You are on page 1of 2

EPEKTO NG BAGYO

Mga Gusali at Iba pang Imprastraktura


Ang bagyo ay nagdudulot ng pinsala sa imprastraktura sa dalawang paraan: sa
pamamagitan ng direktang puwersa at sa mga projectile na natatangay ng hangin.
Ang direktang puwersa ay nagaganap tuwing ang bugso ng hangin ay sumalpok sa
istruktura at ng nagdulot ng pagkasira tulad ng pagkatanggal ng bubong sa tahanan.
Ang hangin ay nakakasira din sa pamamagitan ng pagtatangay ng mga sangay ng
puno, tipak ng mga nasirang gusali, at iba pang debris sa imprastraktura.
Ang mabigat at patuloy na pag-ulan ay nagdadala din ng nakapipinsalang epekto.
Maliban sa pagsira ng mga tahanan, ito ay nagdudulot ng pagbaha na
nakakahadlang sa pagsagip at pagtulong sa mga stranded dahil hindi madaanan ang
mga kalsada dulot ng baha.
Puno at mga Halaman
Ang bagyo ay nakasisira ng puno at halaman, kasama na rin ang agrikultura na
inaasahan ng mga tao bilang hanapbuhay at pangkain. Ang malalakas na hangin ay
nakakaputol ng sangay ng puno at nakakasira ng dahon, bunga, at bulaklak pati na
rin ang pagbunot ng mga puno mula sa lupa.
Ang pagbaha ay nagdudulot ng pagkalunod ng halaman dahil masyado marami ang
tubig sa lupa. Ang pagkamatay ng halaman ay maaaring dulot din ng pagkahalo ng
tubig alat sa lupain tuwing nagkakaroon ng mga storm surge.
Sasakyang Pandagat at mga Operasyong Pandagat
Ang mga manggagawang nasa sasakyang pandaga o nagsasagawa ng operasyon
tulad ng mga Oil Rigs ay hindi lamang nakararanas ng matinding ulan at hangin
kundi malalaking alon at delikadong kalagayan sa tubig.
Pamumuhay at Kabuhayan
Ang nakapipinsalang epekto ng bagyo ay nakakaaapekto – at minsang kumukuha–
sa buhay ng tao at hayop. Ito ay direktang nangyayari sa pamamagitan ng tatangay
na tipak ng mga gusali o sa mga gumuguhong istraktura, nakakapatay rin sa mga
naaapektuhan ng bagyo ay ang kakulangan ng pangangailangan na maaaring dulot
ng pagkasira ng supply ng pagkain at ibang pang supply sa pagbaha at nagdadala
ng sakit. Sa mga pamayanang naputulan ng komunikasyon, ang mga indibidwal
mahihirapan makakuha ng kailangan na medikal na atensyon at maaaring
makaranas din ng taggutom kung hindi sila nakapaghanda ng kailangan.

You might also like