You are on page 1of 4

Willy (Lakambini) #1 and #2

Ang aming itatanghal ngayon ay isang balagtasan

At kung saan sa amin ay talagang pinaghandaan

Kaya kayo’y makinig upang kayo’y may malaman

Ito nama’y sigurong hindi lalabag sa kalooban

Simpleng pakikinig, hindi naman kayo masasaktan

Ang paksa na magkakaroon ng pangangatwiran

Ay walang iba kung hindi pagtutulungan

Sa paguusapa’y kabilang ang kinaroroonan

Sa tatalakaying mga bansa na nagtutulungan

Kabilang sa paguusapa’y bansang makapangyarihan

Dapat bang ‘kaunlad o dagdag pa sa’ting kahirapan

Patricia (Di Sang-ayon) #1

Kapag wala na ang Amerika, tayo’y paano na?

Sa ginagawa nating pagdedepende sa kanila,

Natututo ba ayong umunlad at kayaning magisa?

Sa palagay, hindi naman yata ito tama

Kaya ang ginagawa natin ay itigil n asana

Ang pagsisihan sa huli, ay ngayon na itama

Ac (Sang-ayon) #1

Kung talagang hindi natin kailangan ang Amerika,

Tanging ang labanan sa Mindanao ay tuloy-tuloy pa

Ang isipin ay huwag lang nakakasama

Marami din naman silang naitutulong sa ating

Itanong sa sarili, kailang pa bang paalisin?

Isipin mo muna nang mabuti bago mo sabihin


Patricia (Di Sang-ayon) #2

Hindi naman pwedeng lagging positibo ang iniisip

Ang tulong nila ay walang epekto sa bansa

Ating likas na yama’y kanila lang na sinisira

Perang winawaldas dito’y, gamitin na lang sa iba

Sa mga mas importaqnteng bagay na talagang

Ikinakailangan ng Pilipinas nating bansa

Willy (Lakambini) #3

Sa sinsasabi’y may nalalaman mula sa kanila

Dalawang nagtatanghayan, sadyang pinaghandaan

May idea na ba kung ano ang pinaguusapan?

Sang-ayon ba kayo sa kanilang mga sinasabi?

Pag-isipan pa, hindi pa naman ito ang huli

Ac (Sang-ayon) #2

Kulang tayong Pilipinas sa mga kagamitan

Ang Amerika’y tumutulong na ito’y madagdagan

Hindi ba iyon nakabubuti sa atin?

Mga gawain, kanila ring nagiging tungkulin

Kaya bakit tinatanggi ang tulong na ibinibigay

Ito nama’y buong pusong inaalay

Patricia (Di Sang-ayon) #3 and #4

Aanhin ang magagandang kagamitan?

Kung sinisira lamang ang ating kalikasan

Isang halimbawa lang ang mga koral sa karagatan

Ito ay buhay lilitaw, na magiging buhay na nawalan

Sino na ngayon ang nahihirapan

Hindi ba ng Pilipinas lang na naman


Problema lang natin ang nadadagdagan

Kaya bakit magaalala, sila’y hindi kawalan

Kung pagbibitaw ay Pilipinas uunlad naman

Maari na tayong tumanggi sa gitna ng kalawakan

At hindi magtataka kung ano na ang susundan

Dahil tayo’y bumitaw na mula sa hawakan

Ac (Sang-ayon) #3 and #4

Kailangan na may isakripisyo talaga

Paghihihrapn ngayon ay may kapalit na bukas na maganda

Mga istrakturang dapat tayo ang gumagawa

Ay ipinatayo na agad nila

Mga libreng patingin sa dokotr at pagamot

At mga libreng pakain ang hindi ko malilimot

Tuwing ang Pilipinas ay bumabagsak,

Sila’y nandiyan, tayo’y tinutulungan

Tinutulungan tayong bumangon

Mula sa nagbababa sa ating kahirapan

Pangalan nila’y winawasak mo nang tuluyan

Mga ideya mong negatibo ang dapat wakasan

Willy (Lakambini) #4

Ngayo’y magpahinga na ang dalawang nagtatalo

Sa pagbibigay ng nalalaman sa mga sundalo

Mukhang mahihirapan tayong husgahan ang pagtatalong ito

Sila’y parehas na may ipinaglalabang may punto

Mga madla, sa tingin niyo ngayo’y sino mananalo?

Dahil sila ay talagang mahusay at matalino


Ac (Sang-ayon) #5

Mula’t sapol ako pa rin ay sang ayon

Sa nais iparating sa mga nayon

Gusto lamang ay mula sa kahirapan bumangon,

Gumising sa isang magandang panahon,

At maiisip ang nagawa mula kahapon

Patricia (Di Sang-ayon) #5

Pasensya ngunit ang aking isip ay hindi na mababago

Pananaw ay walang ibang makakaloko

Salamat na din sa pakikipagtanghayan sa iyo

May natutunan naman mula sa isa’t isa

Pangdagdag kaalaman din ito talaga

Ito na nga pala ang mga huli kong salita

Willy (Lakambini) #5

Ang dami ng impormasyong naibigay ninyo

Kaya mga kapwa nakikinig, may natutunan ba kayo?

Sa tingin niyo, may papaalisin ba dapat?

Sana sa balagtasan, kayo ay naaliw

Dahil ito ay aming ginalingan at

Salamat sa pakikikinig, kayong lahat

You might also like