You are on page 1of 10

Pagdadalumat ng Salitang “GHOSTING” sa Diskurso ng Filipino

Isang Akademikong Papel


Inihaharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham
Cavite State University
Indang, Cavite

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Dalumat ng/sa Filipino

MGA MANANALIKSIK
ALLINGAG, LOVELY JHANE
ESPINEDA, JOHN YSAAC
SICHON, RENCY
MEJIA, CHARLENE

Isinumite kay: G. ISLA PANGET


May 2020
PANIMULA

Panimulang Talata

Ang ghosting ay malawakang nauuso sa Pilipinas ngayon, isa ito sa mga banyagang

salita na kinupkop at tinuring sariling atin. Dahil sa paglawak at paglawig ng hugot lines,

ang mga linyang “sana all” at “ghosting” ay umusbong.

Ang ghosting ay naging matunog noong mag post ang aktor na si Paulo Avelino sa

kanyang twitter account ng “ Na bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting” noong july 26, 2019,

ng magbigay ng komento ang Actres na si Bea Alonzo sa kanilang hiwalayan ng Aktor na si

Gerald Anderson. Sinabi ng aktres na walang pormal na hiwalayan ang naganap sa

kanilang dalawa ng aktor, bigla nalamang daw hindi nagparamdam sa kaniya. Naging

matunog naman ito sa mga netizen lalo na ang mga kabataan at naglipana ang iba’t ibang

mga kwentong ghosting.

Ang ghosting ay hindi lamang basta salita na nagbibigay kahulugan ng paraan ng

biglaang pagkawala o paglaho ng isang tao sa isang relasyon o kahit hindi man maiuugnay

sa kahit anong relasyon (hal.pagkawala nalang bigla ng pera) kundi isang importanteng

diskurso na ninanais ng mananaliksik na ito ay hindi lamang simpleng salita upang bigyang

diin kung bakit ito ang dapat hiranging salita ng taon kundi upang mas mapalawak ang

kaalaman ukol dito at kung anong mga negatibong epekto nito sa sa isang tao lalo na sa

kanyang sikolohikal.

Ayon kay Moorhead (2019), ang ghosting ay isang paraan ng pakikipaghiwalay sa

kasintahan o pagiwas sa isang lakad. Isa itong kontrobesyal na taktik, pero mas nagiging

talamak lalo na sa modernong panahon ng pagliligawan. Ghosting ay isang expresyon ng

pagputol ng relasyon sa isang tao na matagal ng nakakasama, nakakausap. Ang teyorya


sa likod ng ghosting ay kapag ang isang tao na hindi na pinapansin ng kanyang karelasyon

ay mahihinuha na lamang at mapapagtanto na hindi na interesado ang kanyang karelasyon

sa kanya.

Ghosting ang tawag ng mga kabataan sa mga nagpaasa sa kanila ngunit bigla na

lamang silang iniwan o mga almost lovers na bigla na lamang naglalahong parang multo.

Ayon sa isang cultural analyst na si Prof. Jimmuel Naval, nangyayari raw ito dahil sa hindi

pagiging prangka ng mga Pilipino. “Ayaw nating makasakit ng tao kaya iniipon na lang

natin, itinatago na lang natin. Gusto mo na lang mag-disappear,” paliwanag niya. Ngunit

babala ng isang psychologist na si Dr. Estrella Magno, maaari itong makaapekto sa mental

health ng isang tao. Gaya na lamang ng depresyon. “Depression will set in, the

helplessness, the hopelessness. Bakit ako iniwan? Wala ba akong kuwenta? Bakit? Okay

naman ako ah. Sinisisi niya ‘yung sarili niya,” dugtong niya. Ayon pa sa kaniya, “maaaring

may kinalaman ito sa pagpapalaki ng mga magulang. “Batang-bata ang isip. As I said, very

immature. Maybe the parents were absent not only physically but emotionally,

psychologically,” .

Marami sa mga kabataan ang ginagawang katatawanan ang salitang ghosting, o na-

ghost subalit hindi nila alam kung anong epekto at anong hirap ang pinagdaraanan ng ma

taong biktima nito. Maaaring sa mga nakararami ay kalabisan kung ang isang tao ay labis

ang pagdaramdam sapagkat siya ay ghosted ngunit ang epekto nito sa sikolohikal ay hindi

kauri ng sakit sa pisikal sapagkat ang pisikal na sugat ay naghihilom sa tulong ng mga

medisina subalit ang sikolohikal na sakit ay mahirap pagalingin. Bukod pa rito, ninanais ng

pagaaral na ito na ang kahalagahan ng salitang “ghosting” sa kalagayan ng lipunan,

ekonomiya at politika.

