You are on page 1of 40

Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo

ng mga mag-aaral sa Pasig Catholic College

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Dalubguro

Sa Kolehiyo ng Edukasyon ng

Pasig Catholic College

Ni:

Mary Jane C. Castillo

Hulyo 2013
PAGKILALA

Ang mananaliksik ay malugod na nagpapasalamat sa mga

taong tumulong sa kanyang pananaliksik upang ito ay

maisakatuparan.

Kay Gng. Aida Jabilles, ang labraryan at sa mga

namamahala dito na tumulong sa mananaliksik na makakuha ng mga

impormasyon sa silid-aklatan ng isang halimbawa ng tesis na

nailimbag.

Kina Teddy Villanueva at Manuel Olario sa pagtulong sa

pagsasaling wika ng mga impormasyong nakalap sa wikang Ingles.

Sa tagapayo, Gng. Marivic Solon na naging patnubay ng

pananaliksik na ito upang maiharap sa mga dalubguro ng edukasyon.

Ang mga taong nabanggit ng mananaliksik ay naglaan ng

oras at panahon upang ang pananaliksik na ito matapos ng maayos at

maging kapaki-pakinabang sa mga nangangailangan ng pag-aaral na

ito.

i
PAGHAHANDOG

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Poong

Maykapal sa paggabay sa kanya upang maisakatuparan ang pag-aaral

na ito.

Sa mga magulang, upang ipagpatuloy ang pananaliksik

na kanyang pinaglaanan ng panahon upang maging maayos at

matagumpay.

Sa mga kaibigan niyang sina Jazelle Cena, Rica Canales,

Jenalyn Salinas at Angel Morales na nanghikayat sa kanya na gawin

ang pag-aaral na ito, isang pasasalamat.

Isang espesyal naman na paghahandog kay Teddy

Villanueva na naging inspirasyon upang magkaroon ng pag-asa ang

mananaliksik na matapos ito na organisado at matapos sa lalong

madaling panahon.

ii
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang pananaliksik sa “Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo

ng Filipino sa Kolehiyo ng mga mag-aaral sa “Pasig Catholic College”

ay naglalayong mailahad ang mga metodolohiyang marapat gamitin sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mas higit nitong kapakinabangan

sa edukasyon.

Ang mananaliksik ay nagkaroon ng ideya upang pag-aralan

ang mga makabagong metodolohiya ng pagtuturo sa Filipino dahil sa

kanyang obserbasyon sa mga mag-aaral kapag ito na ang pinag-

aaralan, sila ay tinatamad makinig sa guro, hindi natututo sa mga

aralin at bumabagsak dito gayong ito ay itinuturo sa sariling wika. Ang

mga nasabing problema ay nagbigay sa mananaliksik ng kaisipan sa

pagsasaliksik ng mga makabagong metodolohiya na kung saan ang

mga problemang ito ay masolusyunan at malaman ang interes ng mga

mag-aaral upang ilahad sa mga guro o tagapamahala sa departamento

ng edukasyon na mabigyan ng pansin ang epektibong pagtuturo sa

Filipino.

1
Layunin ng pag-aaral na ito na mapag-aralan ang mga

karaniwang metodolohiyang ginagamit noon at kung ito ba ay dapat o

hindi na dapat pang gamitin sa pagtuturo upang mapaunlad ang mga

pamamaraan na naaayon sa panahon at panlasa ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Minarapat alamin ng mananaliksik ang isang pag-aaral sa

makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.

Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong

metodolohiya sa pagtuturo

2. Malinang ang wastong metodolohiya sa paksang tatalakayin

3. Mapalawak ang pagkatuto sa wikang Filipino na ayon sa

interes ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isang pag-aaral ang isinagawa ng mananaliksik upang

tuklasin ang makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa

kolehiyo. Ang mananaliksik ay pumili ng ilang mahahalagang bagay na

dapat isaalang-alang sa ikalulutas ng pag-aaral.

2
Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing

patnubay at makakatulong sa mga sumusunod.

Sa mga Tagapamahala

Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatulong sa

tagapamahala ng paaralan upang mapaigting ang makabuluhang

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa pamamagitan ng mga

makabagong metodolohiya.

Sa mga Guro

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ikauunlad ng

kaalaman ng mga guro. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga

makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Sa gayon, magagawa ng mas

makabuluhan ang kanilang diskurson sa paksang – aralin. Isang

paraan ito na makapagdudulot ng produktibong pagkatuto ng kanilang

mga mag-aaral at matugunan ang nagpapabigat na suliranin na

kanilang hinaharap sa paguturo ng Filipino.

Sa mga Magulang

Sa mga magulang kinakailangan ang kanilang pagsubaybay

sa kanilang mga anak. Bigyan ng panahon at atensyon upang lubos na

madagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pagpapalaki.

