ Anuman ang dunong at kagalingang taglay sa kanya, ito ay
kanyang dapat kasangkapanin nang buong kababaang loob at
hindi dapat maging kasangkapan ng pansariling pakinabang.
➤ Kung ito man ay malabag, siya’y nagpapahayag ng pagka-
makasarili at ng kayabangan.
IKATLO
➤ Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang
pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
pangungusap sa talagang Katuiran. 
➤ Ipinapahayag nito ang kahalagahan ng pagkakawang-gawa
Nang may kahabagan sa mga higit na ngangailangan.
➤ Kalakip nito ay ang pag-ibig sa kapwa at hindi niya ito dapat
itaboy.
➤ Lagi rin siya dapat nasa Tamang katwiran na siyang batayan
ng kanyang mga sinasalita, mga pagkilos, at paggawa.
IKA-APAT
➤ Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa
dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa
pagkatao.
➤ Pinahahalagahan ang kapantayan ng tao sa kanyang kapwa sa
kabila ng mga pagkakaiba-iba sa lahi, sa kutis, sa katayuan sa
lipunan, at maging sa dinadalang yamang materyal.
➤ Itinuturo din dito ang pakikipag-kapwa tao na siyang batayan
ng kabutihang may kaginhawaan.
➤ Dito papasok ang aral laban sa rasismo o racism.
IKA-LIMA
➤ Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita
sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita
sa sarili sa puri. 
➤ Ipinapahayag nito ang aral ng kawalang pag-iimbot o pagiging
hindi makasarili.
➤ Ang isang taong may magandang pag-uugali ay dapat
makitungo sa paraang may pagpapakumbaba at walang
anumang pagmamataas upang paboran ang pagkamakasarili.
➤ Bilang isang taong may dangal, hindi siya dapat gumawa ng
mga bagay na para sa kanyang sarili lamang, anuman ang
dunong na taglay sa kanya. Itong kabutiha’y ibahagi dapat sa
kanila nang buong puso.
IKA-ANIM
➤ Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. 
➤ Itinuturo nito na ang tao’y marunong dapat tumanggap ng
anumang pagkakamali at dapat tanggapin ang magiging
kahihinatnan niya o magiging kanyang parusa sa salang
kanyang ginawa.
➤ Dito papasok ang diwa ng katarungan.
IKA-PITO
➤ Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang
nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong
nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
➤ Ipinapahayag nito ang pagpapahalaga sa paggamit ng mga oras
sa mga bagay na higit na mahalaga. Dapat ito’y sulitin at
gamitin nang walang anumang pagkukulang.
➤ “Time is gold.”
➤ Dito papasok ang tinatawag na “punctuality”.
IKA-WALO
➤ Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.
➤ Pinahahalagahan nito ang pagsasanggalang sa lahat ng mga
nagiging biktima ng kawalang katarungan lalung-lalo na ang
mga nasa laylayan ng lipunan.
➤ Ang pagbaka sa mga umaapi ay maaaring mangahulugang
labanan ang sinumang manlulupig o mang-aapi, dayuhan man
o mga kababayan.
➤ Ang talatang ito ay may kinalaman sa aral ng karapatang
pantao.
IKA-SIYAM
➤ Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat
sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
➤ Ipinapahayag nito ang anumang pag-iingat sa kanyang mga
sinasalita at ginagalaw na makaka-apekto sa kanyang
pagkatao.
➤ Hindi rin siya dapat maging tsismoso o gumawa ng anumang
paninirang puri nang hindi kinikilala nang husto ang taong
kanyang tinutukoy.
IKA-SAMPU
➤ Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot
ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama,
ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.  
➤ Bilang lalaki, siya’y dapat maging isang huwaran ng kanyang
pamilya bilang kanilang pinuno o padre de familia/pamilya.
➤ Bilang huwaran ng pamilya, nararapat siyang gumawa ng
mabuti sa kanyang asawa’t mga anak na makaka-apekto hindi
lamang sa pagkatao nila kundi maging sa kanyang sarili,
anuman ang pagsubok.
➤ Bilang padre de pamilya, siya ang nagpapagal sa ikabubuhay ng
kanyang mga minamahal na dapat tularan ng kanyang mga
anak na lalaki.
IKA-LABING ISA
➤ Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan
lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan
nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang
kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t
nagiwi sa iyong kasangulan.  
➤ Ipinapahayag nito ang mataas na paggalang at pagtingin sa mga
babae bilang mga tao at hindi sila nararapat kasangkapanin sa
mga bagay na makakasama sa kanila.
➤ Anuman ang kanilang kahinaang pisikal ay dapat unawain at
nararapat bigyang alaga gaya ng kanilang pag-aruga’t pagdamay.
➤ Ipinaalala din nito na igalang at alalahaning lagi ang ating mga
inang nagpagal sa pagluwal sa atin sa kanilang mga sinapupunan.
IKA-LABINDALAWA
➤ Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay
huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba. 
IKA-LABINTATLO
➤ Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa
tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing
kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng
lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat
at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong
magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. 
➤ Ipinapahayag nito na ang halaga ng tao ay hindi bumabatay sa
kanyang pisikal na anyo, katayuan sa lipunan, ni sa materyal
na yamang mayroon siya kundi sa kanyang wastong pag-
uugali at mabuting pakikitungo sa kanyang kapwa.
IKA-LABING APAT AT PANGHULI
➤ Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat
ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang
Sangkalupuan, at sabugan ng matamis  niyang liwanag
ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya
ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud,
at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung
lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala
niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang
kaniyang ninanasa sa kasunod nito. 
MGA BATIS
➤ Torres, Jose Victor. Batis: Sources in Philippine History. South
Triangle, Q.C.: C & E Publishing, 2018.

You might also like