You are on page 1of 7

Cappucino

Ni Russell Casiple

Tagpuan: Sa loob ng coffee project.


Tauhan:
Via – 20 years old babae na nagmahal ng lubusan
Xian – 21 years old na lalaking nagmahal ng maling tao

Magkatabing nakaupo ang isang lalaki at babae sa gilid na upuan ng coffee project.

Nag uusap ito habang hinihintay ang inorder nilang kape.

Via: Hi Brad… Musta na. Long see, no time. Ano daw? (sabay tawa)

Xian: Okay naman brad. Eto masaya kase kausap na naman kita.

Via: Weh. (tatawa) Binobola mona naman ako eh. Kulang ka lang sa
cappuccino eh.

Xian: Oo nga. Masaya ako kase MU tayong dalawa. Wala mang label pero
atleast may connection sa isat-isa. Boom!

Via: (Yuyuko na parang maluluha) Kamusta araw mo ngayon Xian.

Xian: Maganda araw ko ngayon. Nandito kana sa harapan ko eh.

Via: Ahh. Ganon ba. Musta yung school? Paguran din no.

Xian: Okay lang naman. Dami naming gawain e. Kayo busy rin no?

Via: Oo. Lagi din. Kaya eto, masaya ako kase nakalabas na naman. Kahit
papano nakapag kape kape.

Xian: (tatawa) Halimaw ka talaga sa kape no, Via. CAPPUCINO is life.

Via: Syempre, Coffee is life. Tiyaka sa mga kagaya nating stress sa school
coffee is life talaga dapat. CAPPUCINO is paborito.

Xian: Yess… Coffee is life, but you is my lifer… Ano daw? (sabay tatawa)

Via: Yan tayo e, galing galing mambola, mali mali naman.

Xian: Atleast napatawa kita. Yun lang naman yung gusto kong mangyari e,
ang napapatawa ang nag iisang reyna ng buhay ko. Boomm!!!

Via: Sus, yan ka na naman Xian ha. Umayos ka kung ayaw mong ma upper
cut kita jan.
Xian: Alam mo Via, ang ganda ganda mong tao, pero ang siga mo kumilos.
Ikaw ang umayos Via ha.

Via: Ede wag ka sakin. Masyado ka namang bolero e.

Xian: Yoko. Gusto ko nga sayo eh. Gusto ko Cappucino.

Sophia: Bakit natikman mona ba ko ha?

Xian: (matatawa) Ikaw talaga Via. Masyado kang bulgar. Malamang hindi pa
kita natikman. Kaya kita hinalintulad sa Cappucino kase paborito ko rin yung kape na
yon. Kape kaba?

Sophia: Ede wow. Malamang tao ako. Umuwi kana don, ubusin mo na yang
kape mo!

Xian: Binibiro lang e, to naman may dalaw kaba…

Via: Ang pogi mo Xian. (Sabay ngiti ng plastic)

Xian: Oh kita mo, ikaw ang bolero Via e, binobola mo ko…

Via: Sus... Anong ako. Di naman ako kagaya ng iba jan na pag nambola
wagas. Pag nagsalita ng mabulaklak yung tipong mahuhulog ka. Pag nag alala kala
mo talaga totoo, yun pala di lang ikaw ang binobola. Madami kayo. Alam mo yon,
nakakainis kaya yung mga ganong tao… Parang kala mo the more entries you send,
more chances of winning.

Xian: Sino ba kasi yon.

Sophia: Alam ko mahilig din sa Cappucino yun eh. (kunwari mag iisip)

Xian: Tiyaka may rason naman siguro siya kung bakit ganon siya. Lahat ng
bagay may dahilan Via.

Via: Rason? Ano kaya rason niya? Di ako naniniwalang may rason siya e.
Tignan mo ah, pwede ba niyang irason na playboy siya? Sabagay sakto, pwedeng
pwede naman.

Xian: Ayiieee. May nagseselos.

Sophia: Buset ka! Di ako nagseselos noh! Yuck! Playboy!

Xian: Grabe ka naman maka Yuck… Di ba pwedeng friendly lang siya.

Via: Friendly? Sabagay, pag friendly ka talaga dapat puro babae kaibigan
mo e. tsaka dapat nga pala pag friendly, sweet no? Tanungin mo kong kumain na
ba, or dikaya ihatid mo pauwi, intayin mo sa ministop, ganon yon diba?
Xian: Oo ganon kase yon. Kaming mga lalaki, kailangan naming maging
mabait, lalo sa mga babae, ika nga nila respect.

Via: Respect? May iba naman sigurong paraan ng respect. Papano kaya?
Ahmm, yung respect ba na kailangan hawakan mo kamay niya habang patawid kayo
ng kalsada? Sabagay, respect her hands nga naman. ( tatawa sabay iling)

Tumonog na ang bell sa upuang kinauupuan nina Xian at Via. Hudyat na ito
na maaari na nilang kunin ang kape na kanilang inorder. Tumayo na si Xian at
nagprisintang kumuha ng kape. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumalik na ito sa
kanilang kinauupuan.

