You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 2

Lesson 4

Paksa: Mga Alituntunin, Aking Susundin

Mga Alituntunin sa Pamayanan

Ang alituntunin ay isang panuntunan o utos na ipinatutupad sa isang lugar gaya ng pamayanan upang
mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Ang alituntunin ay nagsisilbi ring gabay
upang magkaroon ng disiplina ang mga tao.

May mga alituntunin para sa kaayusan, kalinisan, katahimikan, at kaligtasan ng lahat ng naninirahan sa isang
pamayanan.

Sundin ang mga babala at tagubilin sa pamayanan.

Sundin ang mga batas trapiko. Tumawid sa tamang tawiran.

Ingatan ang mga gamit sa palaruan at sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan.

Igalang ang mga pinuno at iba pang opisyal ng barangay o pamayanan.


Makilahok sa mga proyektong pambarangay gaya ng paglilinis ng sariling bakuran at mga kanal.

Huwag bumusina sa tapat o paligid ng mga pook-dalangin at ospital.

You might also like