You are on page 1of 1

Ang patuloy na pagbabago bago ng klima na nararanasan ay nagbubunga ng samo’t

saring kaganapan sa mundo tulad ng mga bagyo, pagbaha, landslide o pagguho ng lupa at kung
ano ano pa, na di naiiwasan dahil sa patuloy na pagdumi ng ating mundo, gawa ng mga polusyon
sa hangin, lupa at tubig. At para masolusyunan ang polusyon sa hangin, lupa, at tubig, dapat
higpitan ang mga planta at pabrika na nagbubuga ng usok na nakakapagpadumi ng hangin, dapat
maging disiplinado ang mga tao sa paggkuha ng mga likas na yaman ng bansa o ang pagmimina,
magtanim ng mas marami pang puno para mapigilan ang mga baha at landslide, tigilan ang
pagtatapon ng mga bagay na makakasira sa mga anyong tubig, magkaroon ng sapat na tapunan
para sa mga ito. Disiplina sa sarili at sa mga yaman ng bansa ang kailangan, pangangalaga sa
ating mundo ang nararapat na gawin , at ang mga ito ang mas magiging tamang solusyon para sa
isyung kinahaharap ng ating mundo para di na humantong sa patuloy na pagkasira nito.

You might also like