You are on page 1of 15

Ang

BAGONG
TIPAN
Nagbigay Wakas Ba o
Sumira Sa Kautusan
At Ng Mga Propeta?

1
Unit 205, 7648 CityLand Dela Rosa, Dela Rosa St. Makati City
Email:sharingvillageone@yahoo.com
Ipinapamahagi sa pakikipagtulungan ng Church of God at Imus City, Cavite
183 Greenfield Subdivision Bayan Luma II, Imus City, Cavite

2
M
araming mangangaral ng Bibliya sa kasalukuyan ang nagtuturo
sa mga tao na ang pagdating ng Panginoong Hesu-Kristo sa
ating mundo ay may layuning ipawalang bisa ang mga Kautusan
na ibinigay sa pamamagitan ni Moises at ng mga propeta
kasama ang kabuuan ng Sampung Utos, upang palitan ng bagong mga
Kautusan.

Ang isa sa mga patibay na ginagamit nila ay mula sa Heb.8:13. Sa


talatang ito sinasabi:

“Isang Bagong Tipan, ay niluma Niya ang una. Datapuwa’t ang


nagiging luma at tumatanda ay malapit nang lumipas.”

Ang isa pa na ginagamit na katibayan ay sa Roma 6:14,

“Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo,


sapagkat wala na kayo sa ilalim ng Kautusan, kundi sa ilalim ng
biyaya (grace).”

Bago natin pag usapan ang mga patibay na wala nang bisa ang Lumang
Tipan, ang mga Kautusan ni Moises at ng mga propeta, kasama ang
kabuuan ng Sampung Utos, alamin muna natin mula sa Banal na
Kasulatan, kung ano ang sinasabi ni HesuKristo tungkol sa kanyang mga
layunin sa Kautusan:

“Huwag ninyong isipin Ako’y naparito upang sirain ang Kautusan o


ang mga propeta, Ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang
ganapin” (Mateo 5:17).

3
Kung maliwanag na sinabi ni HesuKristo siya’y naparito hindi upang sirain
o ipawalang bisa ang Kautusan, bakit marami ang nagsasabi na
pinawalang bisa Niya ito? Malinaw na sinabi ni HesuKristo na naparito
Siya upang ganapin ito at hindi sirain.

Ang salitang “ganapin” ay “to fulfill” sa wikang Ingles. Sa wikang Tagalog


ang ganapin ay gawin o tuparin, at sa wikang Griyego ay “pleroo”. Hindi
ibig sabihin ng salitang “ganapin” ay magbigay wakas. Ang pakahulugang
ito ay sinasangayonan sa Isaias 42:21 na sinasabi:

“Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kanyang katuwiran, na


dakilain ang Kautusan at gawing marangal.”

Pansinin na ito ay isang propesiya o pagpapahayag sa mga bagay na


magaganap patungkok sa mga gawain na gagampanan ni HesuKristo.

Ang ibig sabihin ng salitang dakilain (“megas” sa Griyego) sa salitang


Ingles ay “to magnify” “to enlarge” o “to make great.” Sa malinaw na
kahulugan sa salitang Filipino ay palawakin, pahalagahan o bigyan ng
kahalagahan. Kaya maling pagpapakahulugan kung ang ating
pagkaunawa sa salitang “ganapin” ay wakasan.

Suriin nating mabuti ang mga sumunod na pagdidiing pakahulugan ni


HesuKristo.

“Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa


mangawala ang langit
at lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa ano mang paraan ay
hindi mawawala
sa Kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay”
(Mateo 5:18).

Malinaw ang sinasabi na mawawala ang langit at lupa sapagkat


magkakaroon ng bagong langit at lupa. “…at sa bagong langit at lupa ay
mananatili ang Kautusan.” (II Pedro 3:10, 13).

“Kaya’t sinumang sumuway sa isa sa kaliit-liitang mga utos na ito,


at ituro ang gayon sa mga tao ay tatawaging kaliit-liitan sa
kaharian ng langit. Datapuwa’t ang sino mang gumanap at ituro,
ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit” (Mateo 5:19).

Ang Mga Turo ni Pablo Ba Ay May Pagkakasalungatan?