Xian: Eto na yung kape miss Via. Pampakalma ng isip at pusong sumisigaw
dahil sa sakit. Presenting Cappucino! (sabay tawa)

Via: Loko Ka! Oo na salamat. Salamat at unti unting napawi yung sugat sa
puso kong sumisigaw ng hustisya! (tatawa)

Xian: Nga pala Via, maiba tayo, kailan mo ba ako sasagutin? Matagal na
tayo. Ilang taon na tayong MU, pero ni oo mo, di ko nakukuha. Ano, may kailangan
pa ba akong hintayin? O wala na?

Via: Diba nga sabi ko sayo, hintayin mo. Wag ka magmadali Xian. May
panahon din para sa mga ganyan. Tiyaka hintayin mo, susurpresahin kita tungkol
jan. Nga pala, mamaya may sorpresa ako sayo.

Xian: Alam mo di mo naman ako kailangang sorpresahin e.

Via: Gusto ko e.

Xian: Wag na. Masaya na ko na nakita kita.

Via: Isa kang Ede wow!

Xian: Ano kaba bunganga mo via… (sabay tapik sa balikat ni Via)

Via: Oh sige na. Tutal mamaya pa naman e.

Xian: Actually, may ipagtatapat ako sayo e.

Via: Yan ka na naman sa bola mo. Ano, aalukin moko ng kasal? Wag po!

Xian: Hindi sa ganon, napaka bata pa natin e.

Via: E ano?

Xian: Pero gusto ko mauna ka muna sa sorpresa mo.

Via: E ayoko nga, lalaki muna.


Xian: E diba ladies first.

Via: Naku, naku naku wag mo ko pairalan ng pambobola mo ha Xian! Hindi


ako babae…

Xian: Ano? Di daw babae, nukaba sa ganda mong yan, dika babae? Kaya
nga ko na fall sayo e kase sexy na, maputi maganda pa…

Via: Che! Manahimik ka nga Xian, ha! Dami mong pambobola jan. Daming
knows ha.

Xian: Sorry na.

Via: Joke lang syempre, oh siya ikaw na mauna.

Xian: Ikaw na mauna…

Via: Ayoko…

Xian: Sige na kase Via, please…

Via: Sa isang kondisyon.

Xian: Sige sige, ano yon?

Via: Ikaw mag babayad ng pangalawang kape na oorderen natin

Xian: Walang problema, gusto mo treat pa kita sa sine pagkatapos natin


magkape e.

Via: Teka bubwelo lang ako…

Xian: Ay, may pag bwelo.

Via: Di ko carry yung atmosphere e.

Xian: Ano ba kase yun? Sabihin mo na habang maaga.

Via: Di ba pwedeng mamaya na lang?

Xian: Gusto ko ngayon e.

Via: E ayoko e.

Xian: Sige ka ikaw magbabayad ng kape.

Via: Hay…(hihinga ng malalim, sabay titig ng deretso sa mga mata ni Xian)


Alam mo Xian, hindi tayo pwede sa isat isa. Kaya pasensya ka na kung hindi ko
maibibigay ang matamis kong Oo na hinihiling mo…
Xian: (tulala, at nakatitig sa mga mata ni Via ng hindi makaimik) ahmm. Ba…
bakit Via? May problema ka ba? Tayo ba ang may problema? Pinagsisihan ko
naman na ang lahat ah. Akala ko ba napatawad mona ako…

Via: Oo, pinatawad na kita Xian, matagal na, dahil wala ka naming
kasalanan eh. Pero alalahanin mong may mga bagay na pinagtagpo ngunit di
itinadhana.

Xian: Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi mo Via. Deretsuhin mo


ko… Ganon na lang ba kadali sayo na bitawan lahat ng pinagsamahan natin? Oo
nagkamali ako, pero Via naman, di ba ginagawa ko naman ang lahat para magbago.
Hindi mo ba nakikita yon? Hindi pa ba sapat yon?

Via: Hindi yon sapat Xian. At kailanman ay hindi iyon magiging sapat.

Xian: Via naman. Pwede mo namang sabihin sakin kung anong


bumabagabag jan sa isip mo e. Hindi yung umasa ako na kaya tayo nagkita uli
ngayon ay dahil sasagutin mona ako…

Via: (tatawa) Hay nako Xian. Kahit kailan talaga.

Xian: Kahit kailan? Oo kahit kailan ikaw lang ang pipiliin ko.

Via: (hihigop ng kape) Hindi kita pinili.

Xian: (naguguluhan) A…ano bang problema Via?

Via: Wala naman.

Xian: Wa…wala? (hihinga ng malalim sabay yuko) Ma…Mahal kita Via, kaya
ginagawa ko lahat para lang magbago.