3
Subalit, marapat na maging bahagi sila sa pag – usbong ng kaalaman

ng mga anak sa mga asignaturang kailangan ng modernong panahon,

bagkus mapahalagahan ang sariling pinagmulan.

Sa mga Mag – aaral

Para sa mga mag –aaral, pagtuunan ng pansin ang Filipino

sapagkat ito ang kanilang panitikan at kumikilala sa kanila bilang isang

Pilipino. Ang pagpapahalaga sa sariling wika ang siyang magiging daan

tungo sa ikatatagumpay at nagpapatunay ng lahing pinagmulan.

Bagaman, ang pagyakap sa wikang dayuhan ay marapat din malaman

ng bawat isa subalit hindi maaaring gawing dahilan upang kalimutan

ang kinagisnang literatura.

4
Pala-palagay

 Ang mga metodolohiya ng pagtuturo ay hindi mabibigyan ng

katuturan kung hindi maalam ang isang guro.

 Nasa guro ang ikagaganda ng mga metodolohiya

 Ang paggamit ng makabagong metodolohiya ay hindi sapat kung

walang maayos na silid-aralan.

 Ang tradisyonal na pamamaraan ng pagkatuto ay kailangan pa

rin upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral

 Ang patuloy na paggamit ng teknolohiya ay magiging sanhi ng

kawalan ng kakayahan ng isang guro dahil dito na lamang aasa

ang marami.

 Sa edukasyon, ang marapat bigyang-pansin ay ang kakulangan

ng kagamitang panturo bago ang makabagong metodolohiya

 Wala ni isa mang pamamaraan ang aangkop sa lahat ng mag-

aaral.

 Ang lalim ng pagkatuto ay nasa paraan ng pag-uugnay sa

nakaraan

 Makabubuo ng makabuluhang pagkatuto kung ang mga

nakaraang karanasan at ang makabagong karanasan ay

maiugnay sa iba pang disiplina.

5
 Sa pagtuturo ng mga metodolohiya, marapat na malawak ang

sakop nito upang ang mga impormasyon ay mabigyan ng

kahulugan.

Konsepto ng Pag-aaral

Independent Variable Dependent Variable

Metodolohiya ng Pagtuturo Makabagong Metodolohiya ng


Pagtuturo
1. Paglalapat
2. Pamamaraan 1. Integrasyon na
3. Estratehiya pamamaraan
2. Aktibidad
3. Demonstrasyon na
Pamamaraan
4. Talakayan
5. Indaktiv at dedaktiv
6. Lekyur

Saklaw ng Pag – aaral

Ang pag – aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga

makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.

Ang tumugon sa pag – aaral na ito ay binubuo ng dalawampung

(20) mag – aaral sa lahat ng antas na nagpakadalubhasa sa Filipino

ng Pasig Catholic College.

Pagbibigay Katuturan sa mga Katawagan


Aspeto. sangkap o bahagi

Daybergent. pagkakaroon ng sariling ideya mula sa kaalamang


natutunan

Disiplina. tumutukoy sa asignatura

Estratehiya. mga kagamitan na gagamitin sa pagtuturo

Hinuha. kaisipan sa paksa o pagbibigay ng konklusyon

Integrasyon. pag-uugnay ng dalawa o higit pang asignatura sa iisang


paksa

Konbergent. kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga


nakukuhang impormasyon

Lohikal. mahusay na pagsusuri, pag-aanalisa at pag-aaral ng mga


ideya

Lupon. isang grupo ng mga tao

Metodolohiya. pamamaraan sa pagtuturo

Pagsasalita. kasanayan ng pagkatuto na kung saan ginagamit ang


tunog sa pagbigkas ng mga salita

Paradigma. ang banghay o balangkas ng isang pag-aaral

Pilosopiya. pagmamahal sa karunungan

Punto de bista. opinyon o palagay

Teknolohiya. elektronikong mga kagamitan; pinagagana ng makina

Teorya. pag-aaral na mayroong basehan at napatunayan

Kabanata 2
KAUGNAY NA PAG – AARAL AT PAGSUSURI NG MGA PANITIKAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang pagsusuri sa

mga kaugnay na pag – aaral. Sa pag – aaral ay napag – alaman na ito

ay may maitutulong sa bawat pangangailangan ng pang – unawa sa

kahalagahan ng pagsasaliksik na ito. Sa kabanatang ito tatalakayin

ang “independent variables” na kung saan tumutukoy sa metodolohiya

ng pagtuturo at ang “dependent variables” ay tumutukoy sa

makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Nakapaloob din sa

kabanatang ito ang presentasyon ng balangkas ng pananaliksik o

paradima at ang pagbibigay katuturan sa mga katawagan.

