You are on page 1of 1

DUPAN, ALYSSA GEM L.

BAP-3A
BAYANING 3RD WORLD
Maraming gustong maging punto ang pelikula na ito ngunit may iisa lamang
silang layunin at yun ay makagawa ang mga pangunahing tauhan ng isang pelikula
tungkol sa pinaka-akmang nangyari sa pamumuhay ng ating pambansang bayani na si
Jose Rizal. Ang mga punto ay maaari nating maisummarize sa tatlo: una ay kung ano
ba talaga ang panig niya sa rebolusyon (panig sa rebolusyon o hindi), pangalawa ay
tungkol sa retraction system at pangatlo ang isyu tungkol sa kanilang dalawa ni
Josephine Bracken, kung totoo ba ang naging relasyon nila at kung totoo ba na sila ay
nagpakasal.
Sa simula ng pelikula, malinaw na ipalabas na si Rizal ay hindi sumasang-ayon
sa rebolusyon ngunit marami ang kumekwestyon sa kanyang katapangan. Ang unang
panig ay sinabe na hindi sya ganoon katapang dahil hindi nya kayang lumaban gamit
ang mga armas at ang pangalawang panig ay nagsabi na kaya siya lumaban gamit ang
kanyang mga ginawang kasulatan ay dahil hindi sya madali matukoy dahil dito.
Ang pangalawang isyu ay tungkol sa retraction system. Para sa akin ito ang
pinakakontrobersyal sa lahat dahil kailangan alamin kung totoo nga ba o hindi ang
pirma ni Jose Rizal sa sulat na ito. Para sa akin, mahirap talagang mapatunayan kung
totoo nga ba o hindi ang kasulatan na ito at hindi mawawala sa isip ng mga tao na
maaari nga itong hindi totoo dahil mahihirapan na makakuha ng ebidensya na ito ay
totoo.
Ang pangatlong isyu ay sa pagitan ni Jose Rizal at Josephine Bracken. Sinasabe
na sila ay nagpakasal, ngunit mahirap patunayan kung ito ay totoo o hindi. At sinasabe
din na sila ay nagkaroon ng anak ngunit namatay kaagad pagkapanganak pa lamang.
Para sa akin, kasal o hindi, hindi maipagkakait na nagkaroon talaga ng ugnayan sa
kanilang dalawa.
Ang pelikula na ito ay nagbukas ng aking mga mata na halos wala pa tayong
alam tungkol sa tinatawag natin na pambansang bayani. Madami pang tanong na
walang sagot at madami pang isyu na di naisasara. Si Jose Rizal nga ang ating
pambansang bayani, ngunit sya din ay tao na nagkakamali tulad natin. Nagkataon lang
na mas malaking patong sa kanyang balikat ang pagiging isang bayani ng ating bansa.

You might also like