- Ang unang larawan ay nagpapahayag ng kahirapan. Hindi lahat ng mga indibidwal ay binibigyan ng pantay na pagkakataon. Ang ilan ay hindi gaanong maswerte kaysa sa iba. Ito ang dahilan kung bakit umiiral ang kahirapan, hindi lahat ay may parehong estado. At dahil doon, ginagawa ng tao ang kanilang makakaya upang mabuhay. Pangalawang Larawan – “Sakuna” - Gaya ng nailahad sa itaas, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang buhayin ng maayos ang sarili. Dagdag pa rito ang kamalayan ng isang indibidwal sa kanyang paligid. Makikita sa larawan ang kagagawan ng isang sakuna sa kabuhayan ng isang mangingisda. Hindi lahat ng trabaho ay may parehong hirap at dali, kaya ang pagta- trabaho ay kinakailangan ng pagsisikap. Nang sa ganon, maraming ikokonsider na mga kadahilanan sa pamumuhay. Pangatlong Larawan – “Landas sa Buhay” - Ang inilahad sa pangatlong larawan ay isang magsasaka na naglalakad katabi ng karabaw. Ito’y maaring magsimbolo ng daan na tatahakin ng isang tao. Nawa’y maging sa pag kilos sa pang araw-araw o sa trabaho ng isang indibidwal. Dagdag pa rito ang pagsisikap at pagod upang itaguyod ang sarili.