You are on page 1of 2

REZILLA ARGUS PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

MANILYN PALARAN

Ang ALamat ng Pulang Curacha ng Zamboangga


(Sa pagsasalaysay ni Dr. Caridad Azcarraga)
Noong uanang mga araw, nang ang mga diyoses ay naninirahan sa daigdig
kasama ng mga taglupa, may nakatira sa Zamboangga na isang makapangyarihang
bathala na ang pangalan ay si Addin. Kilala siya bilang bathala ng mga hangin at dagat.
Sa pagkaway ng kanyang makapangyarihang kamay ay umiihip ang hangin at
tumataas ang tubig sa dagat.
Si Addin say may marilag na anak na si Amina. Siya’y kilala bilang diwata ng
liwanag at kaligayahan. Mahal siya ng lahat. Kapag siya’y namamasyal, nagsisihuni
ang mga ibon, namumukadkad ang mga bulaklak at saumusikat ang araw.
Maraming mga bathala at kabinataang nanggagaling sa malalayong lugar ang
pumupunta sa kanya upang hingin ang kanysng kamay. Subalit malupit ang batas ng
mga bathala. Pinahihintulutang ang mga bathala at diwata na makisalamuha at
makipagkaibigan sa mga tagalupa subalit ipinagbabawal ang pakikipag-isang dibdib sa
kanila.
Lumipas ang tatlong taon, subalit wala pa ring napupusuan si Amina sa mga
bathalang nag-aalay ng pag-ibig sa kanya.
Isang umaga, habang namamasyal si Amina sa dalampasigan nakilala niya ang
isang mangingisdang si Jaihari na nagdidiskarga ng kanyang mga nahuling curacha.
Noon, berde ang kulay ng mga curacha gaya ng kulay ng mga alimango.
Naramadaman ni Amina na kahit si Jaihari ay isang mortal at maralitang
mangingisda lamang, subalit ang nasinag niya sa katauhan ng lalaki ay ang kadakilaan
ng kanyang Gawain, ang pagiging maginoo nito at ang kanyang kabaitan. Ang mga
bagay na ito ay hindi niya natagpuan sa mga mangingibig niyang bathala.
Sa kabilang dako, iniisip ni Jaihari ang kahungkagang namammayani sa
kanayang puso hanggang sumaoit ang araw na sumang-ayon si Amina na maging
maybahay niya. Bilang sagisag ng kanilang pagkilala at pag-ibig sa isa’t isa, pinili ni
Jaihari ang pinakamalaking curacha na kanayang nahuli ay inihandog kay Amina.
Batid ni Amina na hindi sasang-ayon ang kanyang ama sa pakikipag-isang
dibdib niya sa isang taga-lupa, kaya minabuti niyang ilihim ang kanilang pag-iibigan.
Malimit silang magkatagpo at lagging may curacha si Jaihari para kay Amina. Sa
paglipas ng mga araw, lalong umusbong ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Si addin na hindi makaunawa at makapaniwala kung bakit walang mapusuang


ibigin si Amina ay napansin ang ningning sa mga mata ng anak at ang kinang sa
REZILLA ARGUS PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN
MANILYN PALARAN

mukha nito. Nanag mau kinuha siyang ito’y umiibig sa isang taga-lupa, nanawagan
ang bathala sa mga hangin.
Inatasan niya ang mga ito na sundan ang kanyang anak na dalaga at tuklasin ang
dahilan ng kaligayahan nito. Sa madaling panahon, nabatid ng bathala ang lihim ng
kanyang anak.
Dahil sa kanyang poot, ipinatapon niya si Jaihari sa pulo ng Basilan, at
pinagbawalan ang binate na makipagkita pang muli kay Amina.
Dahil sa matinding kapighatian, tumigil na si Amina sa pamamasyal sa
dalampasigan. Nasa bahay lamang siya at tumatangis nang tumatangis. Hindi na
nagsisihuni ang mga ibon, hindi na namumukadkad ang mga bulaklak at natatakpan
na ng ulap ang araw.
Si Jaihari naman sa kabilang isla ay nag-iisip kung ano anag kanayang gagawin.
Hanggang isang araw, hindi na niya mabata ang dalamhati ng kanilang paghihiwalay,
kaya ipinasiya niyang maglayag patungong Zamboangga at bisitahin ang diwatang
pinakamamahal niya at nagmamahal din sa kanya.
Nang gabing iyon, nanghuli siya ng mga curacha upang ihandog sa kanayang
iniirog kinabukasan. Dahil mahabang paglalakbay ang kanayang gagawin at upang
hindi mabulok ang mga curacha, minabuti niyang ilaga ito hanggang maging pula
nanag maluto na.
Agad na inihatid ng mga hangin ang balita kay Addin. Inutusan ni Bathala ang
dagat upang umahon at pinaihip niya ang mga hangin. Napakalakas ng unos kaya
tumaob ang bangka ni Jaihari at naglaho ito sa dagat.
Nang mabatid ni Amina ang trahedya naganap, hindi na niya maaliw ninuman
at walang anumang bagayna makapagpangiti sa kanya. Napag-isip-isip ng ama na
nakagawa siya ng malaking kamalian, humingi siya ng tawad sa kanyang anak. Bilang
pagtatakip-sala, nangako siya na bubuhayion niyang muli si Jauhari subalit ang binate
ay sinakmal ng mga hayop sa pusod ng dagat. Kaya hindi na maibabalik ni Addin ang
buhay nito.
Ang mga nilutong curacha na nagging pula ay muling nabuhay. Hanggang sa
kasalukuyan, pula pa rin ang kulay ng mga curacha bilang alaala sa pagmamahal ni
Jaihari kay Amina.

You might also like