You are on page 1of 14

CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.

Senior High School - Manila


Mendiola, Lungsod ng Maynila

Bilang Parsyal na kahingian ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik, iniharap sa kaguruan ng
SENIOR HIGH SCHOOL:

PAGSUSURI SA MGA PAG-UUGALING PINAPAKITA NG BATANG MAY


ADHD SA RAMON MAGSAYSAY CUBAO HIGHSCHOOL

Mga Mananaliksik:
Balilo, Fuji
Corregidor, Kaela Nicole
Mejia, Karl Angelo
Pangilinan, Mica Jenella
Rubenica, Margot Ann
Ursua, Wilmar
Vasallo, Jon Ludwig

11 STEM 5

Tagapayo:
Bb. Charlotte A. Pizaña

2020
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

DAHON NG PAGPAPATIBAY

DAHON NG PASASALAMAT

ABSTRACT

TALAAN NG NILALAMAN
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder, ay isa sa karaniwang

pyschological disorder na nararanasan ng mga kabataan. Ayon sa artikulong isinulat ng

Boston Children's Hospital, ang ADHD ay isang kumplikadong neurodevelopmental

disorder na nakakaapekto sa pag-unlad at pagproseso ng nervous system ng isang tao.

Kaligiran ng Pag-aaral

Batay kay Dr. Shirin Hasan noong 2017, ang mga taong may ADHD ay may

pagkakaiba sa brain development at brain activity na nakakaapekto sa kanilang

pagbibigay ng atensyon sa kanilang mga gawain at naaapektuhan din ang kanilang

paguugali. Kadalasan sa mga batang may ADHD ay may agresibong pag-uugali at

madalas hindi nakikinig sa mga nakatatanda, madalas din silang sumuway sa mga utos ng

kanilang mga guro at magulang. Kapag sila ay nahihirapan sa isang gawain, sila ay

sumusuko at maaari rin silang umiyak dahil dito. Dahil sa pag-uugaling ito, nahihirapan

silang makipagkapwa at makipagusap sa mga taong nakapalibot sa kanila.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

Hango sa artikulong isinulat ni Caroline Miller, naaapektuhan ang pag-aaral ng

mga kabataang may ADHD lalo na sa silid-aralan. Hindi nila kayang manahimik sa isang

tabi at tila bang sila ay nananaginip kapag kinakausap ng mga guro. Kadalasan ay hindi

sila makasabay sa klase at mabababa ang gradong nakukuha. Hindi lang sa silid-aralan

naapektuhan ng ADHD ang isang bata bagkus kahit sa kaniyang bahay ay nakaaapekto

ito, batay kay Dr. D’Arcy Lyness, nasa paraan ng pagpapalaki ng magulang kung ang

kondisyon ng ADHD ng isang bata ay mas lalala o mas bubuti. Dapat ding bigyang

atenyon ang mga batang ito upang sila’y mabigyan ng tamang gabay.

Sa pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na palawakin ang kaalaman

patungkol sa pag-uugali ng isang batang may ADHD sa Ramon Magsaysay Cubao High

School. Nais nilang malaman kung ano-anong mga bagay ang nakaaapekto sa pagkilos at

pag-uugali ng batang may ADHD sa loob ng kaniyang silid aralan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin at obserbahan kung paano kumilos ang

isang bata na may Attention deficit hyperactivity disorder o ADHD at kung paano ito

nakaaapekto sa pang araw araw na gawain at pakikisalamuha sa ibang tao. Narito ang

mga iba’t ibang tanong na gustong masagot ng mga mananaliksik


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

1. Paano nakikisalamuha ang pasyente na may ADHD sa kanyang kapaligiran?

2. Ano ang magiging sanhi ng ADHD sa pag-aaral ng isang bata?

3. Paano nakakaya ng isang taong may ADHD ang kanyang kondisyon?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kung papaano natututo, nakikisalamuha o

nakikisama ang mga piling mag-aaral na may ADHD sa loob ng silid aralan sa Ramon

Magsaysay Cubao High School. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makapangalap ng

mga impormasyon o datos tungkol sa Behavioral Manifestation o ang depekto sa

pagkatao o sa isip ng isang bata. Nililimitahan naman ng aming pag-aaral ang tungkol sa

iba’t iba pang pag-uugali ng isang bata na may ibang pag-uugali, mga maaring solusyon

na mabibigay sa may taong may ADHD, pawang sa Ramon Magsaysay Cubao High

School lamang ang kukuning bilang mga respondente at hindi rin sasaklawin ang mga

matatandang may ADHD.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod :

Taong may ADHD. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga taong may

ADHD. Makakapagbigay ito ng karagdagang kaalaman tungkol sa kanilang kondisyon,


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

kung paano ito makakaapekto sa kanilang pang araw-araw na buhay, lalo na sa kanilang

pag-aaral.

