You are on page 1of 2

I.

PAMAGAT: Pag-ibig

II. MAY AKDA: Teodoro Gener

Umiibig ako at ang iniibig

Ay hindi ang dilag na kaakit-akit

Pagkat kung talagang ganda lang ang nais

Hindi ba’t nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako at ang nililiyag

Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag

Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad

di ba’t masisisid sa pusod ng dagat?

Umiibig ako’t sumisintang tunay

Di sa ganda’t hindi sa ginto at yaman

Ako’y umiibig, sapagkat may buhay

Na di nagtitikim ng kaligayahan

Ang kaligahayan ay wala sa langit

Wala rin sa dagat ng hiwaga ng tubig

Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib

Na inaawitan ng aking pag ibig…

VI.PAGSUSURI SA NILALAMAN

A.BISA SA ISIP

 Ang tula ay nagpapakita ng pagmamahal, maaaring pagmamahal sa kapwa o kasintahan.


Naglalahad ito ng pagmamahal na walang katumbas o hindi kayang bayaran ng anu
mang yaman. Dahil ang pagmamahal ay nagmumula sa iyong puso hindi magiging
basehan ang yaman o estado sa buhay. Mahalin mo ang iyong kapwa ng tunay at
naaayon sa kagustuhan ng iyong nararamdaman.
B.BISA SA DAMDAMIN

 Ang akda ay nagpapakita ng pag-ibig at pagpapahalaga sa iniibig. Ito ay naglalahad ng


pagmamahal na hindi hangad ang yaman at kagandahan. Bagkus nagmamahal para sa
kaligayan na bokal sa iyong kalooban na hindi kayang tumbasan ng anumang yaman.

C.BISA SA LIPUNAN

 Ang akdang ito ay naglalaman ng pagmamahal o mabuting asal na kinakailangan sa


ating lipunan upang magkaroon ng pagkakaisa at mabuting pakikisama ng bawat isa.
Dahil ang tunay na pag-ibig ay ang pagbibigayan at pagtutulungan na magbibigay ng
pagmamahal sa ating kapwa.

D.TEORYA

 Ang akdang ito ay makikitaan ng teoryang Romantisismo dahil ito ay nagpapakita ng


pagmamahal o pag-ibig na gagawin ang lahat maipabatid lamang ang kanyang pag-ibig.

E.TEMA- walang katumbas na pagmamahal

Vll.REPLEKSIYON

A.Reaksiyon ukol sa konsepto ng akda

 Isang magandang kosepto ang ginamit ng may akda upang makabuo ng isang
magandang tula na dapat ay gawin natin upang maging matatag ang pakikisama natin sa
ating kapwa o kaya’y sa ating iniibig. Magiging maligaya tayo kung tayo’y umiibig ng
tunay na hindi mababayaran ng kahit anung yaman.

B.Nais baguhin sa bahagi ng akda

 Walang nais baguhin sa bahagi bahagi ng Akda.

C.Natutunan sa akda na bumago sa iyong pananaw.

 Bumago sa aking pananaw na hindi basehan ang yaman upang mahalin ka ng iyong
kapwa. Dahil ang pagkakaroon ng respeto sa iyong sarili at respeto sa kapwa ang
magiging tulay upang tayo ay mahalin ng ating kapwa at maging ng iyong kasintahan.
Ang tunay na pagmamahal ay nagmumula sa puso na nagbibigay ng kaligayan upang
imibig tayo ng tunay at totoo na hindi kayang bayaran ng kahit anung yaman.

You might also like