Professional Documents
Culture Documents
Mga Napapanahong Isyu
Mga Napapanahong Isyu
Mga Napapanahong Isyu
NAPAPANAHONG
ISYU
Group Members:
Ellyza Cortez
Nadine Kyla Alicuben
Kelly Joy De Guzman
Adrian Concha
Marnel Riniopa
Philip Escobar
Kenneth Domingo
Cyril Jade Mansibang
2. SOCIAL MEDIA
Maraming kabataan ngayon ay mayroon ng kanya- kanyang mga account sa iba’t ibang Social
Networking sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang iba. Kung mapapansin, marami ng
kumakalat na isyu na nagdudulot ng malaking epekto sa ating mga kabataan. Alam natin na mahirap solusyonan
ang problemang ito dahil hindi natin kayang pang-hawakan ang mga taong gumagamit nito dahil sa sobrang
dami. Isang problemang ating nakikita ay ang Cyber Bullying kung saan halos mga kabataan ang sangkot sa
isyung ito. Isa pang halibawa ang pagbebenta ng katawan para gawing negosyo. Halos ginagamit dito ang mga
kabataan. Malaki ang nagiging epekto nito sa atin, dahil nakakasira ito ng dignidad ng isang tao na maaaring
humantong sa hindi magandang pangyayari.
3. CHILD LABOR
“Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang katagang pinaniniwalaan ng marami sa ating kapwa Pilipino.Ngunit
ang katagang ring ito ang pinaninindigan ng iba sa ating mamamayan at nagdudulot upang ipagsakapalaran ang
kanilang mga anak sa maagang pagtratrabaho. Dahil sa kahirapan, napipilitan ang ilan sa mga kabataan na
maghanap buhay sa kabila ng kanilang murang edad. Maaaring sabihin na maganda ito dahil sa sahod na
kanilang naibibigay sa kanilang mga magulang ngunit ito rin ang dahilan upang magkaroon ng hindi gaanong
magandang kinabukasan ang kabataan dahil mas pinipili nila na bigyan ng halaga ang pagtratrabaho kaysa sa
pagpasok sa mga paaralan.
Ang Kawalang Trabaho ay nangyayari kapag ang mga mamamayan sa isang tiyak na lipunan ay
walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho. Ang unemployment rate nito ay isang sukat ng
pagiging laganap ng kawalang trabaho at kinukwenta bilang isang persentahe na hinahati ng bilang ng mga
indibidwal na walang trabaho ang lahat ng mga indbidwal na kasalukuyang nasa pwersang trabaho. Sa mga
panahon ng resesyon, ang ekonomiya ay karaniwang nakararanas ng isang relatibong mataas na rate ng
kawalang trabaho.
6. PAMBUBULAS (BULLYING)
Ang pambubulas o "bullying" sa ingles ay isang paraan ng panankit sa pisikal o emosyonal na parte ng
isang tao. Ilan sa mga bagay na maituturing na porma ng bullying ay pagsasagawa ng mga banta, pagkakalat ng
nakakasamang mga tsismis, pagasuntong pisikal at pasalita sa isang tao, at ang sadyang hindi pagsama o pagsali
sa isang tao sa isang grupo. May iba’t ibang tipo ang bullying. Nahahati ito sa pananalita, sosyal, at pisikal.
Masasabing pambubully ang pananalita kung tinatawag ang isang tao sa kung anu-anong pangalan (name
calling), pangaasar, ‘di tamang mga komentong may sekswal na konotasyon, pambubuska, at pagbabanta ng
pagsasagawa ng sakit. Sa kabilang banda ang social bullying naman ay: ang pagiwan sa isang tao ng sinasadya,
ang pagsasabi sa iba na huwag kaibiganin o pansinin ang binubully, pagkakalat ng mga mapanirang mga
komento o usapin, at pamamahiya ng lantaran.Habang ang pisikal na manipestasyon ng bullying ay makikita sa
mga sumusunod na gawain: panununtok, paninipa, pangungurot, pandudura, pamamatid, panunulak, pagsira ng
mga kagamitan ng isang tao, at paggagawa ng mga bastos na mga senyas. Para sa mga nakakaraming mga tao,
ang alam nila ay nagkakaroon ng bullying lamang sa loob at labas ng paaralan. Sa pagyabong ng teknolohiya,
ang bullying ay nasa internet na rin. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpopost ng mga malalaswang litrato o video,
pagkakalat ng mga kung anu-anong pangloloko, at walang tigil na panggugulo.