You are on page 1of 1

“Kahapon, Ngayon, at Bukas”

“Noong isilang ka sa mundong ito,


Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw.

At ang nanay at tatay mo,


‘Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.”

Ang mga bersong ito ay mula sa kantang “Anak” na kinatha ni Freddie Aguilar na
naglalahad kung gaano kamahal ng mga magulang ang kanilang mga anak. Tunay na hindi
madaling magpalaki ng anak sapagkat ang mga magulang ay nagsasakripisyo ng kanilang oras at
pagod upang maalagaan at mapalaki ang anak. Sa kabila nito, hindi alintana ng mga magulang
ang kanilang paghihirap makita lamang na ang kanilang anak ay lumaki at maging isang
mabutiing tao.

Kung ako’y magbubulay-bulay sa aking kabataan, pati na rin sa kasalukuyan, buong puso
kong masasabi na pinalaki ako ng aking mga magulang na may lubos na pagmamahal at pag-
aaruga sapagkat naaalala ko pa mula sa aking mga karanasan, mabuti man o hindi, sila’y
naroroon upang bigyan ako ng suporta at gabay. Pinalaki rin ako sa isang tahanan kung saan
mararamdaman mo ang kasiyahan, pagtutulungan at respeto sa isa’t isa. Tinuruan akong
maging responsable, magkaroon ng kasarinlan at may tiwala sa sarili.

Lahat ng kanilang ginawa ay may malaking gampanin sa paghubog kung sino ako
ngayon. Kung hindi dahil sa paniniwala nila sa aking mga talento, sa palagay ko’y hindi ko rin
matutuklasan at mapapaunlad ang aking mga kakayahan bilang isang indibidwal. Malaki ang
aking pasasalamat sa Diyos na ako’y mayroong mga magulang na katulad nila. Sila ay palaging
nasa tabi ko sa kahit anumang landas na aking tinatahak, mula sa tagumpay , kabiguan, mga
kasiyahan at mga pagsusubok na hinaharap ko, at alam kong papatnubayan rin nila ako sa
kinabukasan.

Magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat mayroon tayong mga magulang na nagmahal,


nagmamahal, at magmamahal sa atin kahapon, ngayon at bukas.

You might also like