Layunin

Layunin ng akademikong papel na ito na;


 maihayag ang kahulugan ng salitang “ GHOSTING” sa mas malalim na paraan.

 maipakita ang kahalagahan ng salitang “ghosting” bilang diskursong Filipino at

makapaghatid ng kaalaman sa lahat ng mambabasa at;

 bibigyang diin ang kalagayan nito sa larangan ng politika, ekonomiya at lipunan at

kung bakit ito ang dapat hiranging salita ng taon.

Pagpapakahulugan

Depresyon- Ang depression ay karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung saan

ang tao ay nakakaranas ng depressed mood (lungkot na malalim at hindi lumilipas). Ang

depressed mood na ito ay maaring sinasabi ng tao na nakakaranas nito kahit

hindi obvious sa hitsura nila o maari rin namang na-oobserbahan lang ng mga taong

nakapaligid sa kaniya.

GDP- Tumutukoy ang Gross Domestic Product (GDP) sa market value ng lahat ng tapos na

mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng hangganan ng isang bansa sa isang tiyak

na panahon.

Ghosting- Ang ghosting ay maihahalintulad sa nauna ng salitang hiran na “inindian” o

“pagiindian” na ang ibigsabihin ay hindi pagsipot sa napagusapang lakad o pagiwan ng

walang pasabi o paalam man lamang.

Sikolohikal- Ang salitang sikolohikal o pyschological sa wikang Ingles ay isang pang-uri na

na ang ibig sabihin ay may kaugnayan sa pag-iisip ng isang tao at kung paano ito ay

nakaka-apekto sa pagkilos ng isang indbidwal.


PAGSUSURI

Kaugnayan ng salitang “GHOSTING” sa kontekstong pangkasaysayan

Ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang bahagi sa pamumuhay ng tao.

Dahil dito nagagawa ng taong makipagkapwatao sapagkat nagkakaroon ng palitan ng

impormasyon. Ang komunikasyon ay mayroong dalawang uri, ang berbal at di- berbal na

komunikasyon. Noong hindi pa nauuso ang mga bagong teknolohiya at kalakip nito ang

iban’t ibang uri ng social media applications ang sulat ang siyang pangunahing gamit noon

ng mga tao upang makipagkomunikasyon.

Maiuugnay ang salitang ghosting sa kasaysayan sapagkat noon pa man ay laganap

na ito sa dalawang nag-iibigan na malayo sa isa’t isa. Ito ay kadalasang mangyari noon sa

dalawang nagiibigan na mayroon malayong agwat sa antas ng pamumuhay gaya ng

mahirap at mayaman. Ng dahil sa pagiging konserbatibo at matapobre noon ng mga

mayayaman kadalasan na hadlang sa pagkakaroon ng ugnayan ang dalawang taong nag-

iibigan.

Kaugnayan ng salitang “GHOSTING” sa kontekstong pangekonomiko

Noong taong 2019, ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan nito, sa

kadahilanang matapos tumakbo sa re-enacted budget and pamahalaan. Dahil dito,

nagkaroon ito ng malaking epekto sa pakikipag kalakalan ng ating bansa at sa pagaangkat

ng ating mga produkto.

Maiuugnay ang salitang ghosting ukol sa usaping pangekonomiya sapagkat sa mga

nakalipas na taon ay naging mabilis ang pagtaas ng GDP ng bansang Pilipinas, ngunit sa

kasamaang palad, biglang naglaho ang mabilis na pag angat ng ekonomiya ng bansa na

mula sa 6.5% noong taong 2018 na naging 5.6% sa pagpatak ng taong 2019. Ayon sa
Philippines Statistics Authority, ito na ang pinaka mababang GDP growth mula nang naitala

ang 5.1% sa unang kwarto ng 2015.

Ayon kay Socioecoomic Planning Secretary Ernesto Pernia, 6.6% sana ito ngayon

kung tumalbo sa 2019 budget ang pamahalaan.

Kaugnayan ng salitang “GHOSTING” sa kontekstong panlipunan

Ang salitang ghosting ay may kaugnay sa kontekstong panlipunan sa pamamagitan

ng pagbabago nito sa paniniwala ng isang tao, sa kung pano nya tignan ang kaniyang

sarili, at sa kanyang pananaw ukol sa pag-ibig. Mula sa paraan na ito, maaaring maisip o

mapagtanto ng isang taong naging biktima ng “ghosting” na hindi siya sapat para sa

kaniyang naging karelasyon o may mga pagkukulang siya na hindi niya nagawang

maibigay habang sila pa ng kaniyang kinakasama. Maaari din na maging epekto neto ay

ang pagiisip na mayroon ng iba ang kaniyang kinakasama na maaaring magdulot ng

matinding depresyon sa naging biktima ng paraan na ito.

