You are on page 1of 6

HI mga ka-taxpayers!

In this lecture we are going to discuss the General Principles of Taxation o yung
tinatawag din na Basic Principles.

Ang General Principles ay medyo mahaba, kaya ang gagawin natin ay i-didivide natin ang topic kada
lecture.

In this lecture ang ididiscuss natin ay Definition of Taxation, Inherent Powers of Taxation at ang Nature
of Taxation.

So let’s start.

Definition of Taxation

TAXATION – is the process (o proseso kasi dadaan po ito sa series of action na kailangan gawin para
maexercise ng government yung power to tax, hindi yung basta basta lang nangungulekta ng tax)

Again, taxation is the process by which the sovereign o yung tinatatawag na independent state o yung
Philippine Government, through its law making body (o yung congreso sa pilipinas), imposes burdens
(kapag sinabing imposes, ito yung pag papataw ng tax) so sino ba yung pinapatawan ng tax (sa pilipinas
may tatlo tayong pwedeng patawan o ma-subject sa tax) ito yung Person o yung tao whether natural
person o artificial person, sunod naman ay yung Property o mga ari-arian at ang huli ay Excise o yung
privilege o rights katulad ng privilege to earn, o privilege to donate. Pati narin yung mga transaction,
tulad ng pag bebenta)

Tatandaan lang na ang pwede lang patawan ng tax ay yung within jurisdiction o yung may mga
kinalaman lang dito sa pilipinas.

Eh bakit sya nag papataw ng tax? for the purpose of raising revenue, bakit? to carry out legitimate
objects of the government. So yung tax fund po yung ginagamit ni government para ma execute yung
mga projects nila.

So balikan natin yung definition of taxation, so taxation is the process kung saan ang ating gobyerno
through its law making body, the congress and the senate, ay nag papataw ng tax sa atin, sa mga ari-
arian, sa mga privilege o right pati na rin sa mga trasanction sa kanyang mga nasasakupan to raise
revenue para magamit sa mga legitimate objects ni Government.

Taxes is the enforced contributions levied by the law-making body of the state for the support of the
government and all the public needs.

Kung ang taxation ay process o proseso sa pagpapataw ng tax, ang tax naman ay yung halaga ng
naipataw. Ito na mismo yung halaga na binabayad natin sa gobyerno na gagamitin nila as fund to
support the government projects at sa public needs.

NEXT SLIDE
The next topic be the inherent powers of the estate.

So ano ba muna ang ibig sabihin ng inherent power? Ito yung power ng state na hindi na kailangan pang
I grant ng constitution. The moment na nag karoon ng isang sovereign state automatically meron na
silang ganitong power, kasi ito ay mga essential power o fundamental power na kailangan ng gobyerno.
That’s why even though wala ito sa constitution, the government can still exercise these powers.

So may tatlo tayong inherent power. Power of Taxation, Police Power and Power of Eminent Domain.

So isa-isahin natin, (next slide)

Una, Power of Taxation – the power which raises revenue for the expenses of the government. Ito yung
diniscuss natin kanina. So tatandaan lahat ng provisions na pwedeng Makita o mabasa sa constitution ay
mga limitations lang, hindi po grant power. Ano mang wala sa constitution ay pwedeng gawin ni
Taxation provided may batas o may law. Kung ano yung nasa constitution yun yung nag lilimit sa power
ni taxation.

Sunod naman ay ang Police Power - the power of promoting public welfare and regulating the use of
liberty and property.

In this power, si government ay nag establish at nag eenforce ng law to regulate the use of liberty o
kalayaan and property, kasi hindi lahat ay pwede nating gawin specially kung ito ay labag sa batas. Pero
bakit nga ba kailangan iregulate? To promote public safety and general welfare. Para maiwasan yung
kaguluhan sa ating bansa.

