You are on page 1of 15

Seksyon: Castellani A Pangkat: Unang Pangkat Petsa: Setyembre 11, 2020

PROJECT SUMPAY:
SERBISYONG TELEKONSULTA AT PAGPAPALAGANAP NG KAMALAYAN
BILANG SUPORTA AT TUGON SA PANGANGAILANGAN SA KALUSUGANG
PANGKAISIPAN SA GITNA NG PANDEMYA NG MGA MAMAMAYAN NG
LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO CITY

Isang Panukalang Proyekto


Iniharap sa Kagawaran ng Filipino
Senior High School
Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Bahaging Bahaging Katuparan sa


Pangangailangan ng Asignaturang Filipino sa Piling Larangan
Unang Semestre
T.P. 2020-2021

AJO, LEAN ELOISE G.


ALORRO, ARSHEIN ALEXIS
BAGUIO, STALIN GABRIEL G.
DOMINGO, DARAH KATE
GAMOLO, JUDE MICHAEL REY D.
ISIDRO, STEPHANIE MARIE T.
JR. MACAUYAG, FIDEL HUSSEIN
ROJAS, FERDINAND MIGUEL
TABILIRAN, JONAH NATIVIDAD Y.
SOMO, IZABELLE REANNE N.
TACBAS, LANCE ARAM LEI R.

SETYEMBRE, 2020
TALAAN NG NILALAMAN

I. Abstrak
II. Konteksto
III. Katwiran ng Proyekto
Pagpapahayag ng Suliranin
Prayoridad na Pangangailangan
Interbensyon
Mga-iimplementang Organisasyon
IV. Layunin
V. Target na Benepisyaryo
VI. Implementasyon ng Proyekto
Iskedyul
Badyet
Pagmonitor at Ebalwasyon
Pangasiwaan at Tauhan
VII. Mga Lakip
Mga Liham
Dokyumentasyon
Memorandum of Agreement
I. ABSTRAK
Ang panukalang proyektong ito na para sa pagbibigay ng serbisyong telekonsulta at
pagpapalaganap ng kamalayan bilang suporta at tugon sa pangangailangan sa kalusugang
pangkaisipan ng mga mamamayan ng lungsod ng Cagayan de Oro City sa gitna ng pandemya ay
may tiyak na layuning maging “sumpay” o tulay na kokonekta sa pagitan ng mga kagay-anon
na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugang pangkaisipan at mga institusyong
makatutulong sa kanila sa pamamagitan ng telekonsulta hinggil sa suliraning kanilang hinaharap
sa gitna ng ng Covid-19 pandemic. Layunin din ng organisasyong nagpapanukala na
magpalaganap ng mga impormasyong makapupukaw sa kamalayan (awareness) ng mga kagay-
anon hinggil sa usaping mental health at maiwaksi na ang stigma na nakakabit sa nasabing
usapin. Kaagapay ng organisasyong nagpapanukala ang Philippine Mental Health Association
Hotline Cagayan de Oro, Misamis Oriental Chapter at Northern Mindanao Medical Center
Psychiatry Department sa paglulunsad ng proyekto. Ang pangkalahatang operasyon ay
pagtutulungang patakbuhin ng lahat ng kasapi ng organisasyong nagpapanukala ayon sa kanilang
designasyon. May kabuuang badyet itong Php 37, 488 na ilalaan para sa mga kagamitang
kakaialanganin at professional fee ng mga iimbitihang mga ispiker para sa mga online talks at
webinars. Magsisimula ang proyekto sa unang linggo ng Nobyembre hanggang sa huling linggo
ng Mayo. Ngunit kung hihingin ng panahon at sitwasyon ay maaaring mas palawigin ang
iskedyul ng implementasyon ng proyekto.

II. KONTEKSTO
Sa nakalipas na buwan simula noong nag-lockdown sa Cayagan de Oro ng dahil sa
Covid-19 ay mas tumaas ang porsyento ng mga taong nakakaranas ng anxiety at depression. Ang
suicide ay nangyayari lamang kapag ang tao ay nakakaranas ng kabiguan, kalungkutan, at
nakakaramdam ng pag-iisa. Ayon kay Suba-an(2020), may 102 na report na suicide cases sa
Northern Mindanao mula Enero hanggang Agosto. Dagdag pa niya, na ang sanhi nito ay maaring
dahil sa pandemya o di kaya’y sa kanikanilang mga problema. Lalo na ngayon na lockdown sa
maraming lugar at limitado lamang ang maaaring gawin ng mga tao, ito ay isa sa mga dahilan na
nag-dudulot sa kanila na mag isip ng mga bagay-bagay.