4
“Ano nga ang ating sasabihin, magpapatuloy ba tayo sa
pagkakasala (breaking the law) upang ang biyaya ay
makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayo’y mga patay na
sa pagkakasala (dahil sa paglabag sa Kautusan). Papaano pa
tayong mabubuhay nga roon?” (Basahin ang Roma 6:1-21).

Ang isang tunay na nagbalik-loob sa Panginoong Diyos ay kinakailangan


na hindi muling lumabag sa Kautusan. Samakatuwid ang Kautusan ay
hindi nagwakas sa kamatayan ni HesuKristo. Kung ang Kautusan ay
lumipas na noong mga nakaraang panahon at hindi na kailangan pa sa
mga mananampalataya sa Bagong Tipan, bakit sinabi ni Pablo na, “Kaya
nga ang Kautusan ay banal at ang mga utos ay banal, at matuwid at
mabuti” (Roma 7:12) at “ang Kautusan ay espiritual” (v.14). Pansinin na
ang tinutukoy na kautusan ni Pablo ay ang Lumang Tipan.

Ano Ang Lumang Tipan (o ‘Old Covenant’)?

Ang sabi ni Pablo tungkol sa kasulatan ng Lumang Tipan, “Doon sa


sinasabi Niya, isang Bagong tipan, ay niluma Niya ang una. Datapuwa’t
ang nagiging luma ay tumatanda at malapit nang lumipas” (Hebreo 8:13).

Upang maunawaan ito ng lubos, kailangan masagot natin ang mga


sumusunod na katanungan: Bakit si HesuKristo ay dumating bilang
Kinatawan (Messenger) ng Bagong Tipan? Ano ang mga pagkakamali sa
Unang Tipan? Ito ba ay may depekto o kasiraan? Nagkamali ba ang
Panginoong Diyos? Ang lumang Tipan ba ay mabagsik, malupit o
napakahigpit? Ang mga salansang batas nito ba ay magulo o masalimuot
na napakahirap na pasanin lalo na sa mga mahihirap?

Ang “tipan” (contract) ayon sa ating diksyunaryo ay [1] kasunduan


(compact) sa pagitan ng dalawang tao o mga grupo tungkol sa mga dapat
gawin na mga bagay. [2] batas (law), maayos na kasunduan na naaayon o
alinsunod sa batas lalo na kung ito ay may legal na tatak o selyo.

Tanong: ano ang pagkakaiba ng tipan sa batas? Ang kahulugan ng


salitang “tipan” ay kasunduan at hindi batas. Ang “batas” ay tumutukoy sa
mga saligan o alintuntunin sa pagtupad ng isang kasunduan.

Ang Panginoong Diyos ay nag-alok o nagmungkahi sa pagitan ng kanyang


sarili at ng sangkatauhan. Ang tipan ay isang kasunduan tungkol sa isang
tungkulin o pananagutan na dapat gawin o ‘di dapat gawin. Ang tipan ay
5
isang maayos na kasunduan tungkol sa mga pagsasagawa o pagtupad
nito. Ang Lumang Tipan ay may dalawang bahagi, ang pag-aalok at
pagsang-ayon. Kung ang tao ay sumang-ayon, ang Panginoong Diyos ay
tutuparin ito, kung ang tao ay lumabag sa kasunduan, ang Panginoong
Diyos ay walang sagutin o pananagutan. Nakapaloob sa Kasunduang
(Tipan) ito ay ang mga biyaya at sumpa.

Ang Sampung Kautusan samakatuwid ay ang bumubuo ng batayan o


saligan ng Kasunduan (Tipan). Ang mga Kautusan na bahagi ng
kasunduan na dapat tuparin ng Israel ay mababasa sa Deuteronomio
5:6, 15 at ang mga pangako ay sa Deuteronomio 28:1-14. Ang mga
sumpa sa hindi pagtupad sa kasunduan ay mababasa sa Deuteronomio
28:15-44. Kaya naman, sa bawat pagsuway o paglabag natin sa isang
Kasunduan, ito nababatay ayon sa pag-sira o paglabag sa Kautusan.