The last power is Power of Eminent domain - the power to acquire private property for public purpose
(ibig sabihin bibilhin ni Government yung property, icoconvert nya, for the benefit of the public) upon
payment of just compensation (yung just compensation ayaw yung tawag sa amount na ibabayad ni
government kay seller, ang amount po ay yung Fair value nung property)

Eh what if, hindi pumaya si individual person na ibenta yung property? Kapag ganun po ang nangyare
mag kakaroon po ng condemnation o dadaan po yan korte, kapag napatunayan ni Government that the
property is needed for public purpose, wala pong magagawa si individual person kundi ibenta talaga ang
property.

Next Slide

Next topic is the Similarities among the three inherent powers of the state.

1. They are inherent in the state.

So, It means kahit wala sa constitution, the government can still exercise these powers the moment na
nagkaroon ng independent state.
2. They exist independently of the constitution (So katulad ng sabi ko kanina, the Philippine Government
can exercise these powers kahit wala sa constitution) although the conditions for their exercise may be
prescribed by the constitutions (so for example, the power to tax, hindi naman nakalagay sa
constitution na the Philippine government shall have to power to tax, kasi hindi naman sya grant power.
Pero may mga provisions na pwede kang Makita o mabasa sa constitution, yun ay mga limitations
lamang, yun yung mga provisions na nag lilimit sa pag exercise ng power of taxation.

3. Ways by which the state interfere with private rights and property.

Ibig sabihin, paraan ito ng government may interfere o private rights and property natin. Katulad ng sa
taxation, yung sarili nating income or property tataxan ni government, Pag sa police power naman, nag
ooperate ka pla ng club na ooffer ng extra service, so si government may has the right para ipasara yung
business operation mo. Sa eminent domain naman ay, whether you like it or not, kung yung property ay
kailangan for public purpose ay dapat ibenta mo to kay government.

4. Legislative in nature and character.

Kahit na ito ay inherent powers, kailangan nasa batas parin ito bago ma exercise yung power. Eh sino ba
gumagawa ng laws o batas sa pilipinas? Edi yung mga nasa legislative branch of the government.

So, Kunwari sa power of taxation, gusto ma subject sa tax yung online seller, pwede mangyare yun kasi
the government has the grant power to tax, pero kung wala namang batas o laws na nagsasabi na dapat
I subject sa tax yung mga online seller hindi ma-eexercise yung power sa pag tax sa mga online seller. So
kung gusto ni BIR na maningil ng tax kay online seller, dapat mag enact muna sya ng law pertaining to
that.

5. Presuppose an equivalent compensation received, directly or indirectly, by the persons affected.

Ibig sabihin dapat may na received ka whether in money or in kind.

Katulad ng taxation, nag babayad ka ng tax in return si government gagawa ng projects na makakapag
benefit ka, katulad pag aayos ng mga kalsada o pag papatayo ng hospital.

Sa police naman, mine-maintain neto yung kaayusan sa bansa para maiwasan yung pagkakagulo.

Sa eminent naman, kapag kinuwa nila yung property mo may equivalent compensation kang makukuha
which is yung tinatawag na just compensation.

So that’s the similarities between the inherent powers of the state.

Next Slide

Kung kanina ay pagkakatulad nila, ngayon naman ay distinctions o differences o pag kakaiba iba nila.

Una, authority, so ang taxation at police power ay pwede lamang i-exercise ni government, kasi diba
imagine-nin mo yung classmate bigla kang siningil ng tax, o kaya bigla kang sinabihan you are under
arrest, hindi po yun, iba yun hahaha.
Sa eminent domain, may be granted to public utility company, for example yung kalsada, kakagawa lang
tapos binubungkal na ni maynilad para ayusin yung mga tubo ng tubig, so si maynilad may right sila o
pwede ma grant sa kanila yung pag exercise ng eminent domain, tatandaan lang na hindi basta bastang
kumpanya lang, dapat public service o public utility companies hindi private company.

Next is purpose, so na discuss na natin to,

Sa taxation, to support the government, pra may magamit si gobyerno sap ag exercise ng mga projects
nya.

Sa police naman, to promote gen. welfare and to maintain public safety.

