You are on page 1of 2

Paumanhin Kapatid

Verse 1:

Kapatid, isang salita, tatlong pantig, isang letra. Nag-iisa kang kuya na sa akin ay gumagabay.

Sa sandamakmak na nilikha ng Diyos, ikaw ang aking batid.

Alitan ay hindi maiiwasan lalo na sa ating pagitan. Batid kong minsan ikay nakakatampuhan.

Paumanhin aking kapatid, awit na itoy sinimulan para sayo.

Hindi magtugma mga salitang dapat bigkasin. Ngunit sa awiting ito’y isa lang ang nais iparating.

Chorus:

Paumanhin aking kapatid. Paumanhin ang aking batid. Pagmamahal ko sayo’y namumutawi.

Nangangakong iiwasan kong ika’y magtampo. Ngunit di nangangakong alitan ay maglalaho.

Sa magkapatid, hindi yan mawawala. Pangakong susundin ang utos mo basta makakabuti sayo.

Itaga mo sa bato, ikaw ang kapatid na minamahal ko at ang paghingi ng tawad ay bukal sa puso ko.

Verse 2:

Bilang bunso mong kapatid, ikaw ang susundin. Kagustuhan mo ay aking pagbibigyan.

Sayo ako’y magpapaubaya lalo na’t ang bagay ay iyong ninanais.

Krus sa balikat mo’y babawasan, ikaw ay aking tutulungan.

Ako ang magiging sanggang-dikit mo.

Hindi ka lalamangan, tayo ay hating kapatid sa lahat ng bagay.

Chorus:

Paumanhin aking kapatid. Paumanhin ang aking batid. Pagmamahal ko sayo’y namumutawi.

Nangangakong iiwasan kong ika’y magtampo. Ngunit di nangangakong alitan ay maglalaho.

Sa magkapatid, hindi yan mawawala. Pangakong susundin ang utos mo basta makakabuti sayo.

Itaga mo sa bato, ikaw ang kapatid na minamahal ko at ang paghingi ng tawad ay bukal sa puso ko.

You might also like