Ang Tipan Na Walang Hanggan

Ang tipan sa Exo.19:5-6 na pinaiingatan sa isang bayan (o ‘banal na


bayan’) ng Panginoong Diyos ay ang Tipan na Walang Hanggan na
nagmula pa kay Abraham. “At aking pagtitibayin ang Aking Tipan sa iyo at
sa iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila na Tipang walang
hanggan na Ako’y iyong magiging Diyos at ng iyong binhi pagkamatay mo.
At ibibigay Ko sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo ang mga lupaing
iyong pinaglakbayan. Ang buong lupain ng Canaan, para sa pag-aaring
walang hanggan at Ako ang magiging Diyos nila” (Genesis 17:7-8).

Mapapansin na ang tipan na ginawa sa lugar ng Horeb ay bukod sa tipan


na ginawa sa Moab (Deuteronomio 29:1). Apatnapung taon (v.5) ang
nakaraan mula nang pumasok sila sa ‘tipan ng mga handog’ (Exodo 24:4-
8) sa paanan ng bundok Sinai. Pagkatapos na masakop nila ang kaharian
ni Sehon at ni Og (Deuteronomio 29:7-8), sila ay pumasok sa isa na
namang tipan sa lupain ng Moab, upang mula sa araw na iyo ay itatatag
sila na bayan ng Banal na Diyos at Siya ang kanilang Panginoong Diyos,
gaya ng isinumpa Niya kay Abraham (Deuteronomio 29:12-13).

Maraming tipan ang ginawa noon ang Banal na Diyos sa Israel. “Na
pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop at ang kaluwalhatian
at ang mga tipan at ang pagbigay ng mga Kautusan at ang paglilingkod sa
Diyos at mga kapangakuan” (Roma 9:4). Ang mga Tipan na ginamitan ng
dugo ng hayop (Exodo 24:4-7), kasama na rito ang iba pang handog na
harina (o tinapay) na ginamitan ng asin ay tinatawag din na tipan. Sa

6
Levitico 2:13, ito ay tinatawag na ‘asin ng tipan’. (“And every sacrifice will
be seasoned with salt”. –Marcos 9:49; Ezekiel 43:24).

Ang mga naganap sa unang pagdating ng Mesiyas ay pinatibay Niya ang


Tipan na Bago sa pamamagitan ng Kanyang dugo. “Sapagkat ito ang
Aking dugo ng Tipan na nabubuhos dahil sa marami at ikapapatawad ng
kasalanan.”(Mateo 26:28) “at sa kalahati ng sanglinggo Kanyang ipatitigil
ang handog at iaalay” (Daniel 9:27) Bakit? Sapagkat ayaw na ng
Panginoong Diyos ng mga handog patungkol sa kasalanan at pinalitan ng
handog ni HesuKristo. Ang Tipan na mga handog na hayop ang siyang
malinaw na pinalitan ng Bagong Tipan na pinagtibay ng dugo ni
HesuKristo (Hebreo 10:4-7).

“Inyong susundin ang Aking tinig at inyong isasagawa ayon sa


lahat ng iniuutos Ko sa inyo, sa gayo’y magiging bayan Ko kayo at
Ako’y inyong magiging Diyos” (Jeremias 11:4).

Hindi sapat na sabihing “Ang Panginoon ang aking Diyos” kundi mayroon
kang batas na susundin bilang katunayan na Siya nga ang iyong
Panginoong Diyos at kikilalanin ka rin Niya.

“Ang sinomang nananahan sa kaniya (Diyos) ay hindi


nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya,
ni hindi man nakakilala sa kanya” (I Juan 3:6).

Ang pagkakaroon ng ibang mga diyos ay pagsira sa Tipan. (Jeremias


11:10)

“Sapagkat ang sino mang gumanap ng buong Kautusan at gayon


man ay natisod o nadapa (stumbled) sa isa ay nagiging
makasalanan (guilty) sa lahat.” (Santiago 2:10).

Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon;


sapagka’t kanilang sinalansang ang Kautusan at Tipan. (Isaias 24:5)

Ang Sampung Utos ay bahagi ng walang hanggang Tipan. Ito ay upang


maingatan ang Tipan na Walang Hanggan at ang Relasyon na Walang
Hanggan na ang Panginoon ang kanilang Diyos at ang mga tao ang
Kanyang Bayan.