Ayon sa isang pagsasaliksik, 25% mula sa 550 na mga lumahok ay nagsabing

nakaranas na sila ng ghosting, nasa 20% naman ang nagsabi na sila ay nakipaghiwalay na

sa pamamagitan ng paraan na to. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nalaman na

mas tumataas ang kaso ng ghosting sa kadahilanang madalas gamitin ang mga dating

apps sa pagsisimula ng relasyon. Ang ghosting ay nangyayari din sa magkakaibigan,

halimbawa nalamang ay ang pagkakaroon ng kasunduan o plano na gagawin ang isang

bagay subalit ang isang miyembro ng ‘tropa’ ay hindi sumipot at bigla nalang naglaho ng

walang pasabi.

Kaugnayan ng salitang “GHOSTING” sa kontekstong pampulitika

Ang bansang Pilipinas ay isang demokratikong bansa, ang bawat mamamayan ng bansang

ito ay kapangyarihan upang pumili kung sino ang mga mamamahala sa kanilang gobyerno. Ang

bawat mahahalal ay base sa kanilang mga platapormang ibinibigay habang sila ay kumakandidato,
at ang mga bawat matatamis na salitang kanilang binabanggit. Ngunit pagtapos mahalal ng bawat

kandidato, saan sila napupunta? Sa panahong kailangan ang mga platapormang nilapag nila,

nawawala sila.

May kaugnay ang salitang ghosting sa kontekstong pampulitika sapagkat sa tuwing

may mahahalal na isang pulitiko, nagmimistulang multo ang mga ito sa oras ng kagipitian at

sa oras na sila ay mas kailangan. Halimbawa na ang pagkakaroon ng platapormang

“Pagpapatatag ng serbisyong publiko” ngunit sa panahon ng krisis at matitinding sakuna ay

halos hindi maramdaman ang presensya.

Ito ay kalimitang nararanasan ng mga mamamayan ng Pilipinas sapagkat ang

kurapsyon sa bansang ito ay mataas ang porsyento kumpara sa ibang bansa. Isa pa ang

kurapsyon sa dahilan ng pang-ghost ng mga pulitiko sa tuwing nakakupit na sila ng

malaking halaga mula sa kaban ng bayan.

Paglalapat ng teorya

Ang lahat ng salita ay may sari-sariling pinagmulan at pagkakahulugan depende sa

mga taong gumagamit nito. Ayon sa “Psychologytoday”, ang ghosting ay bagong paraan ng

pakikipaghiwalay na nagiging laganap na istratehiya na ngayon. Ginagamit nito ang

teknolohiya, na dati ay sa pagbuo at pagalaga sa pagsasama, bilang pag-iwas sa dating

karelasyon.Bago man o matagal ng relasyon, biglang napuputol ang mga pagsasama dahil

dito. Walang usap-usap, walang paghingi ng tawad, pawing katahimikan lamang. Ayon sa

ibang pananaliksik, may ilan na walang nakikitang problema dito. Habang ang mga tao ay

mas naniniwala sa tadhana, mas tinatanggap nila ang ghosting bilang paraan ng pagtapos

ng relasyon. May ilan din namang hindi sumasang-ayon dito. Para sa mga naniniwala na

kayang pagdaanan ng mga relasyon ang mga pagsubok, hindi nila tinatanggap ang

ghosting bilang maayos na pakikipaghiwalay.


Mga pansuportang ebidensya o impormasyon

Ayon sa Urban Dictionary, ang ghosting ay nangyayari kapag bigla na lamang

pinuputol ng isang tao ang komunikasyon “with zero warning or notice before hand. You’ll

mostly see them avoiding friend’s phone calls, social media, and avoiding them in public.”

Wala ni kahit anong pasabi ang ghoster, bigla bigla na lamang itong maglalaho ng hindi mo

namamalayan.

Sa ulat ng GMA News, nakapanayam nila si Sienna Calanog na nabiktima ng ghosting ng

kanyang fiancé. Mala- fairy tale na sana ang kanilang love story matapos mag-propose ng

boyfriend sa New York City. Kaya lamang bigla nalang itong hindi nagparamdam. Sabi pa

niya, “After that, wala nang kasunod. Ni ha, ni ho, wala akong narinig. I tried to reach him sa

lahat ng paraan na magagawa ko. Through e-mail, social media, pero binlock niya ako,”

“Akala ko lang nag so-soul searching siya, pero ginhosting pala ako .” Dugtong pa nito.