Simula noong mas dumami ang kaso ng mga taong nahawa sa virus ay mas tumaas rin
ang bilang ng mga taong tumatawag sa mga “Hopeline Hotline” o yung mga grupo ng tao na
handang tumulong sa mga taong nakakaranas ng anxiety at depression. Madami na ang mga
organisasyo na tumatangap ng mga tagaw na handang makinig sa mga taong may
pinagdadaraanan ngunit sa Cagayan de Oro kakaunti pa lamang ang bilang na naitatag na
organisasyon na mayroong suicide hotline.

Ang pagtatag ng interbensyon para sa mental health at psychosocial ay importante lalo na


sa nangyayaring krisis na nararanasan ng buong bansa na nakaka-apekto sa bawat mamamayan
lalo na sa Cagayan de Oro City. Ang “City Social Welfare and Development” ay naka-record ng
pitong kaso ng suicide mula noong ika-1 ng Marso hanggang ika-1 ng Mayo at para hindi na
madagdagan ang kaso, ipinatupad ni Dr.Ian Gonzales, isang medical officer sa Department of
Health sa Rehiyon 10 ang “DOH Normin Kumusta Ka”. Isang hotline kung saan tumatanggap ng
tawag galing sa mga taong nakakaranas at nakakaramdam ng di maganda. Inaasahan ng nabuong
samahan na mapatupad ang kanilang proyekto upang makadagdag tulong sa mamamayanan.

III. KATWIRAN NG PROYEKTO

Pagpapahayag ng Suliranin
Nang magsimulang kumalat ang nakakahawang virus na Covid-19, isinailalim ang buong
Pilipinas sa total lockdown kung saan kailangang manatili lamang ang lahat sa kanilang mga
tahanan upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng nasabing virus. Dahil dito ay marami ang
nawalan ng kabuhayan at mapagkakakitaan lalo na yaong mga nasa laylayang umaasa lamang sa
kanilang mga trabaho upang makaraos sa araw-araw. Nariyan din ang mga tao at kalimita’y mga
kabataang may mental health problems gaya ng depression at anxiety na ‘natitrigger’ ng
sitwasyong dala ng pandemya. Dahil sa stress at iba’t ibang mga hamong dala ng
inimplementang lockdown marami sa mga kababayan natin partikular na rito sa Cagayan de Oro
ang nagdurusa at marami na rin ang humantong sa suicide o pagpapakamatay. Hindi masyadong
napag-uusapan ang ganitong mga isyu at hindi halos maipaalam ng isang Pilipinong indibidwal
ag kaniyang kondisyon dahil sa stigma na “pag-iinarte” lamang ang pagkakaroon ng mental
health problems. Kaya nama’y mas kinakailangan ng mga mamamayang may problema sa
kanilang kalusugang pangkaisipan ang magkaroon ng madaling malapitan o matawagang mga
mental health professionals upang sila’y magabayan at matulungan lalo na sa panahon ng isang
pandemya.

Prayoridad na Pangangailangan
Ang pandaigdigang pandemiya ay lumikha ng isang malalim na epekto sa buhay ng mga
indibidwal partikular na sa kalusugan ng isip. Mahalaga para sa atin na magkaroon ng kamalayan
kung ano ang importansya at mga impormasyong ating magagamit upang malaman natin at
mabigyan ng importansiya ang sakit sa kaisipan lalong-lalo na sa panahon ng pandemikong ito
sapagkat hindi lamang nito natutulungan ang mga tao na mapagtanto ang maraming mga paraan
kung papaano mahipo ang sakit sa pag-iisip sa kanilang buhay, ngunit nagbibigay din ito ng pag-
asa sa kanila na hindi sila nagiisa at mayroon silang karamay sa kanilang pinag-dadaanan.
Magagamit ang serbisyo at ang pagadbokasiya upang matuklasan ang mga iba’t-ibang paraan
upang maitaguyod at mabigyan ng mas mataas na suporta at pansin ang isyung tatalakayin ukol
sa importansiya sa kalusugan ng isip sapagkat ito ay hindi masyadong binibigyan ng malaking
importansya at masasabing "taboo" pa rin sa ating bansa.
Interbensyon
Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga susunod na paraan:
a. Pakikipagtulungan sa Philippine Mental Health Association Misamis Oriental
Chapter at Northern Mindanao Medical Center Psychiatry Department para
maisakatuparan ang proyekto.
b. Pagbuo ng website at mga social media pages na maaaring ma-akses ng mga tao lalo
na ng mga mamamayan ng Cagayan de Oro batay sa nakasaad sa target na
benepisyaryo
c. Paglulunsad ng Telekonsulta kaagapay ang PMHA CDO Mis. Or Chapter at pagkuha
ng mga propesyonal na ispiker mula NMMC Psychiatry Department
d. Pangangasiwa ng kabuuang operasyon gamit ang kaalaman bilang mga estudyante at
mga kakayanan at kasanayan bilang Ateneans para sa tagumpay ng proyekto at
pagkamit ng mga layunin nito
Ang mga interbensyon ay napagdesisyonan batay sa mga suhestiyon ng mga kabataang
mulat sa realidad ng mga isyung pangkalusugang mental sa gitna ng pandemya. Makatutulong
ang mga hakbang na gagawin upang maibsan ang bigat na dinadala ng ating mga kapwa kagay-
anon sa gitna ng krisis na ito. Ang mga hakbang na ito’y sanligan ng aming mithiing maging
“sumpay” sa gitna ng ating mga kapwang nangangailangan ng serbisyo at mga institusyong may
kaparehong layunin na bigyan ng atensyon at pangalagaan ang kalusugang mental ng mga tao.