“At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa luklukan na


nagsasabi, narito, ang Tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao at
7
Siya’y mananahan sa kanila at sila’y bayan Niya, at ang Diyos din
ay nasa kanila at magiging Diyos nila” (Pahayag 21:3,
Deuteronomio 26:17-19, Deuteronomio 29:12-13).

Ang Unang Tipan At Ang Bagong Tipan

Sa Lumang Tipan o Unang Tipan ang sistema ng pagsamba ay pisikal. Sa


pisikal na tabernakulo ay may dalang mga handog o hain na dugo ng
hayop. Sa unang tabernakulo ay may alituntunin tungkol sa laman at ang
mga tumutupad sa mga katungkulan ay mga Saserdote. Subalit sa
ikalawang tabernakulo ay pumapasok na nag-iisa ang dakilang Saserdote,
minsan isang taon na may dalang dugo na inihahandog na patungkol sa
Kanyang sarili at sa kamalian ng mga bayan (Hebreo 9:1-10).

“Ngunit pagdating ni Kristo na higit na Dakilang Saserdote ng


mabubuting bagay na darating sa pamamagitan ng lalong malaki
at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay,
samakatuwid baga’y hindi sa paglalang na ito” (Hebreo 9:11). “Si
Kristo ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan” (Hebreo 9:15).

Ang Unang Tipan na naging luma:

“Doon sa sinasabi Niya, isang Bagong Tipan, niluma Niya ang


una. Datapuwa’t ang nagiging luma at tumatanda ay malapit nang
lumipas” (Hebreo 8:13). Kaya’t ang una mang tipan ay hindi
itinalaga nang walang dugo. Sapagkat nang salitain ni Moises ang
bawat utos sa buong bayan ayon sa Kautusan, ay kumuha siya ng
dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing at may tubig at
balahibong mapula ng tupa, isopo at winisikan ang aklat at gayon
din ang buong bayan, na sinasabi, “ito ang dugo ng tipan na
iniutos ng Diyos tungkol sa inyo” (Hebreo 9:18-20, Exodo 24:4,6-
8).

Sa Bagong Tipan ang pagsamba ay espiritual na.

“Ang ating mga katawan ang ating ihaharap na haing buhay sa


pamamagitan ng ‘di pakikiayon sa sanlibutang ito o lipunan at
magbago ng pag-iisip at tuwina ay magsuri sa sarili” (Roma 12:1-
3).

“Sambahin ang Diyos sa espiritu sapagkat ang Diyos ay Espiritu”


(Juan 4:24).
8
Samakatuwid, nagkaroon ng ikalawang tipan o Bagong Tipan sapagkat
nagkaroon ng kakulangan sa mga tao dahil sa mga paglabag nito (Hebreo
8:7-8). Sa mga paglabag na ito, ang dugo ng baka at ng mga kambing ay
hindi sapat upang makapag-aalis ng kasalanan. Ang mga hain na ito ay
ginagawa lamang bilang pag-alaala sa mga kasalanan taun-taon. Ito ay
isang uri ng pagdidisiplina (Hebreo 10:3-4). Kung susuriin, ang mga
Kautusan sa paghahandog ay mabigat gawin sa araw-araw at taun-taon (I
Samuel 1:3).

“Subalit ang pagsunod sa Kautusan (Sampung Utos) ay tanglaw at


liwanag” (Kawikaan 6:23). Ito ay hindi mabigat o mahirap (I Juan 5:3). Ito
ay kaaaliwan (Mga Awit 119:77). Ang mga Kautusan sa paghahandog ay
idinagdag (“added law”) dahil sa paglabag sa mga Kautusan (Sampung
Utos) at nagsisilbing tagapagturo (ang mga handog) sa tao upang ihatid
sila kay HesuKristo.

Ang tunay na Handog ay ang katawan ni HesuKristo para sa katubusan ng


mga kasalanan ng tao (Galacia 3:19,24). Ang pagtuturo sa katubusan sa
mga kasalanan ay sa pamamagitan ba ng mga handog na hayop?

“At dahil dito’y Siya ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan upang


sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng
mga pagsalangsang na nasa ilalim ng Unang Tipan, ang mga
tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang
hanggan” (Hebreo 9:15).