Via: Wag kana matakot umamin. Tiyaka wag ka mag alala, kilala ko naman
siya e. Aware ako don. KA-IBIGAN ko siya e. Alam ko naman na nagkaroon din kayo
ng mutual understanding. Hindi niyo naman kailangan itago e. (sabay higop ng
kape)

Xian: Mali. Hindi ko naman siya mahal eh. Nagkagusto lang ako sa kanya
pero wala na yon.

Via: Wala na yon. Okay lang Xian, wala kang dapat ikatakot.

Xian: Oo. Tama ka. MU tayo, MU din kami… Pero mas nakita ko kung gano
siya kaalaga. Paano niya ko minahal, paano niya ko napapasaya… Eh ikaw, Via?!
Wala diba? Ni hindi mo nga magawang magpasaya… Palagi kana lang walang
pakealam! Tsaka isa pa, siya yung nandiyan noong wala ka sa tabi ko (maluha
luhang nakayuko)
Via: Oo. Wala ako sa tabi mo… tama ka, kase alam ko naman na una pa
lang na ganon na ang mangyayari. Na sa kwento niyong dalawa, ako lang ang
naging tulay…

Xian: Pero bakit nandito ka ngayon? Bakit ka nakipagkita sakin? At bakit sa


kabila ng mga nalaman mo, pinakita mo pa rin ang magagandang bagay. Bakit kahit
andaming panloloko ang nagawa ko sayo, lumapit ka pa din? Sorry Via,
pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko sayo. Unti unti kong naisip na mas mahalaga
ka at habang tumatagal, minamahal kita, Via. Kung dati iniisip ko na mas higit siya,
nandiyan siya, ngayon alam ko ng ikaw ang mas importante.

Via: Alam mo Xian, mayroon din akong sorpresa sayo…

Xian: A…ano yon Via?

Via: Alam mo ba kung bakit wala ako sa tabi mo nung mga panahong
kailangan mo ko?

Xian: Oo. Inakala ko na di mo ko gusto. Inisip ko na siya ang mas mahal ko.

Via: Nagkakamali ka, Xian…

Xian: Ha…Huh? Ba…Bakit?

Via: Kaya ako pumayag na makipag MU sayo ay hindi dahil sa gusto kita.
Alam mo bakit? Mas gusto ko si Lea kaysa sayo! Oo Xian! Tomboy ako!
Magkaibigan kami ni Lea! Matagal na! Lahat nakukwento niya sa akin! Na gusto ka
niya! Na sana maging kayo! Kaya nakiusap siya sa akin na kung pwede ay maging
malapit ako sayo! Na pag nangyari yon, tsaka ako lalayo na parang walang
pakialam… Kaya ko ginawa yon, para siya ang biglang lumapit sayo. Na Makita mo
ang halaga niya nung panahong wala ako sa tabi mo. At kapag nangyari yon, pwede
ng maging kayo. Masakit, oo dahil ang babaeng mahal ko, isinuko ko sa katulad
mong hindi marunong ,mag sukli ng pagmamahal!

Xian: Alam mo Via, nilinlang niyo ko!

Via: Mahal ko si Lea! Wag kang mapanghusga!

Xian: Nilinlang nyo ko! Ngayong mas minahal kita kaysa kay Lea! Papano
na? Ha?! Via? Papano nako? Papano na tayo?!

Via: Papano na tayo? Kahit kailan ay walang tayo… At kahit kalian ay hindi
magiging tayo, Xian.

Xian: (tatawa) Ganon nalang? Ganon na lang kadali sayong bitawan ang
lahat, ha Via? Ipagpapalit mona lang yung pangarap natin dahil lang sa hindi ka
nagkakagusto sa lalaki?

Via: Hindi na mangyayari yon…


Xian: Mahal kita Via at alam kong mamahalin mo din ako…

Via: Hindi na kita pwede mahalin…

Xian: Pwede pa Via. Hindi pa naman huli ang lahat eh…

Via: Huli na ang lahat, Xian. Hindi na pupwede.

Xian: Mahal na mahal kita, Via…

Via: Kailanman, hindi na pwede! (maluha luha)

Xian: Ibig sabihin ba niyan ay nagkakagusto kana sa lalaki? Nagkakagusto


kana sa akin? (tatawa ng sarkastiko)

Via: Oo. Pero hindi na natin puwedeng ipagpatuloy…

Xian: Luluhod ako sa harapan ni Lea at makikiusap na layuan ka na niya.


Layuan niya na ako. Mas mahal kita Via higit pa sa kay Lea… Kaya sana, Makita mo
iyon. Hindi kayo pwede ni Lea dahil pareho kayong babae…

Via: Oo alam ko. Na kailanman ay hindi niya ko kayang mahalin.

Xian: Wala na kami ni Lea…

Via: At mas lalong hindi naging kami ni Lea.

Xian: So pwede na tayo?

Via: Hindi.

Xian: Ba…bakit, Hi…Hindi pa din pwede?

Via: Buntis si Lea. At ikaw ang ama.

(Biglang tumayo si Via at patakbong umiiyak. Naiwang tulala si Xian, habang


hindi makapaniwala)

You might also like