You are on page 1of 4

Luis Manuel M.

Gonzales
Gr. 12 – Pope John XIV

Panuto: Bumuo ng tig-tatlong pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang mga pangungusap
ay maaaring nagtatanong, nagbibigay ng opinyon, naglalahad, o nagbibigay ng obserbasyon at
pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang bawat larawan at pagkatapos ay gumuwa ng sariling
paglalarawan dito.

PAGBAGO SA KAISIPAN NG KABATAAN BATAY SA KARANASAN

Sa mundo na ating ginagalawan ngayon, masasabi nating marami ng nangyayaring hindi maka-
tao at magulo na maaring may malaking epekto sa kung paano tayo magisip, mas lalo na sa mga
kabataan ngayon. Dahil sa mga gulo, katulad nang mga gera at pakikipagdigma ng mga tao,
maraming tao ang nadadamay, kasama na rito ang mga kabataan. Dahil sa kanilang pagmulat sa
gulo, maaaring maging bayolente ang isang kabataan at pwede nilang isipin na tama ang
ginagawa ng mga nakikita nila at kung minsan at sila mismo ang ginagamit ng mga terorista sa
mga paglaban.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA


PAMAMARAANG:

Kung ako mismo ang gagawa at kukuha ng larawan, dadagdagan ko ang larawan ng mga bata.
Mas bibigyan ko ng diin or pagtuon ang mga larawan na may kinalaman sa mga gera at gulo. Ito
rin ang lalagyan ko ng kulay upang makapukaw sa mga mata ng mga makakakita.
PAGTANIM AY DI’ BIRO
Sa agrikultura ng Pilipinas, malaking bagay ang pagsasaka at mga inaani ng mga magsasaka.
Kung sa ibang tao, ang tingin nila sa trabahong pagsasaka ay hindi gaano ka-importante, ngunit
isa ito sa mga marangal na pamumuhay dito sa ating bansa, kung hindi dahil sa kanila, wala
tayong mga ani at mga pagkukuhanan ng mga gulay at kasangkapan para sa ating ulam. Sabi nga
sa kanta na karamihan sa atin ay pamilyar tayo, “magtanim at di’ biro”, hindi madali pagsasaka,
dahil maaaring maka-apekto ang klima sa mga aanihin ng mga magsasaka.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA


PAMAMARAANG:
Kung ako ang kukuha ng larawan, mas bibigyan ko ng diin ang magsasaka mismo at sa kung
paano ang kanilang proseso ng pagtatanim at pagaani. Mas ipopokus ko ang larawan sa mismong
taong gumagawa ng aksyon (pagsasaka). Ipapakita ko sa larawan kung gaano kahirap ang
tatanim at maipakita na isang marangal na pamumuhay ang pagiging isang magsasaka.

KANDILA
Kung titignan nating ang estado ng ating bansa, karamihan ang mga tao ay nakararanas ng
kanya-kanyang kahirapan sa buhay, maraming pamilya ang naaapektuhan dito at mas lalo na ang
mga kabataan at kanilang pangarap na makakuha ng pag-aaral na maayos. Makikita natin sa
larawan sa itaas, may isang bata na nagsusumikap na matapos ang kanyang takdang-aralin kahit
na madilim ang kanyang paligid. Dito makikita nating kung gaano sila nahihirapan ngunit hindi
nila ginagawang rason ang kanilang estado sa buhay upang maka-apekto sa kanilang pag-aaral.
KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA
PAMAMARAANG:
Kung ako ang kukuha mismo ng larawang ito, gagawin ko ito sa pamamagitan ng pagbigay ng
empasis sa batang gumagawa ng kanyang takdang-aralin. Mas gagawin kong dramatiko ang
larawan upang makita ng iba ang mensahe ipinapahiwatig ng larawan dahil gusto ko na maging
isang pamamaraan ng pagmulat sa mga tao sa panahon ngayon na mas bigyan natin ng pansin
ang mga taong naghihirap lalo na ang mga kabataan na gustong makapag-aral.

REYALIDAD NG KAHIRAPAN
Sa ating bansa, marami ang nakararanas ng kahirapan, maraming pamilya ang mabigat na
aapektuhan, kasama na din dito ang mga kabataan. Maraming mga pangarap ang hindi natutupad
dahil sa estado ng kanilang buhay, makikita natin sa larawan, may dalawang bata na natutulog sa
hagdanan ng isang overpass bridge at humihingi ng limos upang may ipangbili sila sa kanilang
pagkain at pangangailangan. Ang nakalulungkot lang sa reyalidad natin ngayon, ay ang ibang tao
at binabalewala ang mga ganitong tao na kapos-palad, ngunit hindi ay maling pag-iisip, dahil
dapat mas bigyan natin sila ng halaga dahil sila ang mas nangangailangan ng ating tulong, maliit
man o malaki panigurado na malaking tulong parin iyon para sa kanila.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA


PAMAMARAANG:
Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataong kumuha ng larawang ito, gagawin ko ito sa
pamamaraan na kung saan makikita ng mga tao ang halaga ng mga taong nasa mababang
kalagayan ng lipunan, Mas bibigyan ko ng diin ang dalawang bata sa larawan upang makita ng
tao na ang pokus ng larawan ay ang estado ng mga bata. Gagawin ko na “collage” ang larawan
upang maipakita sa iba kung gaano sila naghihirap.
BEEP BEEP BEEP: ANG SABI NG JEEP

Batay sa pamagat ng isa sa mga kanta ni Willie Revillame, “beep beep beep ang sabi ng jeep”,
kung mas bibigyan natin ng atensyon ang bawat liriko ng kanta, ipinapakita nito ang reyalidad ng
isang jeepney driver pati narin ang mga pasahero. Ngunit, nang dumating ang COVID – 19 sa
ating mundo, maraming pamumuhay ang naapektuhan at maraming tao ang nawalan ng trabaho,
is ana rito ang mga jeepney drivers na araw-araw na namamasada, napatigil ang kanilang
operasyon dahil sa pagpapatupad ng lockdown at para narin sa kapakanan ng mga tao. Ngunit
ngayon, unti-unti nang bumabalik sa pamamasada ang mga jeep at unti-unti naring nabubuhay
mula ang kultura ng ating bansa.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA


PAMAMARAANG:
Kung ako ang kukuha ng larawan, gagawin ko ito sa pamamaraang pagbibigay importansya sa
isa sa mga kultura ng Pilipino. Ipapakita ko sa larawang ang iba’t ibang uri ng jeep at kanilang
mga disenyo, upang makita ng tao na hindi lang basta isang pamamaraan ng transportasyon ang
jeep, ngunit ito ay isang parte ng ating kultura na kung saan nagiging malikhain ang mga may ari
ng mga jeep at naipapakita nila ang kanilang kagalingan sa pagiging malikhain.

You might also like