“Upang matubos Niya (Kristo) ang mga nasa ilalim ng Kautusan,


upang matanggap natin ang pagkukupkop bilang mga anak”
(Galacia 4:5).

”Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo


sapagkat wala na kayo sa ilalim ng Kautusan, kundi sa ilalim ng
biyaya” (Roma 6:14).

Ang pagtubos ni HesuKristo sa tao sa mga kasalanan ang nagpapaalis sa


tao sa “ilalim ng Kautusan”. Mapapansin, na hindi sinasabi na wala na
tayo sa Kautusan, kundi wala na tayo sa ilalim ng [kaparusahan ng
paglabag] sa Kautusan. Wala rin sinabi na wala na ang Kautusan.

9
“Sa sumpa ng Kautusan ay tinubos tayo ni Kristo, na naging
sumpa sa ganang atin; sapagkat nasusulat, sinusumpa ang bawat
binibitay sa punong kahoy” (Galacia 3:13).

“Sapagkat ang lahat na sa mga gawang ayon sa Kautusan ay


nasa ilalim ng sumpa, sapagkat nasusulat; sinusumpa ang bawat
hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng
Kautusan upang gawin nila” (Galacia 3:10).

Tinubos tayo ni HesuKristo sa lahat ng mga kasamaan at walang


kabuluhang paraan ng pamumuhay (Titus 2:14; I Pedro 1:18-19). Ang
mga tradisyon at salit-saling sabi ay paglabag sa Kautusan at nasa ilalim
ng sumpa ng Kautusan (Mateo 15:3,6).

Ang pagtubos ay biyaya ng Panginoong Diyos; “na hindi dahil sa mga


gawa sa katuwiran na sarili nating gawa, kundi ayon sa kanyang kaawaan
ay Kanyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling
kapanganakan at pagbabago ng Espiritu Santo” (Titus 3:5).

Ang pagtubos ng Banal na Diyos ay dahil sa Kanyang habag at awa, hindi


dahil sa mga mabubuti nating gawa. Ang katubusan ay sa sumpang
kamatayan, samakatuwid tayo nga ay sumasailalim na ng biyaya (“under
grace”).

Si HesuKristo ay naging lingkod ng mga Hudyo upang ipakilala na tapat


ang Panginoong Diyos sa Kanyang mga pangako sa mga patriyarka. At
ang mga Hentil nama’y magpuri sa Panginoong Diyos dahil sa Kanyang
habag (Roma 15:7-12).

Ang mga Hentil na nakapasok sa Bagong Tipan na sumasampalataya kay


HesuKristo ay isinanib sa mabuting puno ng olibo [Israel na
sumasampalataya, idinugtong ang sanga ng olibong ligaw (Hentil)] upang
makabahagi sa dagta ng punong kumakandili. Ang Kautusan para sa
Israel at ng Hentil ay iisa (Roma 11:17, 24-25).

Pag-ibig, Pagtupad Sa Kautusan

Ang una hanggang sa ika-apat na Kautusan ay nauukol sa pag-ibig sa


Panginoong Diyos. Ang lima hanggang sampu ay ang pag-ibig sa kapuwa.

“At sinabi sa kanila, ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang


buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-
10
iisip mo. Ito ang dakila at pangunahing Utos. At ang pangalawang
katulad ay ito, ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang Utos na ito’y nauuwi ang buong Kautusan at ng mga
propeta” (Mateo 22:37,40).

Ang salitang nauuwi ay “hang” sa King James Version na ang ganap na


kahulugan ay “nananangan”, “nananatili” o “nakahawak”. Sa unang dakila
at pangunahing Kautusan, at sa pangalawang Kautusan, ay nananangan,
nananatili o nakahawak ang buong Kautusan. At ang pag-ibig ay
mahalagang sangkap sa pagtupad sa Kautusan. Malinaw na ang pag-ibig
ay hindi pangpalit sa Kautusan.

Paano ipinahayag ni HesuKristo ang turo tungkol sa pag-ibig sa


Panginoong Diyos? “Ang may taglay ng Aking mga Utos at tinutupad ang
mga iyon ay siyang umiibig sa Akin. At ang umiibig sa Akin ay iibigin ng
Aking Ama at siya’y iibigin Ko at Ako’y magpapakilala sa kanya” (Juan
14:21).

