You are on page 1of 3

IMMACULATE MARY ACADEMY

Araling Panlipunan 10
Unang Markahan
Unang Linggo ng Agosto
Gawain Blg. 1

Name: Grade/Score:
Year and Section: Date:
Activity Title: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Learning Target: Naipapaliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Prepared by: (Author, (1) AP 10 Modyul, p. 4-5
Title, Pages) (2) Dallo, E. (et. al.)

Konsepto: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

 Kontemporaryo- ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan


 Isyu- mga paksa, tema o suliraning nakaaapekto sa lipunan dahil sa ito ay napag-
uusapan, nagiging batayan ng debate ng mga tao sa lipunan, at may malaking epekto
sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
 Kontemporaryong Isyu- pangyayari o suliraning bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang
panahon.

Para maituring ang isang pangyayri o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay dapat
na:
 mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan;
 may malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa mga mamamayan;
 nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensya
sa takbo ng kasalukuyang panahon; at
 mga temang napag-uusapan at may maganda o positibong impluwensya o
epekto sa lipunan.

Gawain Blg. 1.1:


Humanap ng isang isyu nagaganap sa iyong pamayanan o pangyayari iyong
nabalitaan sa mga peryodiko o sa internet. Paano mo ito nabalitaan? Gamitin ang
graphic organizer sa ibaba sa paglalahad ng iyong pag-aaral tungkol dito.

Unang Isyu:

Primaryang Sekondarya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
IMMACULATE MARY ACADEMY
Araling Panlipunan 10
Unang Markahan
Ikalawang Linggo ng Agosto
Gawain Blg. 3

Name: Grade/Score:
Year and Section: Date:
Activity Title: Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Learning Target: Natatalakay ang mga kasanayan sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Prepared by: (Author, (1) AP 10 Modyul, p. 8-11
Title, Pages) (2) Dallo, E. (et. al.)

Konsepto: Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu


Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, kailangan ang mga kasanayan sa:
1. Pagkikilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian- mahalaga ang mga
sanggunian ng impormasyon sapagkat sa tulong ng mga ito, higit na nauunawaan ang
mga kaganapan at isyu sa ating bansa.
 Primaryang Pinagkukunan- orihinal na tala ng mga pangyayari isinulat o
ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.
 Sekondaryang Pinagkunan- mga impormasyon o interpretasyon batay sa
primaryang pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian at inihanda o isinulat
ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala.
2. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon
 Katotohanan- totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng
mga aktwal na datos
 Opinyon- nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na
katotohanan.
3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)- mga impormasyong walang kinikilingan at mga
paglalahad ay dapat balance.
4. Pagbuo ng Panghihinuha, Paglalahat, at Kongklusyon
 Hinuha- isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay
 Paglalahat- hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng konklusyon.
 Kongklusyon- ang desisyon o opinyong nabuo pagkatapos ng pag-aaral,
obserbasyon, at pagsusuri ng mga mahalagang ebidensiya o kaalaman.
Gawain Blg. 3.1:
Magbigay ng halimbawa sa mga sumusunod:
A. Primaryang Pinagkunan 1.
2.
3.
B. Sekondaryang Pinagkunan 1.
2.
3.
C. Katotohanan 1.
2.
3.
D. Opinyon 1.
2.
3.
Gawain Blg. 3.2:
Tukuyin ang uri ng pahayag na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa patlang.
a.bias
b. hinuha
c. opinion
d. kongklusyon
e. katotohanan

_____1. Marami ang namatay dahil sa sakit na COVID-19.


_____2. Hindi sana marami ang nasawi sa bagyong Tonio kung lumikas kaagad ang mga tao
sa ligtas na lugar. _____3. Malaki ang nawalang pera sa bansa dahil sa COVID-19.
_____4. Para sa akin, ang Pamahalaang Duterte ay matapat na nagpatupad ng mabisang mga
paraan upang mapigil ang paglaki ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
_____5. Nagbigay ng buo at tapat na impormasyon ang GMA at ABS-CBN sa panahon ng
COVID-19 na pandemya.

You might also like