You are on page 1of 3

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

GRADES 1 to 12 Paarala
BUNSURAN NATIONAL HIGH SCHOOL Antas 7
Pang-Araw-Araw na n
Talaan sa Pagtuturo - DLL Guro JACQUILOU A. LOMOT Asignatura EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Markahan UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN Ikatlong Araw (PAGPAPALALIM)


Petsa: August 2, 2019
Seksyon: BUTTERCUP
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa hilig
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa
pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong
(Isulat ang code ng bawat kasanayan) sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan (EsP7PS
– If – 3.3)
II. NILALAMAN MODYUL 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
III. KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro pahina 34-35 (TG)
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral pahina 78-83 (LM)
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo aklat, manila paper, marker, tsart, powerpoint presentation
IV. PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Ngayon ay magkakaroon tayo ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang modyul
bagong aralin na ating tinalakay.

Mula sa inyong group cleaners, pumili ng isa na magiging representative ng


inyong grupo.

Sasagutin nila ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa Multiple


Intelligences.

Bawat tamang sagot, isang hakbang. Ang unang makarating sa pisara ang
panalo.

Base sa inyong husay sa pagsagot, ipinakita ninyo na lubos ninyong naunawaan


ang ating nakaraang aralin.

Ngayon naman, magsisimula tayo sa isang bagong modyul. Kuhanin ang inyong
EsP notebook.

Sundin ang panuto. Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa lagi mong


ginagawa o nagpapasaya sa iyo. Gawin ito sa loob ng dalawang minuto.
1. Ano ang simbolo na iyong iginuhit?
2. Bakit mo nasabi na iyan ang nagpapasaya sa iyo?
3. Gaano mo kadalas ginagamit o ginagawa ito?

Humanda sa maikling bahaginan.

Tatawag ang guro ng mag-aaral upang iguhit sa pisara ang kanyang simbolo at
ipaliwanag ito.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ano ang tawag sa bagay o gawain na lagi mong ginagawa ng masaya?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ano ang kahulugan ng hilig?


Ano ang pinagmumulan ng ating mga hilig?
D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Paunang Pagtataya (Day 1 ng Modyul 3)
bagong kasanayan#1
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Pagtuklas ng Dating Kaalaman (Day 1 ng Modyul 3)
bagong kasanayan#2
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative May dalawang aspekto ng mga hilig: ang larangan ng mga hilig (areas of
Assessment) interest) at ang tuon ng atensiyon (Abiva, 1993).

Anu-ano ba ang mga Larangan ng Hilig(Areas of Interest)?


1. Outdoor – Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)

2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)

3. Computational – Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero

4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at


pag-imbento

5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao


o pakikipagkaibigan

6. Artistic – Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay

7. Literary – Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat

8. Musical – Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng


instrumentong musikal

9. Social service – Nasisiyahang tumulong sa ibang tao

10. Clerical – Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina

Anu-ano naman ang mga Tuon ng Atensiyon ng mga Hilig:


1. Tao – May kinalaman sa tao

2. Datos – May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye

3. Bagay – Gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)

4. Ideya – Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya

Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng


maraming hilig at may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay
indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsusulat (literary). Ito ay may
tatlong tuon – tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa kaibigan),
datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya
(paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit.)
G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Bakit mahalagad na alam mo ang iyong mga hilig at tuon ng atensiyon? Ano
ang kinalaman nito sa iyong kurso o magiging trabaho?
H.Paglalahat ng Aralin Kung may mga panahon na kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng
isang bagay kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng
iyong hilig. Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng
atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o
trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan.
I. Pagtataya ng Aralin Sa simbolo ng iyong hilig kanina, gumawa ng ilustrasyon ng tuon ng atensyon
ng iyong hilig.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at Para sa inyong takdang aralin, basahin ang Modyul 4, Mga Tungkulin ng Isang
remediation Nagbibinata at Nagdadalaga.
V. Mga Tala/Puna
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang


Gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos?


Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa


tulong ng aking punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais


kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

JACQUILOU A. LOMOT
Guro I - EsP/Coordinator

Iniwasto ni:

JENNELYN A. FAJARDO
Ulong Guro I - EsP

Binigyang pansin ni:

NANCYLITA C. CUBOL, Ph.D.


Punong Guro III

You might also like