Ang pag-ibig kay HesuKristo ay pagtupad sa Kanyang Utos. Ganyan din


ang pag-ibig sa Panginoong Diyos ay pagtupad sa Kanyang mga Utos.

”Sapagkat ito ang pag-ibig sa Diyos na ating tuparin ang Kanyang


mga Utos at ang Kanyang mga Utos ay hindi mabibigat” (1 Juan
5:3).

Mababasa sa Deuteronomio 30:16 na ang pag-ibig sa Panginoon mong


Diyos ay hindi lamang ang pagsunod sa Kanyang mga Utos
(commandments). May mga nakasabit pa na batas (statutes) at may mga
kahatulan na bahagi rin ng Kautusan na lumakad sa Kanyang mga daan
(Deuteronomio 32:4; Pahayag1 15:3; 2 Samuel 22:3). Ang mga batas
(statutes) na tinutukoy ay matatagpuan sa kabuuan ng Levitico 18:1-30.
Ang tinutukoy na “kahubaran” sa Levitico 18 ay “nakedness” sa wikang
Ingles. Ang malinaw na kahulugan nito ay pagsisiping, pakikipagtalik o
seksuwal na relasyon. (Basahin ang “Magandang Balita Biblia” ukol sa
malinaw na paliwanag o pagpapahayag.)

Ang halimbawa ng pagpapahayag ay ganito sa “Aking Biblia”: “Ang


kahubaran ng iyong ama o ang kahubaran ng iyong ina ay huwag mong
ililitaw;siya’y iyong ina;huwag mong ililitaw ang kahubaran niya” (Levitico
18:7).

11
Sa “Magandang Balita Bibliya” ay ganito ang pagkasalin: “Huwag mong
sisipingan ang iyong ina, iyan ay pagyurak o pagpupugay sa puri ng iyong
ama. Ang iyong ina ay di mo dapat halayin” Levitico 18:7).

Ang iba pang mga alituntunin ay matatagpuan sa Levitico 19:11-18;


Deuteronomio 19;9-16 at Deuteronomio 22:1-30. Ang mga kahulugan
ay matatagpuan sa Deuteronomio 13:11-10; Deuteronomio 24:1-4;
Roma 6:23 at Pahayag 20:14.

Paano Naman Ang Pag-ibig Sa Kapuwa


Tulad Sa Iyong Sarili?

“Huwag kayong magkaka-utang ng ano pa man kanino man,


maliban na sa mangag-ibigan kayo; sapagkat ang umiibig sa
kanyang kapuwa’y nakaganap na ng Kautusan. Ang mga Utos
gaya ng Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay,
Huwag Kang magnanakaw, Huwag kang mananangkin (maling
paghangad) at kung mayroon pang ibang Utos ay nauuwi sa
salitang ito, samakatuwid baga’y ibigin mo ang iyong kapuwa na
tulad ng iyong sarili. Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama
sa kanyang kapuwa. Ang pagibig nga ay ang siyang katuparan ng
Kautusan” (Roma 13:8-10; Levitico 19:18; Galacia 5:14).

“Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan. Ang sino mang


napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao at nalalaman
ninyong sino mang mamamatay tao ay hindi pinanahanan ng
buhay na walang hanggan” (I Juan 3:14,15).

Ang pag-ibig sa kapuwa maging sa kaaway ay hindi naghihintay ng ano


mang kapalit (Lucas 6:31-36). Ang pag-ibig sa kapuwa ay hindi
nagkukunsinti. Ang isang tao na ayaw gumawa ay huwag magsikain (2
Tesalonica 3:6-10).

“At kapag gagapas kayo ng mga uhay sa inyong lupain ay huwag


ninyong pagagapas ang mga sulok ng inyong bukid, ‘ni huwag
ninyong pamulutan ang inyong lupang ginapasan. At huwag
ninyong sisimutin ang inyong ubasan, ‘ni huwag ninyong pupulutin
ang bungang nahulog sa inyong ubasan; sa dukha at sa mga taga
ibang bayan, pabayaan ninyo: Ako ang Panginoon ninyong Diyos”
(Levitico 19:9-10, Ruth 2:15,16)

12
Bakit pa iiwan at hindi na lang anihin o ipaani ng may-ari ng lupa at ibigay
sa mga mahihirap? Bakit ang mga nangangailangan pa ang kailangang
pumulot? Sapagkat isa sa mga bahagi ng batas (statutes) at kahatulan ay
ang huwag maging tamad.

”Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad


ay mananatiling alila” (Kawikaan 12:24).

Ano sa madaling salita ang pag-ibig sa kapwa na tulad ng iyong sarili? “At
kung ano ang gusto ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gayon din ang
gawin ninyo sa kanila” (Lucas 6:31). (Basahin ang kabuuan ng Lucas
6:27-36) Ang pagpapahiram at hindi umaasa ng ano mang kabayaran
(v.35).

“Ang pag-ibig sa kapuwa ay matiyaga o mapagtiis, matulungin,


magandang loob, hindi nananaghili o naiinggit, hindi nagmamapuri
sa kanyang sariling kalagayan o hindi mayabang, hindi
mapagmataas sa sariling kalagayan, may galang sa kapuwa, hindi
bastos o magaspang ang pag-uugali, hindi maramot o hindi sakim,
hindi madaling magalit, hindi nagtatanim ng galit sa sarili at ng galit
sa kapuwa, hindi ikinatutuwa ang gawang masama ngunit
nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata,
mapagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.”

(Basahin ang kabuuan ng I Mga Taga-Corinto 1-7). Ang pag-ibig


ang siyang katuparan ng Kautusan (Roma 13:10).

Ano Ang Layunin Ng Bagong Tipan?

Pinagtitibay ni HesuKristo sa loob ng bagong tipan ang Banal na Tipan, na


una nang ipinangako ng Diyos kay Abraham (Lucas 1:72-73; Roma
15:8). Si HesuKristo rin ang naging Tagapamagitan sa mga pagsuway at
kasalanan na nasa ilalim ng Unang Tipan upang magsitanggap at
makamtan ang walang hanggang pagpapala, mga pangakong ibinigay
kay Abraham (Hebreo 9:15).

Ang sumpa ang naging bunga ng paglabag sa Sampung Utos o salita ng


Tipan (Jeremias 11:13; Deuteronomio 29:21). Si HesuKristo ang
katubusan sa sumpa ng Kautusan (Galacia 11:14). Sa pamamagitan ng
kamatayan ni HesuKristo, nabuong muli ang kaugnayan ng Panginoong
Diyos sa Israel.

13
Upang mapatawad ang mga makasalanan, dapat magsisi at magbago ang
kaisipan, at lumakad ayon sa mga Kautusan (Roma 5:10). Ang mga
pangako sa pag-iingat sa tipan na walang hanggan ay nakapaloob din sa
Bagong Tipan (Genesis 17:7-8; I Pedro 2:9; Ezekiel 37:24-28; Hebreo
11:8-10,16, 39-40).

Ang Tipan na walang hanggan ay napagtibay sa pamamagitan ng


kamatayan ni Hesukristo. Ang kaugnayan ng Banal na Diyos sa tao ay
pinagtibay na ang Banal na Diyos ang magiging Panginoon ng mga tao at
sila’y magiging bayan ng Panginoong Diyos. Ang katuparan nito ay sa
pamamagitan ng pakikinig at pagsunod natin sa salita ng Tipan o
“Sampung Utos” (Jeremias 11:14; Hebreo 8:10; 10:16).

Ang salita ng Tipan ay ang Sampung Utos (Exodo 34:28). Ang Sampung
Utos ay bahagi o nasa loob ng Tipan na Walang Hangganan.
Samakatuwid ang mga ito’y patuloy na umiiral hangang ngayon.

14
Mga Sanggunian (References):

1] King James Version (KJV)


2] New International Version (NIV)
3] Magandang Balita Biblia
4] Ang Biblia

Ang lathalaing ito ay maaaring kopyahin at


ipamahagi ng libre at hangga’t hindi binabago
ang nilalaman o ang orihinal na layunin ng may-
akda.

Unit 205, 7648 CityLand Dela Rosa, Dela Rosa St. Makati City
Email:sharingvillageone@yahoo.com

15

You might also like