You are on page 1of 2

Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya ni Emilio Jacinto 1.

Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag. 2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. 3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran. 4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao. 5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. 6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa. 7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan. 8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi. 9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. 10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.) 11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan. 12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba. 13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. 14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan. Inihanda ng KAMALAYSAYAN (Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan) batay sa kopya ng Kartilya na nagmula sa koleksiyon ni Epifanio de los Santos. Sa orihinal ay walang mga numero, at ginagamit ang salitang "kabuhayan" sa halip na "buhay." Ang mga salitang nasa panaklong ay idinagdag ng KAMALAYSAYAN. Saligang Batas ng Malolos (1899) Ang Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong saligang batas sa Asya. Ito ay naghayag ang soberanya ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga pangunahing karapatang pantao, naghiwalay ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng Kapulungan ng mga Representatibo na umasal bilang katawang lehislatibo. Ito ay tumawag rin para sa isang anyong presidensiyal ng pamahalaan na ang pangulo ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat na taon. Ito ay pinamagatang "Constitucin poltica" at isinulat sa Kastila kaunod ng kalayaan mula sa Espanya at pinroklama noong Enero 20, 1899. Ito ay isinabatas at pinagtibay ng Kongresong Malolos na isinagawa sa Malolos, Bulacan. Deklarasyon ng Kalayaan sa Kweba ng Pamitinan Noong Mahal na Araw nang Abril 1895, nagtungo sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino at ibang mga katipunero sa kweba ng Pamitinan sa may Bundok ng Tapusi sa Montalban (ngayoy Rodriguez), Rizal. Sa loob ng kweba isinagawa ang inisyasyon ng mga bagong kasapi ng Katipunan.

You might also like