You are on page 1of 2

Disenyong Solusyon

Sa ating kasalukuyang panahon ang ating mundo ay humaharap sa isang matinding pandemya
dahil sa isang bayrus na kung tawaging “Novel Corona Virus” sa maiiksing tawag “COVID19”. Halos
milyon-milyong tao narin ang natamaan neto kaya’t ang departomento ng pang-kalusugan ang umaakay
at lumalaban sa problemang ito. Gumalaw nadin ang ating lider ng bansa at nagsagawa ng miting upang
bumuo ng grupo ng mga tao upang susuugpo sa pagkalat at gumawa ng isang batas upang magkaroon
ng solusyon at guidelines na dapat sundin ng sa maaring ikabagal nito ang pagkalat ng bayrus. Dahil ang
bayrus ay mabilis at madaling kumalat, hindi na ma-kontrol ang pagdami nito at nagkukuubusan na sa
mga silid na pagamutan at nagkulang narin sa mga nars at doktor. Kaya’t ang mga arkitekto at inhinyero
ay napasubok sa hamon at sumama sa laban upang solusyunan ang problemang ikinihaharap ng ating
departomentong pangkalusugan sa pamamgitan ng pagdisenyo at pagtayo ng mga istraktural na
pasilidad.

Sa angking abilidad ng mga arkitekto at inhinyero ang kanilang gampanin ay disenyo at mag tayo
ng ng mga istraktural na pasilidad na angkop sa mga nasaad na “Safety Measurements” ng mabigyan
solusyon ang pagkakulang sa espayo sa mga silid-pagamutan. Dito nasusubok ang kakayahan ng mga
arkitekto at inhenyero kung paano sila gagawa ng disenyong solusyon dahil lamang basta-basta ang
paggawa ng isang pasilidad. May mga dapat silang sundin na “Safety Measurements” at solusyon upang
magamit ito ng maayos ng mga pasyente at manggagamot. Ang Disenyong solusyon ng mga arkitekto at
inhinyero sa pagdidisenyo at paggawa ng pasilidad nan aka batay sa mga gagamit nito. Ang bawat sulok
ng disenyo ay may karampatang gamit upang makatulong sa gagamit. Ang disenyo ng solusyon ay
nakabatay rin sa kung paano nito mababago ang damdamin ng mga gagamit nito kung ang pasilidad ba
ay nakakapagbigay pagasa sa mga pasyente at komportable bang nakakapagtrabaho ang mga nars at
doctor.

Kaya’t Bilang estudyante na nangangarap maging arkitekto, nais ko silang maging inspirasyon sa
akin, nais kong makamit ang kanilang abilidad na gumawa ng disenyon na nakakapagbigay solusyon at
nakakatutulong sa mga tao na gagamit at maapektuhan nito. Nais kung matuto sa kanila kung paano ang
kanilang pamamaraan o Teknik sa paggawa ng mga disenyo na karamptang gamit. Gusto ko maglinkod
sa tao saan man sa sulok ng mundo. Nais kung gumawa at mag-iwan ng marka sa larangan ng arkitekto.
At balang araw makakamit ko rin iyon. Gaya nga sa kasabihan sa ingles ni Moshie Safdie “Architecture
affects the lives of People directly. It comes with extra ordinary responsibility” Ang pagiging arkitekto ay
may malaking gampanin sa tao pamamagitan ng pagdisenyo.
1.Nars - Nurse
2.Doktor - Doctor

3.Bayrus - Virus

4.Pandemya - Pandemic

5.Departomento - Department

6.Problema - Problem

7.Kontrol - Control

8.Istraktural - Structural

9.Pasilidad - Facility

10.Abilidad - Ability

11.Espasyo/Espays – Space

12.Estudyante - Student

13.Inspirasyon - Inspiration

14.Arkitekto - Architect

15. Inhinyero – Engineer

16. Disenyo – Design

17. Solusyon – Solution

18. Kasabihan – Saying

19. Marka – mark

20. Lider – Leader

21. Miting – meeting

You might also like