You are on page 1of 8

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

016
[PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL]

PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL


LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan ang konseptong papel at ang gamit nito
sa pagsulat ng pananaliksik
2. Nailalahad ang katangian ng ikonseptong papel,
3. Nasusuri ang iba’t ibang aspetong teknikal at akademikong
pagsulat tungo sa pagbuo ng konseptong papel

PANIMULA
Ang bawat kaganapang nangayayari sa ating paligid ay labis nating
pinagtatakhan, nais nating tuklasin ang Ano, Ang bakit, Ang sino, Bakit at Paano? Ito ang
mha katanungang palagian gumugulo sa ating malikot na isipan at sa ating pagtatangkang
tuklasin ito gumagawa tayo ng mga pagsasalik. Sa araling ito tuklasin natin kung paano
natin magagamit ang pagsulat ng konseptong papel para sa ating mga katanungang nais
nating malapatan ng kasagutuan.

PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL

 Isang kabuuang ideyang nabuo mula sa isang gawain balangkas ng paksang bubuuin.
 Isang pangunahing hakbang na ginagawa bago ang aktuwal na pagsulat ng isang
papel ng pananaliksik
 tinitiyak nito ang pagkakaroon ng isang komprehensibong plano at awtput ng
pananaliksik ukol sa isang paksa.
 ito ang nagsisilbing proposal para sa isang binabalak na pananaliksik.
 sa pagsulat ng konseptong papel isang mabisang paraan ang paglalagay ng mga
susing salita hinggil sa kanyang napiling paksa.

Course Module
MGA ELEMENTONG BUMUBUO SA KONSEPTONG PAPEL

1. RASYUNAL (Bakit ito ang Gagagawing Pananaliksik)


 Inilalahad ang kaligiran (background) o pinagmulan ng ideya. Ang interes
ng mananaliksik ay mahalaga sa pagpili ng paksang pag-aaralan. Sa
bahaging ito ibinibigay ng mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa
naging batayan sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. nararapat nag
awing tiyak ang paglalahad sa bahaging ito upang bigyang kaisipan ang
mambabasa hinggil sa gagawing pananaliksik. Ang mga katungan na
maaring sagutin ay tulad ng:

 Ano ba ng tungkol sa pag-aaral?


 Bakit ito ang gusto kong pag-aralan?
 Bakit mahalaga ang pag-aaral na ito?
 Ano ang kahalagahan nito sa akin sa lipunan?
 Bakit kailangang pag-aralan ito?
HALIMBAWA:
Rasyunal:
Sa panahon ngayon, hindi na nahuhuli ang mga kabataan pagdating sa
mga isyung panlipunan. Nakikiisa sila sa pagbabagong nagaganap sa loob at
labas ng bansa. Dahil sa mga teknolohiyang katulad ng telebisyon, Radyo,
kompyuter at iba pa, hindi na talaga na pagiiwananang mga kabataan
sapagkuhang mga napapanahong balita at impormasyon. Mga impormasyong
nagpapakitang kalagayan ng ating lipunan sa ilalim ng ibat ibang
administrasyon.Pati narin sa mga batas na nabuo at ipinatupad sa ating
bansa.Isa na rito ang Sin tax Law, na dating Sin tax Bill.

Ang Sin Tax Law ay ang bagong batas na ginawa at naaprubahan ng


pangulong Aquino. Ang batas na ito’y naglalayong pataasin ang buwis sa mga
produkto katulad ng tabako, napangunahing sangkap sa paggawa ng sigarilyo.
Ito’y binuo upang mabawasan ang dumaraming kaso ng pagkakasakit at kung
minsan pa’y kamatayan ng ilan sa ating mga kababayan
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
016
[PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL]

 Isang sanaysay na tatalakay sa:

a. Inspirasyon sa pagpili – sa paksa na maaring batay sa sariling


karanasan, napapanahon, mga naobserbahan, mga estadistika, mga
nabasang impormaasyon, mga balita o mga kuwento.

Halimbawa:

a. Ekonomikal – Mas matipid ang solar panels


b. Pangkapaligiran – Makakalikasan ang solar panels

b. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral

Halimbawa:

a. Saklaw: konsepto, uri, gamit ng solar panel, alternatibong


hanguan ng kuryente.
b. Limitasyon: kaalaman, pagtingin at pananaw batay sa
propesyon, larangan, edad at lugar

c. Mga makikinabang na grupo ng tao, propesyon, institusyon at


ahensya ng gobyerno.