Independent Variables (Malayang Baryabol): Metodolohiya ng

Pagtuturo

Ang metodolohiya ay ang pamamaraan ng pagtuturo

ng isang guro sa kanyang paksa na kung saan mas medaling

mauunawaan sa pagtalakay.

8
Ayon kay Battle at Shannon (1968) ang metodolohiya

ay tumutukoy bilang isang hanay ng mga pamamaraan na natutupad

ayon sa ilang mga panuntunan.

Ayon pa rin kina Battle at Shannon, batay sa mga

naunang nabanggit na talakayan, ang mga sumusunod ay

pangkalahatang pagpapalagay tungkol sa pamamaraan ng pagtuturo

ay ibinigay:

1. Ang pamamaraan ng pagtuturo ay isang organisado, may sistema

at mahusay na pamamaraan sa nakaplanong hakbang na naglalayong

magpabuti ng pagkatuto ng mga mag – aaral.

2. Ito ay isasagawa ayon sa ilang mga panuntunan na kung saan ay

karaniwang sikolohikal, isinasaalang-alang nito lalo na ang kakayahan,

mga pangangailangan, at interes ng mga mag-aaral.

3. Ginagawa upang makamit ang ilang mga tukoy na layunin ng

pagtuturo. Upang gawin na isang epektibong instrumento at ito ay

kailangang maging presentable upang makamit ang mas mataas na

pagtuturo at pag-aaral kaya ang paglalaan ng oras at pagsusumikap.

4. Ito ay dumidirekta sa gabay ng guro at ng mag-aaral sa

pamamahala sa anumang klase ng aralin o gawain.


9

Pamamaraan ng Pagtuturo mula sa iba pang mga kaugnay na

termino

Isang karaniwang pagkakamali sa mga guro ay ang

gamitin ang mapaghahalinhinang termino tulad ng pamamaraan,

approach at technique. Ang tatlong (3) konsepto na ito ay may

kaugnayan sa isa’t isa subalit may natatanging silang kahulugang

tinataglay. Ang Dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng kanilang

pagkakaiba:

Paglalapat

Pamamaraan

Estratehiya

Ang "paano" ng pagtuturo


(How of Teaching)

Batay sa dayagram na ito, malinaw na nagpapakita na ang


isang Teknika o estratehiya (technique) ay isang bahagi ng isang
pamamaraan (method) at paglalapat (approach).

10

Ayon kay Allen at Campbell nilinaw nito na ang pagkakaiba


ng tatlo sa “How of Teaching” ay:
1. Ang estratehiya ay hindi maisasakatuparan kung walang
pamamaraan at wala din mabubuong paglalapat kung hindi
magagawa ang isang method o pamamaraan.

2. Ang istratehiya ay isang hanay ng mga pagpapalagay upang


maiugnay sa proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung saan ito
ay naglalarawan sa likas na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay
nagpapahayag ng isang punto de bista at pilosopiya.

3. Ang paglalapat ay isang pangkalahatang plano para sa maayos na


presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay isang pamamaraan na
kung saan sa loob ng isang isyratehiya, maaaring magkaroon ng
maraming mga pamamaraan o method.

4. Ang istratehiya ay isinasagawa ng aktwal sa silid – aralan.

Pag – uuri ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo

Ayon naman kay Kilgore, ikinategorya ang estilo ng pagtuturo


sa dalawang pangunahing paraan: 1. direkta at 2. hindi direktang mga
pagtuturo.

Sa direktiya, tinutukoy ang kahusayan ng pagtuturo kung saan ang


guro ay nagbibigay ng mga bagong o mga karagdagang impormasyon
sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng lektyuring, pagpapakita ng
isang pelikula o filmstrip, o pagkuha ng isang pild trip o field trip.

11

Ang hindi direktang mga pagtuturo ay nagbibigay lamang ng


direksyon sa mga guro sa pagpili ng angkop na pamamaraan na kung
saan ang mag-aaral ay magiging aktibo. Halimbawa: paglalaro ng mga
laro na may kaugnayan sa paksa, mga pangkatang gawain,
pagtatanong, pagsasanay, at laboratoryo.
Ayon pa rin kay Kilgore, may isa pang paraan ng pag-uuri ng
pamamaraan ng pagtuturo na lalong binigyang-diin ang pagkuha ng
kaalaman (katalusan) ay kung ang mga ito ay nagtatagpo sa isang
kaalaman tungo sa bagong ideya ng pagkatuto. Ito ay ang konbergent
at daybergent.

1. Ang konbergent ay ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga mag-


aaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon.

2. Sa daybergent naman ay sinasabi na ito ay ang pagkakaroon ng


sariling ideya mula sa kaalamang natutunan. Pagkakaroon ng
kahulugan at pagkakabuo ng mga kaisipang makabuluhan.

