You are on page 1of 2

GAWAIN #2

I. Panuto: Salungguhitan ang wastong gamit na salita batay sa mga


sumusunod na pahayag.
1. Habang siya ay nagsasalita, ang kaniyang kaibigan ay tawa ( ng, nang )
tawa.
2. Ely, pakisara mo nga ang ( pinto, pintuan ).
3. ( May, Mayroon ) ba nga akong pag-asa sa’yo?
4. Hindi ( kita, kata ) makakalimutan.
5. Makulay na ipinagdiwang ( ng, nang ) mga Pilipino ang araw ng kalayaan.
6. Para kay Nica, si D.O ang pinakaguwapo ( daw, raw ) sa lahat.
7. Isang araw, makakalimutan ( din, rin ) kita.
8. Kilalang tao ( doon, roon ) sa Europa ang kaniyang kaibigan.
9. Si Vern ay pupuna sa konsyerto ( kong, kung ) meron siyang pera.
10.Nagmamadaling inakyat ni Kim ang ( hagdan, hagdanan ).
11. ( Ooperahin, Ooperahan ) ang kaliwang paa ng kaniyang kaibigan.
12. ( Walisin, Walisan ) mo nga Christian ang mga kalat sa inyong bakuran.
13. Pumunta siya noong Linggo sa SM para ( magbili, bumili ) ng tiket sa
konsyerto.
14.Hindi siya nakapasok sa paaralan ( dahil sa, dahilan ) malakas ang ulan.
15.Si Jun ay ( taga- , tiga- ) Marikina.
16. ( Iniwan, Iniwanan ) ni Jin ng bubble tea si Jenny bago siya umalis.
17. Kumuha ( ng, nang ) isang basong tubig si Lay para kay Mark.
18. Nagmamadaling maghugas si Jackson kaya ( binasag, nabasag ) niya
ang mga plato.
19. ( Subukin, Subukan ) mo nga kung ano ang ginagawa ng bata sa likod-
bahay.
20. ( Sundin, Sundan ) mo si JB, baka maligaw siya.

You might also like