Sa eminent domain, kukuha ng property, idedevelope for the benefit of the public.

Next is persons affected,

Sa taxation, lahat pwede ma subj sa tax whether person, property o excise o yung privilege rights o
transaction man yan.

Ganun din sa police power, all are subject to regulation. Kunwari si kit, nag bebenta sya ng drugs pero
dahil may kakilala na police hindi na sya huhulihin. Hindi pwede yun, hindi pwede mag favor sa isang
tao. Dapat it applies to all.

Sa eminent domain, eh ano baa ng eminent domain? Taking of private property. So kung sino yung pinag
bilhan ng property, sya lang yung affected. Ibig sabihin kay eminent domain individual person lang ang
affected.

Next slide

Next is effect

Sa tax the contribution becomes part of the public fund.

Sa police. No transfer or title, ibig sabihin pwede ka pag bawalan na gumamit ng property or pwede
mismo sirain yung goods na nakuha under exercising police power. Katulad yung sa customs, yung mga
illegal items, sinisira.

Sa eminent domain ay may transfer of title, kasi nga ina-acquire ni government yung private property.

Next is amount of impositions, kung mapapansin nyo Malaki ang nakalagay na peso sign, kasi sa tax wala
po limit. Unlimited po ang pwedeng iimposed na tax. pwede kang ma subj sa tax kahit magkano kunwari
1million or 100% ng income mo subject sa tax, pwede yun provided may batas o law.

Sa police power naman, maliit lang yung peso sign, kasi yung pwede lang naman masingil in exercising
the police power is yung sufficient lang to cover the cost of license or sa expenses sa exercise ng
regulation.

Sa eminent domain naman ay hindi nag iimposed o naniningil sa government, wala syang natatanggap
na pera dyan, sya pa nga nag nagbabayad kay individual person kapag binili nya yung property, ang
tawag po sa binayad nya ay just compensation.
Next slide

So lets proceed to the nature of taxation

1. Inherent attribute of sovereignty

So na discuss na natin to, kapag sinabing inherent ito yung mga powers na hindi na kailangan I-grant ng
constitution.

2. Legislative in character

Kanina sabi ko bago makapag exercise ng tax, dapat may batas muna.

Sa pilipinas ang gumagawa ng batas ay ang legislative branch of the government o yung congress

Ang congress po ay nahahati sa dalawa, upper house and lower house, ang upper house ay yung mga
senates while ang lower house ay yung mga house of representative.

Tatandaan, ang initiation o yung pag simula ng batas ay dapat manggaling sa lower house o yung mga
house of representatives, kasi sila yung mas malapit at mas mdaling takbuhan ng mga tao.

Para naman maging aprobahan yung batas na ginawa nila ay dapat majority sa upper and lower house
ang sumang ayon, so dapat majority vote.

So eto yung mga power ni legislative sa pag gawa ng batas sa tax,

Purpose of its levy (sila nagsasabi kung bakit or para saan yung impositions ng tax)

Amount or rate of tax (magkano o ilang percent yung tax)

Situs of taxation (situs o lugar na isusubjet sa tax)

Subject to be taxed (ano yung papatwan ng tax)

Method of collection (pano icocollect)

Apportionment of tax (pano i-aallocate yung tax)

Kinds of tax ( and lastly eh kung anong klaseng tax ba sya)

3. it is subject to constitutional and inherent limitation

So although inherent in nature ang taxation, hindi po sya absolute power. Ibig sabihin ang taxation po ay
subj sa limitation. So we have 2 types of limitation, inherent and constitutional limitations.

Yung constitutional limitations, ay yung mga bawal na makikita mismo sa constitutions.

Yung inherent limitation naman, ay mga limitations na hindi na nakasulat pa sa constitutions. Ito yung
mga bawal automatically sa taxation. Kunwari may asawa kna, tapos nambabae kappa, bawal yun. Hindi
na kailangan na sabihin pang bawal kang mambabae, kasi automatically dapat alam mong bawal yun. So
ganun ang inherent limitation.

You might also like