Narito ang mga kategorya ng mga Metodolohiya ng Pagtuturo:

Mga Metodolohiya

1. Indaktiv and Dedaktiv

2. Lektyur

2.1 Pagbabalangkas

2.2 Pangkatan

2.3 Kapanunuran

2.4 Kahalagahan

2.5 Paglilipat

3. Talakayan 12

3.1 Pangkatang Gawain

3.2 Partisipasyon

3.3 Pagtuturo

3.4 Diskurson ng Lupon

3.5 Resitasyon
3.6 Interbiyu

4. Pag – uulat

4.1 Maramihan/Pangkat – pangkat

4.2 Isahan

4.3 Pagbabasa ng kwento

5. Pagsisiyasat

5.1 Laboratoryo

5.2 Paghahawi ng Sagabal/ problem-solving

5.3 Pananaliksik

5.4 Field Study

5.5 Experimento

6. Aktibidad

6.1 Proyekto

6.2 Field trip

6.3 Dramatisasyon

6.4 Pagsasadula/Role – playing

6.5 Pagtatalas - Isip

6.6 Debate

7. Demonstrasyon/ Pagpapakita
13

7.1 Gawain ng Guro

7.2 Gawain ng Mag – aaral

7.3 Gawain ng guro at mag – aaral

7.4 Pag – imbita ng Tagapagsalita


8. Indibidwal na Gawain

8.1 Epektibong Pagtuturo ng paksa

8.2 Kaalaman sa paggamit ng Pagkatuto

9. Integrasyon

9.1 Lektyur – talakayan

9.2 Demonstrasyon – lektyur

9.3 Pagpapanuod (Film-showing)

9.4 Pag – uulat

10. Tradisyonal

10.1 Mga aklat panturo

10.2 Pangkalahatang Gawain ng guro

10.3 Pagsasaulo

3. Ang pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo ay maisasakatuparan sa

mabisang pagpaplano.

- Ang isang guro ay marapat na magkaroon ng wastong

pagpapasya bago gawin ang isang bagay sapagkat kinakailangan

nitong bigyang pansin ang mga bagay na maaaring maging sagabal sa

pagsasakatuparan ng nilalayong kaayusan ng pagtuturo.

14 gumamit ng iisang metodolohiya


4. Ang isang guro ay hindi marapat

hanggang sa huli.

- Ang paggamit ng isang metodolohiya ay hindi maaaring

gamitin ng paulit-ulit upang malinang ang kakayahan ng mga mag-


aaral at maiwasan ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral. Mainam

na gumamit ng iba’t ibang metodolohiya upang ang mas higit na

mapalawak ang pagkatuto.

5. Ang kahusayan ng guro sa pagtuturo.

- Ang isang kaalaman ay nabibigyan ng malalim na kahulugan

kung ang guro ay may mahusay na pamamaraan. Ang tatlong

karanasan ng pagkatuto na marapat gawin ay ang pagkakaroon ng

aktwal na pagkatuto na kung saan ang mga mag-aaral ay

magkakaroon ng pagdiskubre sa isang bagay, pangkatang gawain at

indibidwal na gawain na naaayon sa kanilang kakayahan.

6. Pagkakaroon ng magkaparehong pagpapahalaga estratehiya ng pagtuturo

sa estratehiya ng pagkatuto.

- Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay kinakailangang

nakadepende sa pagkatuto upang ito ay maging ganap na epektibo sa

mga mag-aaral.

15

7. Ang paggamit ng isa mang pamamaraan sa pagtuturo ay nakapagbibigay

ng maraming kapakinabangan.

8. Ang bawat isang pamamaraan ay hind dapat nakatuon sa iisang kaalaman.


- Ang mahusay na pamamaraan ay nakagagawa ng iba’t ibang

produkto ng pagkatuto na kung saan ang mga bagay-bagay ay

naiuugnay sa isa pang kaisipan na nakapagbibigay ng iba pang ideya.

Dependent Variable (Di-malayang baryabol): Makabagong

Metodolohiya sa Pagtuturo

Ang mga makabagong metodolohiya ay inuugnay sa patuloy na

paglinang ng kakayahang modernismo na kung saan ang paggamit ng mga

teknolohiya ay mabilis na naipakalat sa buong mundo.

Ayon kay Madula (2009), ang makabagong metodo, estratehiya at

teknika ay naaayon sa takbo ng panahon. Ibig sabihin, nababago ang mga

pamamaraan ng pagtuturo sa paglipas ng mga henerasyon upang manatiling

buhay at makabuluhan ang pagtuturo ng isang guro.