Ang tricycle driver naman na si Norlen Samson, pinipili na lamang na hindi na

magparamdam kapag ayaw na niya sa karelasyon. “Kahit magtext, hinahayaan ko na lang

siya. Kumbaga, bahala na. Kung harap-harapan kasi, makikita ko pang umiiyak yung

babae, ‘yun ‘di ko na makikita,” paliwanag niya.

KONKLUSYON

Sa malawakang paglaganap ng paggamit ng salitang ito, sa dami ng taong may ideya o

may kaalaman dito, maaaring tumataas din ang bilang ng mga taong nakararanas sa

ganitong gawain. Maaaring marami ang nasaktan at nasasaktan pa sa ganitong ganap sa

isang modernong relasyon.

Malaki ang tyansa na mapili ang salitang hiram (ghosting) bilang isa sa mga naghaharing

salita sa buong taon, mas mainam, maging salita ng taon 2019. Ang papularidad at
pagkatalamak nito sa tatlong pulo ng bansang Pilipinas ay hindi maitatanggi at hindi

maikukubli. Marahil ngang madami sa mga kabataang Pilipino ang nakaka-relate much sa

salita at sa teoryang nakapaloob dito. Subalit, nakakaalarma ang paglago ng bilang ng mga

kabataang naririnig, ginagamit, at nakakaramdam sa nasabing salitang banyaga.

Hindi lang doon natatapos ang problemang ito. Ang ghosting ay malawakang nalalaman ng

mga kabataan sa buong mundo. Ebidensya rito ay ang mga nakalap na imporsyon tungkol

sa salita. Ang mga impormasyon ay nakatala sa lingwaheng ingles na nagpapaphiwatig na

hindi lang mga kabataang Pilipino ang nakararanas ng ganitong kirot pang-sikolohiya, kundi

maging ang mga kabataan sa buong mundo.

Ito, ang pananaliksik, ay hindi lamang para sa pagdediterma ng susunod na salita ng taon

ayon sa mga napapanahong salitang umusbong sa taong dalawang libo at labing siyam

(2019) kung hindi ay para rin sa pagkamulat ng tao sa mabilisang paglaganap nito, sa iba’t

ibang parte ng mundo. Ang pananaliksik ay nais din magbigay alam sa mga kabataan

tungkol sa gawain, na ghosting. Madami na ang nabiktima, marahil madami parin ang

mabibiktima nito. Kaya naman maging mapagmatyag sa mga kasama, kaibigan, kapamilya

na nakaramdam, nakararamdam, at makararamdam ng ganitong kirot pangsikolohiya.

SANGGUNIAN

DiDonato, T. E. (2018, September 7). The Truth About Ghosting to End a Relationship.

Retrieved from https://www.psychologytoday.com/intl/blog/meet-catch-and-

keep-/201809/the-truth-about-ghosting-end-relationship

Doll, C. (2016, August 19). In Urban Dictionary. Retrieved from

https://www.urbandictionary.com/define.php?

term=Ghosting&fbclid=IwAR2NRFYaYKhUrK6PySv9p2IrwyCaZYesQZr6Hc0yV3SoW_1ct

moqxPW_8Bw
Luzande, C. A. (2020). Biglaang Pagtapos sa Relasyon: Ano ang ghosting?. Retrieved from

https://ph.theasianparent.com/ano-ang-ghosting?

fbclid=IwAR14Ec9nCxmRRUTUvKw9PmY4f8mFr-TUSA3NoZjmzII-qpmjfy20Lfps9VE

Magno, F. M. [fpmagno] (n.d). Ano ang ibig sabihin ng sikolohika? Retrieved from

https://brainly.ph/question/995674?fbclid=IwAR3uuaTLRU-hG-

asFmxIohI2sVdkgg6c47eyGJN-hR2ESEPpKAL0pqe38xk

Russia, J.A. (2020, February 15). Ghosting may hindi magandang epekto sa kalusugan

ayon sa expert. Rtrieved from https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/02/ghosting-

may-hindi-magandang-epekto-sa-kalusugan-ayon-sa-eksperto/?

fbclid=IwAR3D20STzSYptrfNzKW8NdoQeagTyXAbOzzs6kem-RWjaqArNbrJQI0Ufj8

You might also like