Mag-iimplementang Organisasyon
Ang Samahan ng mga Estudyante sa Sikolohiya ng Unibersidad ng Xavier (SESUX) ang
pinakaangkop na organisasyong magsasagawa ng proyekto sapagkat sila ay may kaalaman ukol
sa suliranin at may mga karanasan at kasanayan nang nahubog bilang mga estudyanteng
kumukuha ng kursong Sikolohiya. Batay sa masusing pagpili sa mga kaagapay na magsasagawa
ng proyekto, masasabing may lubos na kakayahan ang mga ito upang maisakatuparan ang
pagbibigay ng mga serbisyo at pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa kalusugang mental o
pangkaisipan. Ang Philippine Mental Health Association Hotline CDO, Mis. Or Chapter ay may
mga tauhang propesyonal na may lisensiya at kapasidad na tumugon sa telekonsulta. Gayon din,
pipili ng mga mahuhusay na mga psychiatrist mula NMMC Psychiatry Department upang
maging ispiker sa loob ng ilang buwan ng operasyon ng proyekto. Tiyak na magiging
makahulugan at makabuluhan ang mga sesyong magaganap sapagkat ang mga kukuning ispiker
ay may malawak na kaalaman tungkol sa suliranin.
IV. LAYUNIN
Layunin ng panukalang proyektong ito na maging “sumpay” o tulay na kokonekta sa
pagitan ng mga kagay-anon na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugang pangkaisipan at
mga institusyong makatutulong sa kanila sa pamamagitan ng telekonsulta hinggil sa suliraning
kanilang hinaharap sa gitna ng ng Covid-19 pandemic. Layunin din ng organisasyong
nagpapanukala na magpalaganap ng mga impormasyong makapupukaw sa kamalayan
(awareness) ng mga kagay-anon hinggil sa usaping mental health at maiwaksi na ang stigma na
nakakabit sa nasabing usapin.
Tiyak na layunin nito ang sumusunod:
a) Makipagtulungan sa Philippine Mental Health Association Hotline CDO, Mis. Or.
Chapter para sa pagbibigay ng libreng telekonsulta sa mga lalapit na nangangailangan ng
tulong na nasasaklaw ng interbensyon.
b) Magpalaganap ng mga impormasyong may kredibilidad at kabuluhan tungkol sa
kalusugang mental lalo na sa gitna ng isang pandemya
c) Tuluyang mawaksi ang stigma
d) Pababain at tuluyang wakasan ang pagdami ng kaso ng mga nagpapakamatay sa lungsod
dahil sa mga problemang dala ng pandemya at pag-atake ng mga existing nilang
problema sa pag-iisip

V. TARGET NA BENEPISYARYO
Ang pangunahing mga makikinabang sa proyektong ito ay yaong mga kagay-anon, sa
anumang edad, kasarian, at estado sa buhay na dumaranas ng stress at iba pang mga mental na
problemang dala ng Covid-19 pandemic. Maaaring problema dahil sa pinansiyal na mga
pagsubok, maaari ring sa pag-aaral, pamilya, trabaho, atbp. Saklaw rin ng target na benepisyaryo
ang mga mamamayan sa buong Pilipinas na makakapag-akses sa mga website at pages ng
organisasyon kung saan ‘ipo-post’ ang mga impormasyon na kailangang malaman ng mga tao
upang sila’y maging mulat na rin sa mga usaping hinggil sa kalusugang pangkaisipan at mga
isyung nasasaklaw nito. Sa kabuuan, target ng proyekto ang humigit kumulang 60% ng
kabuuang populasyon ng mga tao sa Cagayan de Oro City. Ang bahagdang ito’y binubuo ng mga
may edad 17 hanggang 55 taong gulang.
VI. IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO
Iskedyul
Badyet
Alokasyon
Pagmonitor at Ebalwasyon
Ang aktwal na paglulunsad ng proyekto ay mangyayari sa unang linggo ng Nobyembre
ng kasalukuyang taon. Magiging bukas ang mga website at pages na bubuin ng organisasyon
para sa publiko lalo na sa target na mga benepisyaryo ng proyekto. Ang mga website at pages na
ito ang magsisilbing tulay sa pagitan ng mga mamamayang nais makatamo ng serbisyo at mga
institusyong kaagapay. Ang pagmonitor at pag-evaluate ay gagawin ng punong tagapangasiwa
ng nagpapanukalang organisasyon kasama na ang mga partikular na tauhan mula sa mga
kaagapay na institusyon. Magsasagawa rin ng online survey sa pamamagitan ng mga polls at
google forms survey kada kalagitnaan ng buwan upang mamonitor ang mga pangangailangan ng
mga benepisyaryo at marespondehan ng organisasyon. Gagawin ang ebalwasyon kada katapusan
ng bawat buwan sa pamamagitan ng pagpupulong sa Zoom o Google Meet. Dito tatalakayin ang
mga naging tagumpay ng proyekto, kung gaano ito naging epiktibo, at mga kahinaang
kailangang patibayin. Magiging bukas ang ebalwasyon sa lahat kritisismo at suhestiyong
makapagpapabuti sa mga operasyon ng proyekto.

