You are on page 1of 27

Ang Konsepto ng

Pinuno sa Diwa ni
Emilio Jacinto
Inihanda ni Arjay P. Capitle
Guro, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
PINUNO
Nanggaling sa salitang puno na nakaugnay sa
pinagmulan o pinanggalingan, gayundin sa bahagi ng
kahoy na nagtitipon sa mga sanga sa itaas at ng mga
ugat sa ibaba.
Kaugnay ng konsepto ng Pun ng mga Kapampangan
at Puun ng mga Ilokano na mula rin sa puno ng mga
Tagalog na ginagamit ng huli sa paniniwala sa Poon
(Poong Maykapal) na tagapagbigay ng grasya sa
pamayanan.
PINUNO
• Kasingkahulugan ng Poon ay ang Nono (Ninuno) na
katawagan sa mga Abuelo o Great Grand Parents ng mga
dayuhan.
• Ang kabuuan ng mga salitang ito ay ang paggalang,
katunayan ay pagsamba pa nga sa mga matatanda at sa
yumaong kamag-anakan.
• Agorang, Laon, Gugurang, Kamagulangan
• Datu at Tuan sa Kabisayaan at Mindanao
• May titulo rin na Raja, salitang Sanskrit na pumasok marahil
kasabay ng mga artifact na Hindu noong 400 B.C.E.
TALAMBUHAY NI EMILIO JACINTO

Personal na Impormasyon
Kapanganakan:
Disyembre 15, 1875
sa Lungsod ng Maynila
Kamatayan:
Abril 16, 1899

Ama: Mariano Jacinto


Ina: Josefa Dizon
EMILIO JACINTO
Taguri/Sagisag/Bansag

• Kaluluwa ng Katipunan
• Emiliong Bata
• Pingkian
EMILIO JACINTO
Nakahiligang Basahin

• La Historia dela Revolucion


Frances
• Los Misterios dela Inquisicion
EMILIO JACINTO
Mga Naisulat at Pinamatnugutan

• Liwanag at Dilim
• Kalayaan
• Kartilya
• Ang Pag-Ibig
EMILIO JACINTO
Naging Papel sa Katipunan

• Labing-walong taon lamang siya


nang sumapi sa Katipunan
• Naging patnugot ng Kalayaan
(Opisyal at Lihim na pahayagan ng
Katipunan)
KARTILYA
• Nanggaling sa salitang Kastila na
Cartilla na ang kahulugan ay
panimulang aralin para sa mga
mag-aaral.
• Binubuo ng labintatlong aral
• Ginamit bilang panimula sa
pagdodoktrina ng mga aral at turo
ng Katipunan sa mga nagnanasang
kasapi.
KARTILYA
Paggamit ng yaman sa
makabuluhang layunin

1. Ang kabuhayang hindi ginugol sa


isang malaki at banal na
kadahilanan, ay kahoy na walang
lilim o ‘di kaya’y damong
makamandag.
KARTILYA
Taos sa pusong paggawa

2. Ang gawaing magaling na


nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at
walang pagnanasang gumawa ng
kagalingan ay hindi kabaitan.
KARTILYA
Pag-ibig sa kapwa

3. Ang tunay na kabanalan ay ang


pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa
kapwa, ang isukat sa bawat kilos,
gawa’t pangungusap sa talagang
katuwiran.
KARTILYA
Pagkakapantay-pantay ng tao

4. Maitim man o maputi ang kulay ng


balat, lahat ng tao’y magkakapantay,
maaaring ang isa ay higitan sa
dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit
hindi mahihigitan sa pagkatao.
KARTILYA
Pagpapahalaga sa sariling dangal

5. Ang may mataas na kalooban ay


inuuna ang puri sa pagpipita sa
sarili, samantalang ang may hamak
na kalooban ay inuuna ang pagpipita
sa sarili kaysa puri.
KARTILYA
Pagkakaroon ng Palabra de Honor

6. Sa taong may hiya, salita’y


panunumpa.
KARTILYA
Tamang paggamit ng oras

7. Huwag mong sayangin ang


panahon. Ang yamang nawala’y
maaaring magbalik, ngunit ang
panahong nagdaan na’y ‘di na muli
pang magdaraan.
KARTILYA
Pagbibigay proteksyon sa mga
nangangailangan

8. Ipagtanggol mo ang inaapi at


kabakahin ang umaapi.
KARTILYA
Maingat sa pananalita

9. Ang taong matalino ay may pag-


iingat sa bawat sasabihin at
marunong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
KARTILYA
Paggabay sa pamilya

10. Ang daang matinik ng kabuhayan,


lalaki ang siyang patnugot ng asawa’t
mga anak. Kung ang umaakay ay
patungo sa kasamaan, ang
patutunguhan ng inaakay ay
kasamaan din.
KARTILYA
Paggalang sa kababaihan

11. Ang babae ay huwag tignan bilang


isang bagay na libangan lamang, kundi
isang katuwang at karamay sa mga
kahirapan nitong buhay. Gamitin mo nang
buong pagpipitagan ang kanyang
kahinaan at alalahanin ang ina na
pinagbubuhata’t nag-iwi sa iyong
kasanggulan.
KARTILYA
Gintong Aral

12. Ang hindi mo ibig na gawin sa


asawa mo, anak at kapatid ay huwag
mong gagawin sa asawa, anak at
kapatid ng iba.
KARTILYA
Paggalang sa pagkatao ng iba
13. Ang kahalagahan ng tao ay wala sa
pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng
mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios,
wala sa balat ng lupa. Kahit na laking gubat at
walang nabatid kundi ang sariling wika. Ang tao
ay mahalaga sapagkat siya may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri, yaong di napapaapi’t hindi nakikiapi,
yaong marunong magdamdam at marunong
lumingap sa bayang tinubuan.
Saligang Batas ng Pilipinas 1987

Artikulo XI Seksyon 1

“Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng


katungkulang pambayan.
Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Artikulo XI Seksyon 1
“Ang mga pinuno at mga kawaning
pambayan at kinakailangang
mamalaging nananagutan sa mga taong-
bayan, maglingkod sa kanila na taglay
ang pinakamataas na pakundangan,
dangal, katapatan, at kahusayan,
manuparan na taglay ang
pagkamakabayan at katarungan, at
mamuhay nang buong kapakumbabaan.”
Ang Kalikasan ng Katungkulang Pambayan

“Ang katungkulang pambayan ay nilikha


sa layuning mapalawig ang kagalingang
panlahat at hindi dahil sa pakinabang,
dangal o pribadong interes ng sinumang
tao, pamilya o grupo ng tao.”

-De Leon (2005)


Ang Kalikasan ng Katungkulang Pambayan
“Ang katungkulang pambayan ay nilikha para
sa pakinabang ng taumbayan at nakalaan para
sa kanila. Ang kalikasan nito ay taliwas sa
pagiging ari-arian o karapatang kontraktwal.
Ito ay dapat tanawin na isang obligasyon at
hindi karapatan. Bilang pinagkatiwalaan ng
bayan, ang mga namumuno ay may
responsibilidad na gampanan ang kanilang
tungkulin na may katapatan at ayon sa kanilang
buong kakayahan.”
-De Leon (2005)
Maraming Salamat po!
PADAYON!

You might also like