Professional Documents
Culture Documents
Isyu Sa Buhay: Parusang Kamatayan
Isyu Sa Buhay: Parusang Kamatayan
PARUSANG KAMATAYAN
Ano Ito?
Ang parusang kamatayan ay isang parusa o kasanayan ng gobyerno noon kung
saan ang tao ay pinapatay nang may pahintulot ng estado bilang parusa sa kanilang
ginawang krimen. Ang mga krimen na katumbas ay parusang kamatayan ay kadalasan ay
karumal-dumal o sobra-sobra sa paglabag sa karapatang pantao. Halimbawa sa mga ito
ay pagpatay, maramihang pagpatay, panggagahasa, sekswal na pang-aabuso sa bata,
terorismo, pagtataksil, pag-eespiya, sedisyon, pandarambong, sapilitang pagkontrol ng
sasakyang panghimpapawid, pagtutulak ng droga, krimen sa digmaan, mga krimeng
laban sa sangkatauhan, resibidismo, malubhang pagnanakaw, at pandudukot o kidnap.
56 na mga bansa ang patuloy na nagsasagawa nito, 106 ang inalis ang parusa sa
mga piling krimen, 8 ay inalis ito sa mga ordinaryong krimen, at 28 ay tuluyang inalis ang
parusa sa lahat ng krimen. Ang 60% ng populasyon sa buong mundo ay nakatira sa mga
bansang pinapahintulot ang parusang kamatayan, tulad ng Tsina, India, Estados Unidos,
Indonesia, Pakistan, Bangladesh, Nigeria, Ethiopia, Ehipto, Saudi Arabia, Iran, Japan,
Timog Korea, Taiwan, at Sri Lanka. Sa kabila nito, ang Tsina ay mas maraming
naparusahan ng kamatayan kaysa sa lahat ng mga naparusahan ng kamatayan sa labas
ng Tsina.
LETHAL INJECTION