16

Sa kagawaran ng edukasyon, si madula ay nabigyan ng

pagkakataon na magkaroon ng seminar worksyap sa paaralan ng De La Salle

ng Maynila. Nilalayon nitong maturuan ang mga guro ng wastong paggamit

ng mga makabagong metodo upang maging mahusay na tagapagturo ng


mga kaalaman lalong higit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Ang mga makabagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang

Filipino

1. Integrasyon na Pamamaraan

Ayon sa edukasyonal ng sikolohiya, ang layunin ng edukasyon

ay linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isang paksa tungo sa

malawak na kaisipan. Ang pagsasanib ng dalawang asignatura na may

kaugnayan sa isa’t isa.

Ayon pa rin dito, ang mga mag-aaral ay kinakailangang

maiugnay ang paksa sa ibang ideya na kung saan ang intektwal, pisikal,

sosyal, emosyonal, at ispiritwal na aspeto ng pagkatao ay patuloy na

magamit tungo sa maayos nitong pag-unlad. Noong 1960, mayroong

tinatawag na “integration process” na kung saan ang mga mag-aaral ay

binibigyan ng konkretong pagkatuto sa pamamagitan ng mga sumusunod:

17

1. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-organisado at nagkakaroon

ng makabuluhang katunungan tungo sa ideyang nabuo sa kanilang kaisipan.

2. Nakakapagplano ng mga aktibidad na makasasagot sa mga


katungang inilahad.

3. Naisasagawa ang mga aktibidad na naiplano

4. Ang mga nagawang aktibidad ay nakapagdudulot sa kanila ng

karagdagang karanasan sa pagkatuto.

Ang mga teknika ng integrasyon na pamamaraan ay ang mga sumusunod:

1. Lektyur – talakayan

- Tumutukoy sa pagsulat ng mga mag-aaral at ang

pagpapalitan ng mga ideya nito sa guro. Sinasabi sa kagawaran ng

edukasyon, ang layunin ng paaralan ay malinang ang kakayahan ng mga

mag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang

kaisipan at mapakinggan ng kapwa mag-aaral at ng kanyang guro.

Ang pagsusulat at pakikinig ay ang tradisyonal na

pamamaraan ng pagtuturo na ngayon ay hindi na pinapayagan sa edukasyon

sapagkat ang pagtuturo ay mabibigyang katuturan at kahulugan kung ito ay

may pagtutulungan sa pagitan ng guro at ng mag-aaral.

2. Demonstrasyon – lektyur
18

- Sa aklat ng “Principles of Teaching” ang

demonstrasyon ay kailangan upang maipakita ng makatotohanan ang


paksang tinatalakay. Narito ang “hands on” sa asignaturang kompyuter na

kung saan ang mga mag-aaral ay malayang naisasagawa ang natutunan sa

aralin. Ang kombinasyon rin ng lekyur ay nakatutulong sa pagbibigay diin sa

mga mahahalagang impormasyon.

3. Pagpapanuod (Film-showing)

- Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan sa pagtugon

ng makabagong metodolohiya sa pagtuturo, ang mga teknolohiya ay nalikha

bilang midyum ng mga kaalaman at ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng

pagtuturo. Ang pagpapanood ng mga drama, videos at iba pang maaaring

maiugnay sa paksang tinatalakay ay naghahatid ng makabuluhang pagkatuto

lalong higit sa mga mag-aaral na may kahusayan sa biswal na aspeto.

4. Pag – uulat

- Ang pag-uulat ang siyang mahalagang pamamaraan

na sinabi ni Garcia (1989) sapagkat ang pagsasalita ng mga mag-aaral ay

nabibigyang pansin upang maging mahusay na tagapagsalita.

19

2. Aktibidad

- Ang popular na prinsipyo ng pagtuturo ay ang “Learning is by


doing” na nangangahulugang ang pagkatuto ay naisasagawa sa mga gawaing

kapaki-pakinabang na magkakaroon ng mahalagang karanasan ng

pagkatuto.

Narito ang mga teknika sa aktibidad na pamamaraan:

1. Proyekto

- Maraming nagsasabing ang proyekto ay ang tapos

na gawain na kung saan nilikha ng isang indibidwal. Ngunit, ang proyekto ay

hindi lamang natatapos sa paglikha ng isang bagay kundi tumutukoy sa

gawaing pangkalahatan. Sa pagbibigay kalinawan ng proyekto, sinabi ni

Kilpatrick, isang dalubguro, at pilosopiya ang apat na uri ng proyekto. Ito ang

mga sumusunod:

1.1 Proyektong konstruksyon – ang paglikha ng isang

bagay o isang modelo tulad ng paggawa ng isang

laruan.

1.2 Proyektong panglibangan – ang isang indibidwal ay

Nagsasadula sa mga tanghalan at programa.

