You are on page 1of 1

“Climate Change”

Climate Change ay isa sa mga problema ng mundo na halos sobrang tagal na


at lalong lumalala at lumalala. Ang unang epekto ng Climate Change at ang
pag taas ng sea level dahil sa mga natunaw na mga yelo sa North at South
pole. Pinangangambahan ang paglubog ng ibang mga bansa sa mundo dahil
rito. Ang iba pang dulot nito ay ang pagkamatay ng mga Coral reefs dahil den
sa sobrang init o dahil sa Global Warming kase ang mga Coral reefs ay madali
na mamatay. Kaya kung sobrang init nakakadulot ito ng pagkamatay ng Coral
Reefs. Iba pang dulot ng Climate Change ay ang El nino o Pagka tuyo ng lupa
sa ibang mga bansa sa mundo at dito rin sa Pilipinas. Malaki ang epekto ng
nito sa atin dahil sa pananim tayo umaasa ng ating makakain sa pang araw-
araw. Kaya kung tuyo ang lupa ang mga pananim ay mamatay at mawawalan
ng supply ang palengke ng mga pagkain kaya napipilitan silang magpataas ng
presyo ng mga bilihin at humihina ang pag-lago ng ekonomiya ng ating bansa
at iba pang mga bansa sa mundo.

Para maiwasan ang Climate Change ay kailangan nating mag tanim ng


maraming puno para maiwasang magka landslide at dapat ang basura natin ay
wag itapon kung saan-saan at iwasan din ang pag sunog ng mga plastik dahil
nag dudulot ito ng unti-unting pagkanipis ng ating Ozone Layer. Kunin ang
mga nabarang mga basura sa mga kanal dahil nag dudulot ng polusyon sa
tubig at fish kill o pagkamatay ng mga isda. Iwasan ang paggamit ng dinamita
sa pangingisda dahil na sisira din nito ang Coral reefs. Ibang mga pabrika ay
nag lalabas ng tinatawag na toxic oil namag dudulot ng polusyon sa tubig
Water Polution. Ang mga pabrikang namang mga usok ay sobrang dumi or
sobrang itim dapat ay ipatigil o babalaan na ang dulot ng kanilang ginagawa ay
napaka delikado sa kalusugan ng mga tao. Dahil ang mga usok na ito ay
maaaring magdulot ng Air Polution ang mga bunga ng polusyon sa hangin ay
Asthma, Heart diseases o problema sa puso, Skin Diseases o mga kati-kati sa
katawan at pagkamatay ng mga ibong nakakalanghap ng hangin mula sa mga
pabrikang ito.

Magagawa natin lahat ng ito sa pamamagitan ng pagtulong-tulong ng mga


mamayan ng isang bansa pati narin sa buong mundo. Kailangan ng
Pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya para ang mga epekto ng climate change
ay hinde lumala pa or ang epekto ay hinde na grabe sa atin. Kung ang Climate
Change ay lumala pa ng lumala baka pagsisihan den natin sa huli ang lahat
dahil tao den ang sanhi nito at dapat tao den ang tatapos. Palaging tandaan
“Ang mundo ay ingatan para sa maayos na kinabukasan”.

You might also like