You are on page 1of 2

Hinagpis

Isinulat ni: Rio G. AÑonuevo

Verse I
Kaibigan na minsan ay iyong sandalan
Sa saya’t matinding kalungkutan
Mahirap talastasin pilit mong pinupusoan
Mga araw na magkasama sa kuwentuhan at asaran

Verse II
Kaibigan iyo sanang pakinggan
And dibdib kong puno ng kasiyahan
Sa tuwing magkatabi pangamba ko’y naiibsan
Ngunit sa pag-amin ng tunay na nararamdaman
Bigla akong iniwan at tuluyan ng iniwasan

Chorus
Oh, kay hirap at sakit ng damdaming sa iyo’y nakakapit
Sa sandaling naiisip mga alaalang nagdulot ng pait
Sa pusong ang akala’y pag-ibig pinaasa’t, ang dalay hinagpis
Na ang dating kaibigan nagsimulang magalit at mainis

Verse III
Hindi kailangan ang puso’y mag-alinlangan
Naniwalang sa pag-asang makikita mo’t malalaman
Ang pag-ibig na gusto’y higit pa sa pagkakaibigan
Kailangan ng iwasan at pagkukunwariy wakasan

Repeat chorus 2x

Verse IV
Hindi man tayo ang hanggang sa huli
Masaya’t nalaman mong ikaw ang pusong napili
Na kahit masakit ang ilang sandali
Natutunan kong bumagon sa isang pagkakamali.

You might also like