You are on page 1of 27

Ang Kartilya ng

Katipunan
ni Emilio Jacinto
Ang katipunan
Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan
Ang katipunan

✣ KKK - Kataastaasan Kagalanggalang


na Katipunan nang manga Anak nang
Bayan

✣ Itinatag nina Andres Bonifacio,


Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao
Diwa, Deodato Arellano, atbp. sa isang
bahay sa Kalye Azcarraga, Tondo,
Maynila noong Hulyo 7, 1892
Ang katipunan
LAYUNIN:
• Pulitikal: Mahiwalay ang Pilipinas sa Espanya
• Moral: Tanggalin ang kahinaan sa agkatao at ang pagiging
bulag na alagad ng relihiyon
• Sibiko: Protektahan ang mga mahirap at ang mga inaapi

3 NAMAMAHALANG GRUPO:
• Kataastaasang Sanggunian
• Sangguniang Bayan
• Sangguniang Balangay

SANGGUNIANG HUKUMAN - DOJ NG KATIPUNAN


Ang katipunan
HAZING - Sanduguan at pagpipirma sa kontrata gamit ang
sariling dugo

ENTRANCE FEE - isang real fuente (25 sentimos)

BAYAD KADA BUWAN - isang medio real (12 sentimos)

URI NG MIYEMBRO:
• Katipon (Anak ng Bayan)
• Kawal (Gom-Bur-Za)
• Bayani (Rizal)
Andres bonifacio
Ipinanganak sa Tondo, Manynila Naakit siya sa isang Monica, at sila'y
noong Nob. 30, 1863 naging magasawa. Ngunit, hindi ito
nagtagal dahil namatay si Monica dulot
Natuto siyang magbasa at magsulat
ng ketong.
sa paaralan ni Guillermo Osmeña
ng Cebu, ngunit huminto siya nang Noong 1892, ikinasal niya si Gregoria
namatay ang kanyang mga de Jesus (Lakangbini) sa Simbahan ng
magulang upang masuporta niya Binondo. Bukod dito, nagpakasal din
ang kanyang mga kapatid sila batay sa mga ritwal ng Katipunan.

✣ Siya ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at naging SUPREMO nito noong 1895
✣ Dahil doon, siya ang tinuturingang “AMA NG REBOLUSYON”
✣ Pinatay siya, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio, ni Hen. Lazaro Makapagal
sa Bundok Tala noong Mayo 10,1897
EMILIO JACINTO
Siya'y ipinanganak noong Dis. 15, 1875 Itinuring siyang "UTAK NG KATIPUNAN”
sa Tondo, Maynila
Siya ang naging PATNUGOT (editor) ng
Nag-aral siya sa Kolehiyo San Juan de Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng
Letran at sa Pamantasan ng Santo Katipunan
Tomas(UST)
Siya ang may-akda ng Kartilla, Liwanag at
Sumali siya sa Katipunan; at, sa edad ng Dilim, Pahayag, Ang Kasalanan ni Cain,
18, siya ang naging pinakabatang Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng
miyembro ng kapatiran
Silangan, at Samahan ng Bayan sa
Sa Katipunan ay napilitan siyang Pangangalakal
magsalita ng TAGALOG sa halip ng
Namatay siya noong Abril 16, 1899 sa
Espanyol kawayan o Pidgin Spanish
Mahayhay, Laguna, dulot ng isang lagnat
Siya ang naging matalik na kaibigan ni
Bonifacio
ANG KARTILYA
ni Emilio Jacinto
Ang kartilya
▪ Nilikha ni Emilio Jacinto
▪ Hango sa Canilla, isang gabay
para sa mga mag-aaral sa
elementarya
▪ Nagsilbing gabay para sa mga
miyembro ng Katipunan
▪ Binubuo ng 13 aral
Katipunan ng mga
a.n.b
KATIPUNAN
NANG MGA
A.N.B.

SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO


Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasok sa katipunang ito, ay magkaroon ng
lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at pinaiiral, minarapat
na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa'y huag silang
magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin.
Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin
ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog sa pamamagitan ng isang mahigpit na
paunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasan ang masinsing
tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng
Katuwiran at Kalinawagan.
"Sa salitang tagalog katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid,
bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.
I.
“Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang
malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na
walang lilim, kundi damong makamandag.”

“The life that is not consecrated to a lofty


and reasonable purpose is a tree without a
shade, if not a poisonous weed.”
II.
“Ang gawang magaling na nagbubuhat sa
pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang
nasang gumawa ng kagalingan, ay di
kabaitan.”

“To do good for personal gain and not for its


own sake is not virtue.”
III.
“Ang tunay na kabanalan ay ang
pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua
at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
pangungusap sa talagang Katuiran.”

“It is rational to be charitable and love one's


fellow creature, and to adjust one's conduct,
acts and words to what is in itself
reasonable.”
IV.
“Maitim man at maputi ang kulay ng balat,
lahat ng tao’y magkakapantay;
mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong,
sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan
sa pagkatao.”

“Whether our skin be black or white, we are


all born equal: superiority in knowledge,
wealth and beauty are to be understood, but
not superiority by nature.”
V.
“Ang may mataas na kalooban inuuna ang
puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak
na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili
sa puri.”

“The honorable man prefers honor to


personal gain; the scoundrel, gain to honor.”
VI.
“Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.”

“To the honorable man, his word is sacred.”


VII.
“Huag mong sasayangin ang panahun; ang
yamang nawala’y magyayaring magbalik;
nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli
pang magdadaan.”

“Do not waste thy time: wealth can be


recovered but not time lost.”
VIII.
“Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin
ang umaapi.”

“Defend the oppressed and fight the


oppressor before the law or in the field.”
IX.
“Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa
bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang
dapat ipaglihim. ”

“The prudent man is sparing in words and


faithful in keeping secrets.”
X.
“Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay
siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung
ang umaakay ay tungo sa sama, ang
patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.”

“On the thorny path of life, man is the guide


of woman and the children, and if the guide
leads to the precipice, those whom he guides
will also go there.”
XI.
“Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan
lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan
nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang
kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t
nagiwi sa iyong kasangulan.”

“Thou must not look upon woman as a mere plaything, but as a


faithful companion who will share with thee the penalties of life;
her (physical) weakness will increase thy interest in her and she
will remind thee of the mother who bore thee and reared thee”
XII.
“Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo,
anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa
asawa, anak, at kapatid ng iba.”

“What thou dost not desire done unto thy


wife, children, brothers and sisters, that do
not unto the wife, children, brothers and
sisters of thy neighbor.”
XIII.
“Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at
puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na
kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking
gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong
lumingap sa bayang tinubuan.”

“ Man is not worth more because he is a king, because his nose is aquiline,
and his color white, not because he is a *priest, a servant of God, nor
because of the high prerogative that he enjoys upon earth, but he is worth
most who is a man of proven and real value, who does good, keeps his
words, is worthy and honest; he who does not oppress nor consent to being
oppressed, he who loves and cherishes his fatherland, though he be born in
the wilderness and know no tongue but his own.”
XIIII. (Conclusion)
“Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal
na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang
liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang
katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis
nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at
inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang
ninanasa sa kasunod nito.”

“When these rules of conduct shall be known to all, the longed-for sun of Liberty
shall rise brilliant over this most unhappy portion of the globe and its rays shall
diffuse everlasting joy among the confederated brethren of the same rays, the
lives of those who have gone before, the fatigues and the well-paid sufferings will
remain. If he who desires to enter (the Katipunan) has informed himself of all
this and believes he will be able to perform what will be his duties, he may fill out
the application for admission.”
Team Presentation (group 4)

Ameenah Yasser Tagadaya Johairah Amerol Abdul Hair Yasser Catiri


Mohammad BSBA Human Resource BSBA Marketing
Management
Domrang BS Electrical Engineering
Management
BSEd Filipino Bachelor of Public
Administration

PowerPoint Presentation prepared by:


Asmeenah Mohammad
THANK YOU!
Any questions?

27

You might also like