Sa mga Magulang . Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay ng mga

magulang sa kanilang anak na may ADHD. Mabibigyan sila ng mga mahahalagang

impormasyon ukol sa kondisyong ito.

Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din sa mga guro, sapagkat

sila ang magulang sa paaralan ng mga mag-aaral. Ito’y mgabibigay ng karagdagang

kaalaman sakanila tungkol sa ADHD.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang iminungkahing gawain ay maaaring

maging isang mahalagang insrumento para sa hinaharap na mga mananaliksik na

interesado sa paksa na ito upang matulungan silang magsagawa ng isang bagong pag-

aaral tungkol sa ADHD.

Depinisyon ng mga Termino

Ang mga termino na ito ay nakapaloob sa aming pananaliksik.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

1.) ADHD. Attention Deficit Hyperactive Disorder, sakit sa pag-iisip na

karaniwang nagsisimula sa murang edad.

2.) Behavioral Manifestation. depekto sa pagkatao o pag-iisip ng isang tao.

3.) Teorya. pagkakabatid o pananaw sa isang bagay, gawain o metodo.

4.) Neuropsychology. sangay ng sikolohiya na tumutukoy sa kung papaano

nakakaimpluwensya ang utak sa pag-unawa at pag-uugali ng isang tao.

5.) Genes. chromosome na nakukuha mula sa mga magulang.

Balangkas Teoretikal

Inaangkla ni Russel A. Barkley mula sa Theories of Attention Deficit Hyperactive

Disorder (Handbook of distributive behavior disorder pp. 295-313), tinangkang

ipaliwanag ang kalikasang sentral na problema na nakapaloob sa Attention Deficit

Hyperactivity Disorder (ADHD) balik noong 19th century (Still, 1902). Tulad ng

pagtangkang mas magkaroon ng batas ng kahulugan ng kakulangan, labis na pag-uugali

at pag-unawa na ipinipakita ng mga nasuring may ADHD at bumubuo ay nagsisikap para

ipaliwanag o maunawaan kung bakit ang mga may kakulangan at labis na pag-uugali ay

labis labis sa ginagawa nila. Ang deskripsiyon ng konsepto na ito ay tinatangkang

ipaliwanag ang naiulat na “sintomas” ng sakit, nagpapahiwatig ng ilan pang mas malaki,

pinagbabatayan ng kahirapan, magtatag, o bilang ng naitatag na umiiral sa “pangunahin”

ng ADHD at account para sa itsura ng mga naabutan na sintomas. Nitong mga nakaraang
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

siglo, ang bilang ng kilalang pagtangka ay gumawa ng paliwang o konsepto ng ADHD.

Gayunpaman, pagtaas sa antas ng pormal na teorya bilang agham na teorya ay tinukoy

pero nanatili sa antas ng hypothetical na konsepto o pananaw. Higit pa ang kailangan

bago maaaring ipagkaloob o malaman ang katayuan ng isang sikolohikal na teorya ng

ADHD, tulad ng ipinakita ko dito.

Mga Sanhi:

* Kakulangan sa pag gabay ng magulang

* Nakakabahalang sitwasyon sa Pamilya

* Masydong pagkalulong sa tv o online games

* Kakulangan sa istruktura sa paaralan

Ayon kay Loren R. Dribinsky MD ng ADHD Causes Theory (2010) , ang

Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD ay isang pangkaraniwang karamdaman

para sa mga bata na maaaring magpatuloy sa pagtanda. Inihayag ni Doctor Dribinsky na

ang genes ay isa sa mga karaniwan o pangunahing sanhi ng ADHD dahil ang ADHD ay

namamana o tumatakbo sa dugo ng pamilya. Inilahad din niya ang posibleng dahilan

kung bakit ang karamihan sa mga bata ay nagkakaroon ng karamdaman na tinatawag na

ADHD, ito ay paninigarilyo, pag-inom ng alkohol, mga gamot na kinuha o ininom sa

panahon ng pagbubuntis, paggamit ng tabako at asukal, celiac disease, mga alerdyi sa

pagkain, additives ng pagkain at komplikasyon sa panahon ng pagbubuntis. Maraming

mga pag-aaral ang nagpapakita na ang isang mahirap na pagbubuntis ay maaaring


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

humantong sa ADHD. Ito ay maaaring mga komplikasyon na nangyayari sa panahon ng

pag-unlad ng pangsanggol sa sinapupunan, o mga komplikasyon na nakakaapekto sa utak

ng sanggol sa panahon ng panganganak. Ito ay nananatiling hindi malinaw kung alin sa

mga teoryang ito ang naglalaro ng pinakamalaking papel sa mga sintomas ng ADHD.

Marahil na maraming mga kadahilanan ang nagtutulungan upang matukoy kung ang

isang bata ay magkakaroon o mayroon bang ADHD. Tulad ng itinuturo ng Dribinsky na

ang mga bata na may ADHD ay may kakaibang talino at iba ang takbo ng isip kumpara sa

mga kawaniwang bata, ang dapat nating malaman ay kung paano nakaapekto ang

kapaligiran sa mga sintomas ng ADHD.

