You are on page 1of 1

Fk:Filipino na siyang pinagmulan

Pagkakaisa ng bawat tao sa ating lipunan


Pinagbubuklod ng isang wika
Buong puso at isip sa bawat isa

Hannah: Mahirap gawin kung iisipin


Pagsasalita at pagpapakita ng tunay na damdamin
Umibig man at manalig sa banyaga
Ngunit wag lilimutin ang sariling wika

Fk:Malango na sa mabango't dayong pananalita


Ngunit wag na WAG ISASANLA ANG DIWA MONG MALAYA
Ang wika ko ay wika nating malikhain
May hiwaga ng gunita pag hinukay ay malalim

Hannah:Wika ang siyang kaluluwa


At kasarinlan nitong diwa
Yaong bukambibig ng dila
Ang mga sandatang salita.

Hindi na maitatanggi
Samu't-saring wika ng ibang lahi
Ngayon, ang siyang pinipili
Wikang Filipino ang mananatiling natatangi

Iba't-ibang pag-ibig
Na may iisang himig
At ang pulsong siyang pinipintig
Wikang Filipino na sa puso mo ay umantig

Bicolano, pangasinense maging ilokano


Mga diyalektong kinagisnan ng mga Pilipino
Tagalog, waray-waray kapampangan
Ituturing na yaman ng ating bayan

Niluman man ng panahon


Ngunit mananatiling bangka na siyang mag-aahon
Siya ang magpapalakad sa mga pilay.
Pilay na hindi makapagsalita dahil sa takot, na mawalan sila ng buhay
Gagawa ang wika ng paraan para makakita ang mga bulag, susuungin niya ang madilim
na daan patungo sa maliwanag na kinabukasan.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba wikang katutubo ay naging isa.


Namumukod tangi sa lahat ng mga letra at salita
Isang melodiya ng katotohanan
Na ilalayo tayo sa kasinungalian
At ililigtas tayo sa mundo ng kamangmangan.

You might also like