20

1.3 Proyektong Pangsuliranin – Tumutukoy sa


pakikipagkompetensya ng mag-aaral sa klase, sa

mga programang pampaaralan at pagsagot sa

mga pagsusulit.

1.4 Proyektong Pagkatuto – Narito ang paggamit ng

mga teknolohiya, isahang pagtuturo o maramihan

(tutoring) at pagsama sa mga organisasyon.

2. Field trip – Ang teknikang ito ay naisasagawa ng may

mahusay na pagpaplano. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na

matuto sa labas ng silid-aralan. Sa pag-aaral nina Renner, Staffold at Ragan,

ang pagkatuto ay marapat na may aplikasyon ng sosyal na aspeto upang ang

mga mag-aaral ay magkaroon ng pag-aanalisa, pagtataya at paghinuha.

3. Dramatisasyon – Sa mga pag-oobserba, ang mga mag-

aaral ay napag-alamang mas natututo kung ito ay naipapakita sa pag-arte.

Sa katotohanan, ang mga lokal na sikolohiyang mananaliksik ay naglahad na

ang dramatisasyon ay naaayon sa interes ng mga mag-aaral sa

kasalukuyang panahon.

21

4. Pagsasadula/Role – playing – Ito ay nahahawig sa


dramatisasyon na kung saan ang mga mag-aaral ay nagsasadula o

nagtatanghal sa entablado. Ngunit, ang pinagkaiba ng dalawang teknika ay

ang role-playing ay isinasagawa na mayroong kasuotan, paggamit ng mga

bagay upang mapaganda ang presentasyon.

5. Pagtatalas - Isip – Sinasabi ni Good (1973) na ang

pagtatalas-isip ay ang teknika na kung saan ang mga mag-aaral ay nalayang

nakasasagot sa mga katungan upang mahawi ang mga sagabal ng aralin. Ito

ang pag-iisip na naaayon sa kanilang hinuha upang ibahagi sa klase.

Ayon pa rin sa kanya, ito ay may mga katangiang tinataglay:

5.1 Ang teknika ay nakasentro sa suliranin

5.2 Ang mga kasagutan ay malayang tinatanggap

bilang isang opinyon

5.3 Sa mga opinyon, kukuha ng isang akmang

kasagutan

5.4 Binigyang halaga ang kasagutan ng lahat

6. Debate – Isang pormal na presentasyon ng pagtatalo ng

dalawang grupo sa paksang tinatalakay.

22
Layunin nitong ilahad ang mga makatotohang impormasyon

upang ang mga manunuod ay magkaroon ng ideya kung ano ang papanigang

isyu sa pinapaksa. Sa debate, ang mga kalahok ay binibigyan ng parehong

oras, pagsasalita at paglalahad ng kanilang nakalap na impormasyon upang

idepensa ang kanilang panig sa mga manunuod. Kinakailangan itong may

basehan upang ang ugat ng suliranin ay maipakita ng makatotohanan.

Sa pag-aaral, ito ay kailangan upang ihanda ang mga mag-

aaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay na pag-aanalisa at

tagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin

na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

3. Demonstrasyon na Pamamaraan – Ang teknika na nagbibigay ng

makatotohanang pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na matuto sa

pamamagitan ng paghawak ng aktwal sa modelo tulad ng mga globo sa

asignaturang Hekasi, aktwal na eksperimento sa agham na ginagawa sa

laboratoryo at marami pang iba.

Ibinigay naman ni Good ang kahalagahan ng

demonstrasyon na pamamaraan:

3.1 Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagsasalita

3.2 Nilalayon nitong ipakita ng makatotohanan ang

mga itinuturo sa konkretong paraan.

23
3.4 Ang mga mag-aaral ay magkaroon ng

obserbasyon at malalim na pagkaunawa sa

paksang tinatalakay na hindi magagawa lamang

sa pagsasalita.

4. Talakayan – Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga

mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating Learning, ang mahusay na guro ay

may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin, ang

mga mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa

guro at kapwa mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay

nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at makabagong karanasan sa

guro at sa mga-aaral.

Ang talakayan ay maisasagawa sa mga sumusunod na

pamamaraan:

1. Pangkatang talakayan

2. Pangkalahatang talakayan

3. Lupon na talakayan

4. Talakayan sa klase

5. Resitasyon
6. Interbyu
24
5. Indaktiv at dedaktiv

1. Indaktiv – Ito ay nagsisimula sa ispesipiko papunta sa

pangkalahatan (specific-general).

Ang guro ay nagbibigay ng mga halimbawa tungkol sa paksang

kanyang tatalakayin sa mga mag-aaral. Narito ang pagkakasunod-sunod ng

paradima ng indaktiv na pamamaraan.

1. Pagbibigay ng mga halimbawa

2. Pagbibigay ng mga aktibidad

3. Paglalahad ng hinuha o konklusyon ayon sa

mga teorya na nadiskubre ng mga mag-aaral.

