You are on page 1of 15

KABANATA VI: PANAHON

N G HIMAGSIKAN
Mga Akda ni Andres Bonifacio:
1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK
NG BAYAN
2. HULING PAALAM
3. ANG PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG
KARTILYA NI
BONIFACIO
1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.
2. Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos
ay ang pagibig sa bayan at sa kapwa tao.
3. Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan
at kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay
sa pakikipaglaban sa ngalan ng iyong bayan.
4. Ang lahat ng mabubuti mong hangarin ay
makakamtan kung ikaw ay mahinahon, matiyaga,
makatwiran at may pagasa sa iyong gawain.
5. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan
ang mga kautusan at mga hangarin ng KKK.
6. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa
panganib sa pagpupumilit na matupad ang isang
marangal na hangarin, kahit mapilitang ihandog
mo ang sariling buhay at yaman.
7. Bayaang ang saring pag-uugali at pangingilos sa pagtupad
ng ating tungkulin ay maging uliran ng iba.
8. Bahagian mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong
kulang-palad sa loob ng iyong makakaya.
9. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay
ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa
asawa, anak, kapatid at kababayan.
10. May parusa sa bawat salarin ang taksil, at gantimpala sa
lahat ng mabubuting gawa. Manalig na ang puntahin ng KKK
ay kaloob ng Maykapal, samakatwid ang hangad ng bayan ay
hangad din niya
Emilio Jacinto (1875-1899
Akda ni Emilio Jacinto
1. Pahayag (1875-1899)
2. Ang Kasalanan Ni Cain (1875-1899)
3. Pahayag ng Agosto 1897 (1875-1899)
4. Sa may Nasang Makisanib sa Katipunang Ito (1875-
1899)
5. Ang Liwanag at Dilim Mga Aral ng Katipunan ng mga
Anak ng Bayan
Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya ni Emilio Jacinto

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at


banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang
lilim, kundi (man) damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa
paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na
makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng
kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-
ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap
sa talagang Katuwiran.
4. Maitim man omaputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y
magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa
yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa
pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang
pagpipita sa sarili sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang
yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit
panahong nagdaan nay di na muli pang
magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan)
ang umaapi.
9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa
bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
•10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang
patnugot ng asawa at mga anak; kung ang
umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng
inaakay ay kasamaan din. 11. Ang babae ay
huwag mong tingnang isang bagay na libangan
lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng
lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay
huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa
tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing
kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng
lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at
walang nababatid kundi sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong
magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat
ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang
nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng
walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at
mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.
Pio Valenzuela
Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at
isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong
Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-
11 ng Hulyo 1869, siya ay isinilang sa Polo, Bulacan
(ngayon ay Valenzuela City).
Mga Pahayagan Noong Panahon
ng Himagsikan
•1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag
ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio
Valenzuela.
•2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan.
Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t
may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
•3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom
kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa
Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod
nito ang kaisipang pampulitika.
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si
Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng
Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at
itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas
noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong
1898.
8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at
Capampangan, Tarlac, 1899.
MGA AKDA NI APOLINARIO MABINI
• El Verdado Decalogo (Ang Tunay na Sampung
Utos) – ito ang ipinalalagay na kanyang pinaka
“obra maestra” na ang pinakahangarin niya rito ay
magpalaganap ng nasyonalismong Pilipino.
• El Desarollo y Caida de la Republika Filipina (Ang
Pagtaas at Pagbagsak ng RepublikangPilipino)
• Sa Bayang Pilipino • Pahaya

You might also like