Sa isang pag-aaral noong 1996 na isinagawa ng mga mananaliksik sa

Massachusetts General Hospital mula sa ADHD Theories Related to Environmental

Factors (1996), sinabi dito na ang unang sanhi ng kapaligiran sa ADHD ay ang

paninigarilyo sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga babae na naninigarilyo sa panahon ng

pagbubuntis ay ang may malaking posibilidad na magkaroon ng anak na may mga

karamdamang ADHD. 22% ng mga batang may ADHD ay may mga ina na naninigarilyo

sa panahon ng pagbubuntis kumpara sa 8% ng mga bata na walang ganitong

karamdaman. Isang pag-aaral noong 2003, nakumpirma ang mga resulta at natagpuan na

ang paninigarilyo ng ina ay nauugnay sa isang malaking pagtaas sa pagkakaroon ng mga

sintomas ng ADHD sa mga bata. Ayon kay Joel Nigg isang mananaliksik, ang isa pang

kadahilanan sa kapaligiran na nagiging sanhi ng ADHD ay ang pagkababad o

pagkakalantad sa tingga o ang tinatawag na lead. Sinabi niya na ang mga bata na nasuri
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

na may ADHD ay may bahagyang mas mataas na porsyento ng tingga sa kanilang dugo o

katawan kumpara sa mga batang walang ganitong karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay

nag-uugnay lamang sa mga sintomas ng ADHD na may mataas na antas ng tingga.

Gayunpaman, may isa ring pag-aaral na ang mga guro at magulang ay nag-uulat na may

mas mataas na porsyento ng tinnga o lead sa dugo ng mga batang may ADHD.

Balangkas Konseptwal

Ang Pag-aaral na ito ay nakasentro sa pag-uugali ng isang estudyante na may

ADHD upang maintindihan ng mga taong nasa paligid niya ang kondition na meron siya

INPUT

Nais ng mga mananaliksik na malaman at mapag aralan ng husto ang pag-uugali at kung paano

nakikipag ugnayan ang isang estudyante na may ADHD sa Ramon Magsasay Cubao Highschool.

at upang makatulong magbigay ng suporta sa mga estudyante na may ADHD. Pinili ng

mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil ito’y makakapagbigay sagot sa katanungan ng

mga estudyante na may ADHD at sakanyang napapaligiran.

AWTPUT

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ay masagot kung paano nakikipag ugnayan at

pakikipag interact ng isang estudyante na may ADHD sa Ramon Magsasay Cubao Highschool,

Upang Makatulong sa mga susunod na mananaliksik upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa

ADHD.
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

PROSESO

Ang mga mananaliksik ay pumili ng mga respondents sa Ramon Magsaysay Cubao Highschool na

malapit sa estudyante na may ADHD upang mabigyan linaw ang mga katanungan nila tungkol sa

pag-uugali ng estudyante sa paaralan.

FEEDBACK

Mas mabibigyan ng tamang paraan ng pagaaral at mabubuksan ang mga mata ng mga taong nasa

paligid ng kahit sinong estudyante na may ADHD, at hindi hadlang ang kapansanan nito sa

pagaaral.

Pigura 1 – Paradaym ng Pag-aaral


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

KABANATA II: MGA KAUGNAY NG PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Pag-aaral at literatura ng mga banyaga

Pag-aaral

Literatura

Mga Kaugnay na Pag-aaral at literatura na local

Pag-aaral

Literatura

KABANATA III: METODO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Instrumento ng Pananaliksik
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

Respondente ng Pananaliksik

Pangangalap ng Datos

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Panayam at interpretasyon ng Datos mula sa Respondente

KABANATA V: BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL, INC.
Senior High School - Manila
Mendiola, Lungsod ng Maynila

CHAPTER 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang Attention Deficit Hyperactive Disorder, o mas kilala bilang ADHD, ay isang

learning disability na kung saan ang mga taong nakakaranas nito ay mayroong

neurodevelopmental disorder. Ayon kay Shirin Hasan (2017), ang taong may ADHD ay

pagkakaroon ng diperensya sa utak na nakakaapekto sa atensiyon ng isang tao. Tulad ng

hindi mapakali ang sarili, paglilikot, at hirap sa pagpokus. Ang kadalasang problema sa

mga batang mayroong ADHD ay matigas ang ulo at mayroong agresibong pag-uugali.

Kabilang dito ang pagtanggi o madalas hindi pagsunod sa mga guro pati na rin sa mga

magulang. Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng emotional outburst kapag hindi nito

kayang tuntunan ang gawaing ibinigay rito. Dahil din dito, hirap sa pakikipagkapwa tao

at pakikisalamuha sa ibang tao.

You might also like