Sa pamamaraan na ito, ang mga mag-aaral ay malilinang ang

tatlong E’s ng pagkatuto. Ito ang Explore, Exposure at Experience na sa

tagalog ay: Paggalugad, pagpapakita at pagkakaroon ng karanasan. Bukod

dito, ang kurikulum ng edukasyon ay mas higit na nalilinang na nagiging

daan sa mataas na kalidad ng pagkatuto. Ayon kay Tandingan, ang mga

mag-aaral ay kinakailangang may matutunan bago ito lumabas ng silid-

aralan. Idinagdag pa niya na ang pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral

ay dapat naaayon sa kakayahan ng kanilang pagkatuto. Mula sa magaling

25
hanggang sa hindi gaanong magaling na maaaring pagsamahin ang upang

maturuan ang bawat isa. Ito ay ang “Cooperative Learning Group”.

2. Dedaktiv – Ito ang kabaliktaran ng indaktiv na pamamaraan.

Ang guro ay nagsisimula sa pagbibigay ng mga alituntunin, impormasyona at

teorya. Mula dito, siya ay magbibigay ng mga pagsasanay at kasunod ang

konklusyon o hinuha ayon sa alituntuni, impormasyon at teorya.

Ang mga impormasyon ay hinihimay-himay upang ang

malaman ang pangkalahatang kaisipan ng paksang tinatalakay. Madalas

itong nagsisimula sa mga katunungan sa paksa.

6. Lekyur – Ang pamamaraan na ito ay tumutukoy sa presentasyon ng mga

mahahalagang impormasyon. Ang pagsulat ng mga ideya o kaisipan ang

nagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Narito ang mga

paglilinaw sa aralin at pagtanda sa mga ideyang marapat malaman sa

matutunan.

Katulad ng ibang mga pamamaraan sa pagtuturo, ang lektyur

ay may mga hakbangin bago isagawa. Ito ang mga sumusunod:

1. Preparasyon sa lektyur

2. Panimula sa lektyur
3. Pagbibigay sa nilalaman ng lektyur

4. Konklusyon ng lektyur

26
Basehang Paniniwala

Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy

na napahahalagahan ay nakalap at nabigyang kasagutan kung aling metodo

o pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang makuha ang

intensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang paradigmang nasa ibaba ang

binigyang basehan sa paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik

upang maipabatid sa mga guro ang lumabas na datos ng pangangalap ng

kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.

Paradigma ng Pananaliksik

Independent Variable Dependent Variable

Metodolohiya ng Pagtuturo Makabagong Metodolohiya ng


Pagtuturo
1. Paglalapat
2. Pamamaraan 1. Integrasyon na pamamaraan
3. Estratehiya 2. Aktibidad
3. Demonstrasyon na Pamamaraan
4. Talakayan
27
5. Indaktiv at dedaktiv
6. Lekyur
Kabanata 3
PAMAMARAANG GINAMIT

Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang

ginamit ng mananaliksik upang makakuha ng sapat na impormasyon

na kinailangan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Nakapaloob din ang mga hakbang na isinakatuparan ng mananaliksik

at mga pamamaraang istadistikang ginamit.

Pananaliksik na Ginamit

Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang

makatipon ng mga datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at

nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng

talatanungan na kung saan ang mga mag-aaral na nasa kursong

edukasyon ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa pagtuturo ng

Filipino.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng paraang paglalarawan

(descriptive method) dahil ito ay ginawa sa kasalukuyan at gumamit

ng surbey na pamamaraan.Ang nasabing uri ng pananaliksik ay

tumuklas sa mga makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino

sa kolehiyo sa mga mag-aaral ng Pasig Catholic College. Pinili ng

mananaliksik ang paaralan na ito upang mas maharap ang pag-aaral

na ito sa madaling paraan ng paghahagilap ng mga respondenteng

kumukuha ng kursong edukasyon. 28


Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa

Ang mga tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral

ng Pasig Catholic College. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa

departamento ng kolehiyo ay dalawampu na nagpapakadalubhasa sa

Filipino at mga nasa elementarya. Ang kabuuan ng mga mag-aaral na

kumukuha ng programang edukasyon ay siyamnapung mag-aaral

(90). Ang dalawampu dito ang tumugon sa pananaliksik na ito.

Pamamahala sa mga Talatanungan

Ang mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral na

kumukuha ng kursong edukasyon sa Pasig Catholic College. Magkahalo

ang tumugon sa talatanungan upang makakuha ng mga datos, ang

mga nagpapakadalubhasa sa Filino na magtuturo sa sekondarya at

mga magtututuro sa elementarya. Ipinaliwanag ang mga nilalaman ng

talatanungang napapaloob sa survey method na ginawa ng

mananaliksik.