Pangasiwaan at Tauhan
Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng proyektong ito:

PANGALAN DESIGNASYON RESPONSIBILIDAD


Stephanie Marie T. Isidro Pinuno ng Proyekto Pinunong tagapag-organisa,
tagapangasiwa, at tagapag-aproba
ng anumang kakailanganin para
sa proyekto. Saklaw din ng
kaniyang tungkulin ang
pangasiwaan ang website at
pages ng organisasyon.
Jude Michael Rey D. Gamolo Project Associate Kasama sa pag-organisa,
pangangasiwa, at pag-abroba ng
anumang kakailanganin para sa
proyekto. Saklaw din ng
kaniyang tungkulin ang makipag-
ugnayan sa mga kaagapay na
institusyon at paghahanap ng mga
isponsor na maaaring sumuporta
sa proyekto.
Arshein Alexis Alorro Kalihim Pagtatala at pagsasaayos ng
iskedyul ng organisasyon at
pagsusulat ng mga
mapagpupulungan. Tungkulin rin
niyang ingatan at gumawa ng
mga papeles at dokumentong
mga kakailangin para sa
proyekto.
Darah Kate Domingo Komunikasyon Pakikipag-ugnayan sa mga
kaagapay na mga institusyon at
pangangasiwa sa mga social
media pages na ilulunsad ng
organisasyon.
Izabelle Reanne N. Somo Dokumentaryo Pagkuha ng mga litrato at
pagtatala ng mga naging
aktibidad ng organisasyon.
Lean Eloise B. Ajo Editor Pagbuo ng website at paggawa ng
mga malikhaing mga
infographics at posters na ipopost
sa website at pages. Tungkulin
din niyang panatilihing
napapanahon ang disenyo at
pormat ng mga ipapalabas.
Jonah Natividad Y. Tabiliran Editor Pagbuo ng website at paggawa ng
mga malikhaing mga
infographics at posters na ipopost
sa website at pages. Kasama sa
kaniyang responsibilidad ang
gumawa ng mga video at
malikhaing mga materyales.
Tungkulin din niyang
panatilihing napapanahon ang
disenyo at pormat ng mga
ipapalabas.
Stalin Gabriel G. Baguio Pinansyal Pangangasiwa sa pinansyal na
mga gawain para sa proyekto.
Saklaw ng kaniyang
responsibilidad ang pagbabadyet
at pag-iingat sa pondo.
Lance Aram Lei R. Tacbas Pinansyal Pangangasiwa sa pinansyal na
mga gawain para sa proyekto.
Saklaw ng kaniyang
responsibilidad ang pagbabadyet,
pagbili ng mga kakailanganin, at
pag-iingat sa pondo.
Fidel Hussein Macauyag Jr. Teknikal Pag-troubleshoot sa mga
problemang teknikal na
kakaharapin sa paglulunsad ng
proyekto. Saklaw ng kaniyang
tungkulin ang pag-uupdate sa
software at ano pa mang teknikal
na mga bagay.
Ferdinand Miguel Rojas Teknikal Pag-troubleshoot sa mga
problemang teknikal na
kakaharapin sa paglulunsad ng
proyekto. Saklaw ng kaniyang
tungkulin ang pag-uupdate sa
software at ano pa mang teknikal
na mga bagay.

MGA LAKIP
Liham:
PARTNERSHIP-PROPOSAL-ATTACHMENT.pdf

Dokumentasyon:
DOCUMENTATION_ATTACHMENT.pdf

MOA:
MOA_ATTACHMENT.pdf

You might also like