You are on page 1of 1

Christian O.

Hernandez Takdang Aralin sa Filipino


An11

Zsa Zsa Zaturnnah

1. Salin
- Ang mga salin sa ingles ay hindi akma sa mismong sinasabi ng mga karakter sa palabas.
Kagaya ng salitang "bakla", ang salin sa ingles ay faggot na malala ang emosyonal na dating
pero hindi naman talaga ganon yung nais iparating ng nagsalita. Kumbaga, ang mga salin ay
masyadong sobra sobra (OA) ang dating. Meron ding mga salin na malayo ang ibig sabihin sa
mismong sinabi ng karakter.

2. Animasyon
- Sobrang ganda ng mga animasyon na ginamit. Hinde mo aakalain na ito ay ginawa noong 2006.
Nahigitan nito ang mga ekspektasyon ko dahil maganda ang mga animasyon, ito ay
kapanipaniwala pati kung tutuusin, mas maganda pa ang mga animasyon na ginamit dito sa
pelikulang ito kaysa sa mga pelikula na nilalabas ngayon. Wala man lang pagbabago o
pagpapabuti sa animasyon. Hindi naman ito ganun kapani-paniwala talaga na di mo aakalaing
animasyon o effects pero nalampasan nito ang inaasahang mga animasyon nung taon na iyon.

3. Pangkalahatang Dating
- Maganda ang pelikula, maganda ang plot, maganda ang effects o animasyon. Bilang isang
kabuuan, ito ay isang pelikulang dapat panuorin ng mga tao. Madaming isyus ang pasok at
pinagusapan sa hangganan ng buong pelikula. Isa na rito ang hindi tamang pagtrato sa mga
kababaihan. At tsaka, ang ikatlong kasarian. Meron ding mga nakakatuwang parte ng pelikula,
pero inaasahan na yun sa isang comedy film. Napakaganda din ng mga orihinal na kantang
ginamit. Ang pagpapakita nila ng mga musical number ay mahusay. Sa pangkalahatan, dapat ito
ay panuorin at pag-aralan sapagkat madaming leksyon ang matututunan mula dito sa pelikulang
ito.

You might also like