You are on page 1of 22

Kartilya ng

Katipunan
(Decalogue of the katipunan)

Group # 3

alminar, Rusty
caranza, John
Malate, Denver
Sebastian, Rae
Tatoy, Cee-jay
✗ The Kartilya ng Katipunan served as
the guidebook for new members of the
organization, which laid out the
group's rules and principles. The first
edition of the Kartilya was written by
Emilio Jacinto. Andrés Bonifacio
Later wrote a revised Decalogue. The
-

Decalogue, originally titled Katungkulang


Gagawin ng mga Z. Ll. B. (Duties of the Sons
of the People)

-And it was never published because


Bonifacio believed that Jacinto's Kartilya was
superior to what he had made.
1
The Aim of Katipunan are:

• Political
• Moral
• Civic
✗Tatlong Sanggunian ng KKK

Kataastaasang Sanggunian
Sanguniang Bayan
Sanguniang Balangay
What is Kartilya ng Katipunan?

 Kartilya of Katipunan is a small pamphlet that is


given to the members of the Katipunan, particularly
to the new ones (Neophyte/s).
 Emilio Jacinto is the one of
high rank of the Katipunan and
was joined the Katipunan in
1894 and he was 18 years old
that time.
 The purpose why Emilio Jacinto in
writing this Kartilya of Katipunan
is to teach the Katipunero a right
behaviour and attitude.
10 Utos ng Anak ng Bayan
-Andres Bonifacio

1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.

2. Pakatandaang lagi na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay sya ring


pag-ibig sa Tinubuan, at iyan din ang pag-ibig sa kapwa.
10 Utos ng Anak ng Bayan
-Andres Bonifacio
3. Itanim sa iyong puso na ang tunay na kahalagahan ng puri’t
kaginhawakan ay ang ikaw ay mamatay dahil sa ikaliligtas sa
Inang-Bayan.

4. Lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw’y


may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at
ginagawa.
10 Utos ng Anak ng Bayan
-Andres Bonifacio

5.Pagingatan mo kapara ng pagiingat sa sariling puri, ang mga


pasya at adhikain ng K.K.K

6. Katungkulan ng lahat na, ang nabibinggit sa malaking


kapahamakan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay iligtas
sukdang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan.
10 Utos ng Anak ng Bayan
-Andres Bonifacio

7. Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating


tungkulin ay siyang kukunang halimbawa ng ating kapwa.

8. Bahaginan mo ng iyong makakayananang sino mang mahirap


at kapuspalad.
10 Utos ng Anak ng Bayan
-Andres Bonifacio
9. Ang sipag sa paggawa ng iyong ikakabuhay ay siyang tunay na sanhi ng
pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa’t mga anak, sa iyong
kapatid at mga kababayan.

10. Parusahan ang sinomang masamang tao’t taksil at purihin ang


mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng K.K.K ay
biyaya ng Dios; na anopa’t ang mga ninasa ng Inang-Bayan, ay mga
nasain din ng Dios.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal
na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man, ay
nakakalasong damo.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o


papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi
talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-
ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat-kilos, gawa’t pangungusap
sa talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y


magkakapantay; mangyayaring ang isa’y hihigtan sa dunong, sa
yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
5.Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o)
puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na
kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.


Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang
nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong
nagdaan nay di na huli pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi, kabakahin (labanan)


ang umaapi.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;
matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at


mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, pagtutunguhan ng
inaakay ay kasamaan din.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
11.Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang,
kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong
buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na)
kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong
kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong
gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
13.Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng muka, wala sa pagkaparing kahalli ng Diyos,
wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na
mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi
sariling wika yaong may magandang asal, may isang
pangugusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi’t di
nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap
sa bayang tinubuan.
Kartilya ng Katipunan ni Emilio
Jacinto
14.Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw
ng mahal na kalayaan dito sa kaabang-abang Sangkapuluan at
sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang
magkakalahi’t magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang
mga ginugol ng buhay, pagod, at mga tiniis ng kahirapa’y labis nang
matutumbasan.
Thanks
!
References:
Himagsikan(1896-1900) (slideshare.net)
https://www.slideshare.net/MaureenSonidoMacarae/hima
gsikan18961900

Kartilya ng Katipunan by Emilio Jacinto


https://youtu.be/W5iK0kZ9H88

You might also like