You are on page 1of 9

PANGHALIP/PAGSUSUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI/

PAGSULAT NG SULATIN

Isang bagong aralin na naman ang iyong


matutunghayan sa araw na ito. Pagkatapos ng modyul
na ito, inaasahan ko na taglay mo na ang sumusunod
na kasanayan.
1. Nagagamit nang wasto ang mga
panghalip.
2. Napagsusunud-sunod ang mga
pangyayari sa kuwento at naisasantabi
ang di kailangang detalye.
3. Nakabubuo ng reaksyon sa
napapanahong isyu..
Sa mga nakaraang aralin ay natalakay na natin
ang tungkol sa mga panghalip. Ngayon ay babalikan
mo ito sa pamamagitan ng pagkilala ng mga panghalip
sa bawat pangungusap.

Pagbalik-aralan

Piliin ang panghalip sa bawat pangungusap.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nangako siyang umuwi nang maaga.
2. Doon nakita ang nawawalang aso.
3. Ang ilan sa mag-aaral ay aawit.
4. Akin ang lapis na iyon.
5. Malapit na ba ang sa inyo?

1
Tingnan mo nga ang iyong sagot. Narito ang listahan ng tamang sagot.

1. siyang
2. doon
3. ilan
4. akin
5. inyo

Pag-aralan Natin

Handa ka na ba sa ating aralin?


Simulan mo na sa pagbasa ng isang kuwento.
BASAHIN MO….

Ang Tipaklong at ang Paruparo

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng


pangangailangan.

Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon.
Nagsasayawan ang mga puno maging ang mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa
kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy”.
“Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang
tumatakip sa katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong
pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo.

2
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot ni
Tipaklong.

“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lumabas sa


pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy
ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman
ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.

“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon.


“Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.

“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?


Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip
ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay
matatangay,” ang sabi ni Paruparo.

“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang
ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay
hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga
pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”

“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako


makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot na
tanong ni Paruparo.

“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay
natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang
aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni
Tipaklong.

“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating gawin para
maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong.
“Paano?” ang tanong ni Paruparo.
“Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.

“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang


bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni Tipaklong.

At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.

Hinango sa aklat na “Hiyas sa Pagbasa” pahina 163-165

3
Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Kailan mo masasabing may bagyong darating?


2. Ano ang maaaring nangyari kung nagkubli na lamang si Tipaklong?
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo, ano kaya ang maaaring
mangyari?
4. Bakit nakatulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak?
5. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni Paruparo?
6. Ano ang ikinatatakot ng dalawa kaugnay ng sama ng panahon?
7. Patunayang pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng kalikasan.
8. Paano pinatunayan ng magkaibigan ang pagmamahal nila sa isa’t isa?

Ganito rin ba ang iyong naging kasagutan?

1. Mga palatandaan para masabing may bagyong darating: nangingitim ang


langit, malamig ang simoy ng hangin, malakas ang hangin.
2. Hindi mababasa at hindi giginawin si Tipaklong kung siya ay hindi
lumabas.
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo ay hindi siya giginawin at
maaaring hindi siya tangayin ng hangin.
4. Nakatutulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak dahil takot ang
ulan dito.
5. Sinabi ni Tipaklong na magtago na lang ang paruparo sa ilalim ng mga
bulaklak.
6. Ikinatatakot nila kapag hindi tumigil ang malakas na ulan at hangin ay
mababali ang pakpak ng paruparo at mababali ang mga paa ng
Tipaklong.
7. Pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng kalikasan dahil sa winika
niya na kapag hindi lumabas si Tipaklong ay hindi nito makikita ang ganda
ng paligid.
8. Pinatunayan ng magkaibigan ang pagmamahal sa bawat isa sa
pamamagitan ng pagbabantay ni Tipaklong sa bulaklak na pagtataguan ni
Paruparo. Ipinakita at ipinadama ang pagmamalasakit sa bawat isa.

Balikan mo ang mga pangyayari sa kuwento. Subukin mong pagsunud-


sunurin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang.
Sipiin at sagutin ito sa iyong sagutang papel.

______ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.


______ Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at
tipaklong.
______ May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang
mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan.

4
______ Nagtago sa ilalim bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni
Tipaklong.
______ Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
______ Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga dahon at
halaman.

Ganito rin ba ang naging pagkakasunud-sunod ng iyong mga sagot. Kung


ganito, binabati kita. TAMA KA!

1. May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang
mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan.
2. Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
3. Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga dahon at
halaman.
4. Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.
5. Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paru-paro at
tipaklong.
6. Nagtago sa bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni Tipaklong.

Mula sa binasang kuwento, sumulat ka ng isang reaksyon sa mga naranasan ng


magkaibigan. Naranasan mo na ba ito? Gawing gabay ang tanong na
“Masusukat ba ang katapatan ng isang kaibigan sa panahon ng
pangangailangan?”. Gamitin mo ang mga panghalip na iyong natutuhan.
SIMULAN MO!
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5
Subukin Mo

Basahin mo….