Pagtalakay sa Istatistika

Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na mga datos ang

mga sumusunod ay gagamitin: (Frequncy) sa bilang ng mga mag-

29
aaral, (respondent) sa kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at

iminutiplika sa 100 (constant value).

Na ang ibig sabihin ay:

P – (Percentage) bahagdan

F – (Frequency) kadalasan, kalimitan

N – (Numbers of respondent) bilang ng mga nagsitugon

100 – (constant value)

Susuriing mabuti ng mananaliksik at bibigyang kahulugan


ang mga nalikom na datos. Ayon sa pormulang ito na nasa ibaba:

Wtd mean = ∑ ( F x r )

Wtd = weighted mean

F – frequency

∑ - summation of frequency

R – rating of options

N – number of student
30

Talahanayan ng Pananaliksik 1:

Mga Metodolohiya Kadalasan Bahagdan


(Frequency) (Percentage)
%
1. Indaktiv and Dedaktiv 17 85%
2. Lektyur 17 85%
3. Talakayan 18 90%
4. Pag – uulat 15 75%
5. Pagsisiyasat 4 20%
6. Aktibidad 19 95 %
7. Demonstrasyon/ 18 90%
Pagpapakita
8. Indibidwal na Gawain 13 65%
9. Integrasyon 20 100%
10. Tradisyonal 8 40%

F x 100 = %

Sa talahanayan na ito, lumabas na ang mga makabagong

metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay ang mga

sumusunod:
31

Talahanayan 2:

Mga Makabagong Metodolohiya Bahagdan (Percentage)


Integrasyon 100%
Aktibidad 95%
Demonstrasyon 90%
Talakayan 90%
Indaktiv at Dedaktiv 85%
Lektyur 85%

Konklusyon:

Ang anim na makabagong metodolohiya sa

pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay lumabas sa pananaliksik sa

pamamagitan ng pangangalap ng datos. Sinasabi ng dalawang

talahanayang ipinakita sa itaas na ang mga sumusunod na

metodolohiya ay ang naoobserba sa kasalukuyang kurikulum ng

edukasyon.

Sa kabilang dako naman ng pananaliksik, ang

mababang bahagdan ay nakuha ng mga sumusunod na metodolohiya:

pagsisiyasat, tradisyonal, indibidwal na dawain at pag-uulat.


32

Rekomendasyon:

Ang mananaliksik ay napag-alamang nasa mga

metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-

aaral upang mag-aral at magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang

mananaliksik ay nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang

mga guro, tagapamahala ng paaralan, mga nasa departamento ng

edukasyon, sa mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa

mas higit na ikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng

pagkatuto hanggang sa susunod pang henerasyon. Ang

metodolohiyang lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang sa mga

tagapagturo ng kaalaman upang ito ay mapakinabangan sa

pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.


33

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pagkilala at Pasasalamat i

Paghahandog ii

Talaan ng Nilalaman iii

Kabanata

1. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO 1-2

Panimula

Paglalahad ng Suliranin 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 2-4

Assumption – Pala-palagay 5-6

Konsepto ng Pag-aaral 6

Saklaw ng Pag-aaral 6

Pagbibigay katuturan sa mga Katawagan 7

2. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 8

Independent Variable (Malayang Baryabol) 8-


16
Dependent Variable (Di-malayang Baryabol) 16-
27

3. PAMAMARAANG GINAMIT 28

Pananaliksik na Ginamit 28

Paraan ng Pananaliksik 28

Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa 29

Pamamahala sa mga Talatanungan 29

Pagtalakay sa Istatistika
29-31

Konklusyon 32

Rekomendasyon 33

Talasanggunian
iii

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Garcia, M.B. (1989).Focus on Teaching.Quezon City:

Rex Printing Company, Inc.

Gregorio, H.C. (1976).Principles and Methods of Teaching.Quezon City:

Garotech Publishing.

Landizabal,A.S., Bustos,A.S., Bucu,L.C. & Tangco,M.G.


(1995).Principles and

Method of Teaching.Quezon City: Phoenix Publishing


House,Inc.

Salandanan,G.G. (2007).Elements of Good Teaching.Metro Manila:

Lorimar Publishing Inc.

Salandanan,G.G.(2012).Methods of Teaching.Metro Manila:Lorimar


Pub. Inc.
Jornals

Adelaida,G.(2013).Without a play,education for young

children is boring. The Modern Teacher. Vol.62.no.01.

Miguel,J.T.(2011).Teach the children the proper use of TV, Video


games and

computer.The Modern Teacher.Vol.LX.no.7.

Moreno,A.F.(2013).Motivation and theories.The Modern Teacher.

Vol.61.no.08.

You might also like