You are on page 1of 1

Ang natutunan ko sa:

a. Unang pangkat ay tungkol sa iskrip at storyboard kung saan ang dalawang elemento
na ito ay importante sa pagsisimula ng paggawa ng pelikula. Nakasaad doon na ang
iskrip ay maituturing na pinakakaluluwa ng proseso sapagkat dito nakasaad ang lahat
ng mangyayari. Sa tulong rin ng storyboard na gumagabay sa daloy ng kwento at
naglalarawan ng mga eksena, magiging matagumpay ang pelikula.
b. Sa ikalawang pangkat naman ang kasuotan o kostyum at meyk-ap na mahalaga sa
pagbibigay buhay at kulay ng pelikula sa kabuuan. Nadiskubre ko ang iba’t ibang uri
ng paglalagay ng meyk-ap gayundin ang kahalagahan ng pagpili ng angkop na
kasuotan para sa mga gumaganap. Bukod pa rito, may prosesong sinusunod sa
pagbuo ng disenyo ng mga damit ng karakter na kailangang isaalang-alang hindi
lamang ng mga tiga disenyo pati na rin ng direktor, scriptwriter at make-up artists.
c. Ikatlong pangkat ay tumatalakay sa dalawang uri ng lokasyon kung saan gaganapin
ang shooting ng mga eksena sa pelikula. Maari itong shooting sa mismong lokasyon
o di kaya’y shooting gamit ng special effects. Sa pagpili ng lokasyon, mahalagang
isaalang-alang ang maraming aspeto tulad ng panahon, badyet, kaligirang aspeto at
marami pang iba.
d. ikaapat na pangkat ay tungkol sa pagrerekord ng musika at pagsasama-sama ng
tunog kung saan ang parehong element ay inilalapat sa pelikula upang maging
malinaw ang mensahe at maramdaman pa lalo ng mga manonood and damdaming
ipinapahiwatig ng eksena. Nakasaad sa kanilang ulat na maraming bagay ang
kailangan isaalang-alang rito tulad ng kakayahan ng isang eksperto sa paglalapat ng
tunog, ang tinatawag na sound engineer, maging ng mga mang-aawit at manunugtog.
e. ikalimang pangkat, ang panghuling grupo, ay nakapokus sa paggamit ng animation
at pag-iedit bilang panghuling proseso sa paggawa ng pelikula. Nakasaad doon na
ang animation ay mga larawang minamanipula upang magmukhang gumagalaw.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya mas marami na ang gumagawa ng mga ganitong
uri dahil may mga angkop na mga kagamitan ang maaring magamit kumpara noon.
Panghuli, ang pag-i-edit kung saan ang lahat ng nakunang eksena ay ipinagdugtong-
dugtong upang mabuo ang pelikula. Sa hakbang na ito, inilalagay lahat ng elemento
ng pelikula tulad ng musika, tunog, transisyon, kulay, at marami pang iba.

You might also like