‘Bordi’ Geocadin
Kidney, Bago na

Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang


doktor sa National Kidney Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-
anyos na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang sakit sa bato.
Ayon kay NKI Executive Director Filoteo Alano, ang
matagumpay na operasyon kay Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na
determinasyon ng bata na malagpasan ang kanyang karamdaman.
“Humanga kami sa kanyang ipinakitang lakas ng loob sa halos
limang oras na operasyon upang palitan ang kanyang bato na may
misteryosong depekto ,” sabi pa ni Alano.
Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo kataong
dalubhasang doktor na umopera kay Bordi, bagaman hindi
magkatugma ang ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na
ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon ay “aayon” sa sistema
ng katawan ni Bordi.
“Malaki ang aming paniniwala na pagkatapos ng dalawang
linggong obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay
sasang-ayon sa kanyang katawan,” wika ni Dr. Una.
Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery room na ng ospital at
umaasa sa kanyang tuluyang paggaling.
Umaasa rin si Bordi na paggaling niya ay makalaro ang kanyang
paboritong child actor na si Vandolph, ang anak ng pamosong
komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno.
“Sana, dumalaw rito si Vandolph para kami ay makapaglaro at
makapagkuwentuhan at pagkatapos ay magkasalo kaming kakain ng
alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni Bordi sa kanyang
tiyahing si Honey Geocadin Vidal.
Samantala, taos-pusong pinasalamatan ni Bordi at ng buong
pamilya Geocadin ang mga taong nagmamalasakit sa bata para
malagpasan nito ang krisis na naganap sa kanyang buhay.

Jane Eleda - Mahla

6
GAWIN MO!

Humango ako ng mga pangyayari sa binasa mong kuwento. Hindi ito


naaayon sa tamang pagkakasunud-sunod. Isa-isahin mong itala ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Muli itong isulat sa sagutang papel.

 Pinasalamatan ni Bordi at ng kanyang pamilya ang mga taong


nagmamalasakit sa kanya.
 Sa ngayon ang bata ay nasa recovery room at nagpapagaling.
 Tagumpay ang isinagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor ng
National Kidney Institute kay Bordi.
 Humanga sa katatagan ng loob ni Bordi si Director Filoteo Alano.
 Umaasa si Bordi na paggaling niya ay makakalaro niya ang paboritong
actor na si Vandolph.

Narito ang tamang pagkakasunud-sunod. Tingnan mo ang iyong ginawa kung


ayos.

 Tagumpay ang isinagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor ng


National Kidney Institute kay Bordi.
 Humanga sa katatagan ng loob ni Bordi si Director Filoteo Alano.
 Sa ngayon ang bata ay nasa recovery room at nagpapagaling.
 Umaasa si Bordi na paggaling niya ay makakalaro niya ang paboritong
actor na si Vandolph.
 Pinasalamatan ni Bordi at ng kanyang pamilya ang mga taong
nagmamalasakit sa kanya.

Balikan natin ang kuwento. Basahing muli ito upang makilala ang panghalip na
ginamit sa bawat pangungusap.

1. Humanga _____ sa kanyang ipinakitang katatagan ng loob sa halos


limang oras na operasyon upang palitan ang _____ bato na may
misteryosong depekto.
2. Umaasa rin si Bordi na paggaling _____ ay makalaro ang kanyang
paboritong actor na si Vandolph.
3. Malaki ang _____ paniniwala na pagkatapos ng dalawang Linggong
obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa
kanyang katawan.
4. Bakit sisisihin mo ang paglabas sa _____ pinagtataguan?

5. Ano kaya ang mabuti _____ gawin upang makaiwas tayo sa bagyong
_____ .
6. Natatangay ang mga pakpak _____ .

7
Tingnan mo nga kung tama ang iyong mga sagot.

1. ako, kanyang
2. niya
3. aming
4. iyong
5. nating, ito
6. ko

Alam mo ba na ang mga ginamit mong panghalip ay panghalip na panao,


panghalip na pamatlig at panghalip paari?
Ang mga panghalip na ako, kanyang, niya, aming, iyong, nating ay mga
panghalip na panao. Ito ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao at ginagamit
na paksa ng pangungusap.
Ang panghalip na ito ay panghalip na pamatlig na ginagamit sa pagtuturo ng
lugar, tao, pook, gawa, at pangyayari.
Ang panghalip na ko ay panghalip na paari na ginagamit sa pagpapakita o
pagpapahayag ng pagmamay-ari.

Tandaan Mo!

 Panghalip ang tawag sa bahagi ng pananalitang humahalili sa


pangngalan.
 Panghalip na panao ay tawag sa mga panghalip na inihahalili sa ngalan
ng tao.
 Panghalip na pamatlig ang tawag sa mga salitang gamit sa pagtuturo ng
tao, bagay, pook, gawain na malapit o malayo sa nagsasalita o kausap.
 Panghalip na paari ang tawag sa mga salitang gamit sa pagpapahayag ng
pagmamay-ari.

Gawin mo!

Gamitan ng iba’t ibang uri ng panghalip ang sumusunod na salaysay.

(1) na bang lumangoy sa dagat? _____


Naranasan _____ (2) ay may
(3) roon
nakatutuwa ngunit nakakatakot na karanasan sa dagat. Namasyal _____
(4)
sa dinarayong Boracay beach, _____ ang una kong nakitang malinaw at kulay
berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at malamig ang tubig.

8
(5) at ang _____
____ (6) mga kapatid ay masayang nagtatampisaw sa
pampang nang isang malaking alon ng dumating at pagbalik sa dagat, _____(7) ay
natangay sa kalaliman. Gayon na lamang ang takot _____ (8) . Mabuti na lamang
(9)
at isa _____ pinsan ang nakakita sa akin at pahilang dinala patungo sa
pampang. _____(10) ang kasama kong di ko malilimutan.

Binabati kita!

Iwasto ang iyong sagot.

1. mo
2. ako
3. ako
4. ito
5. siya
6. aking
7. kami
8. naming
9. naming
10. siya

You might also like