Halimbawa:

a. Propesyon – Electrical Enginer at Civil Enginer


b. Institusyon – Mga LGU, Tahanan at Mga Korporasyon
c. Ahensya ng Gobyerno – DENR, DoE
d. Iba pa – mahihirap na komunidad

Course Module
2. LAYUNIN (Ano ang inaasahang matamo?)
Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa.
Mahalaga ang dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gustong matamo. ano ang
gustong malaman o matuklasan sa pananaliksik, kailangan ang paunang layunin
upang mabigyang katuturan ang napiling paksa. May dalawang uri ang layunin

1. Tiyak – Ipinahahayag ang mga ispesipikong pakay sa pananaliksik sa


pamamagitan ng mas tiyak na mga pahayag at tanong. Ito ang
nagbabalangkas sa daloy ng paglalahad. Kapag nasagot na ang lahat ng tiyak
na layunin, nasagot na rin ang nais tuklasin ng pag-aaral

Mga Tiyak na layunin


1. Ano ano ang mga uri at gamit ng solar panels bilang
alternatibong hanguan ng enerhiya?
2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa
konsepto ng solar panels bilang hanguan ng enerhiya.?
3. Alin sa mga sumusunod na salik ang higit na
nakaiimpluwensya sa kaalaman ng mmga estudyante sa
konsepto ng solar panles?
a. Larangan
b. Edad
c. Kurso
d. Propesyon
4. Batay sa tugon sa ikalawang tanong, gaano kalawak at
kalalim ang pananaw ng mga kalahok sa paksa?
5. Paano higit na mapapaunlad ang kamalayan sa paksa ng mga
nasabing kalahok?

2. Pangkalahatang Layunin – Ipinapahayag ang kabuuang layon, gustong


gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Kalimitan tuwiran itong
kaugnay ng pamagat/paksaa ng pag-aaral.

Halimbawa:

Masuri ang kasalukuyang pananaw ng mga estudyante sa paggamit


ng solar panels bilang alternatibong hanguan ng enerhiya.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
016
[PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL]

3. METODOLOHIYA (Paano isasagawa ang pananaliksik)

Ang mananaliksik ay nagpupunta sa lugar kung saan makakalap ang mga


impormasyon, katulad ng aklatan, museo, laboratory, pakikipanayam sa mga
daludhasa at pangangalap ng mga opinyon sa mga tao. Sa simula kailangan ang
pagbabasa sa mga materyales na may kinalaman sa pangkalahatang kaalaman o may
tiyak ng mga paksa, katulad na lamang g mga aklat, diksyunaryo, ensayklopedia,
taunang – aklat. Sa umpisa ng pag-aaral, ang dapat gawin ng isang mananaliksik ay
alamin muna at ganap na unawain ang napiling paksa, katanungan, o suliraning nais
bigyan ng kasagutan.
Isa sa layunin ng pananaliksik ay makapagbigay ng impormasyon tungkol sa
lugar ng paksang bibigyan ng pag-aaral. magagawa lamang ito sa tulong ng:

 pagkalap ng datos sa internet at sa mgs aklat;


 pagpunta sa mismong lugar ng paksa; at
 pagsasagawa ng sarbey
 pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng paghahanay ng mga ito ayon
sa grapikal na paraan tulad ng tsart at grap.
 Paggamit ng tekstuwal at deskriptibong panunuri sa resulta ng sarbey sa
pamamagitan ng paglalapat ng mga ideya ng mga naunang akademikong
pag-aaral at ayon sa panayam ng isang eksperto sa paksa.

HALIMBAWA:
Magkaroon kami ng sarbey sa nasabing paaralan at hingiin ang pananaw ng
mga mag-aaral ng nasa ika-apat na taon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
talatanungan malalaman naming kung ano ang persepsyon ng mga mag aaral tungkol
sa ipinasang batas ng kamara.

Course Module
4. INAASAHANG RESULTA
Inilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isisagawang pananaliksik, ito ang ilan
sa mga inaasahang bunga ng pananaliksik

 Makabuo ng konklusyon sa pamamagitan ng pag-aaplay ng kaalamang


natuklasan sa pananaliksik;
 Makapagbigay ng mga pangunahing katanungan ukol sa nakalap na datos
at iba pang impormasyon;
 Makabuo ng direktang hakbang para sa pagpaplano at pagtuklas sa pag-
aaral; at sa huli,
 Masagot ang mga katanungan na hindi nabigyan ng kasagutan sa
pamamagitan ng pangangalap ng dagdag na mga impormasyon.
HALIMBAWA:
Inaasahang Bunga:
Ang papel na ito ay panimulang hakbang para malaman naming ang
opinyon ng mga mag-aaral. Nais naming na mapunan ang mga pagkukulang ng
ibang nag-aral kaugnay sa napiling paksa.Ang lahat ng mga mahahalagang
datos na aming makakalap ay ilalakip din bilang karagdagang pahina.

5. REKOMENDASYON
Inilalahad dito ang ilang mga mungkahi kaugnay ng inyong natuklasan, tatlo
hanggang limang mungkahi ay sapat na.

6. APENDIKS
Sa bahaging ito inilalagay an ilan sa mga dagdag na dahon na magpapautunay
sa isinagawang pag-aaral, maaring liham, larawan at bio-data ng sumulat ng
pananaliksik.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
016
[PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL]

TEMPLEYT NG KONSEPTONG PAPEL

I. PAKSA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa_______________________________________

II. RASYONAL/LAYUNIN
Mahalaga ang paksang ito sapagkat_________________________________
________________________________________________________________________________

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na


katanunagan:

a.______________________________
b.______________________________
c.______________________________

III. PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng


_________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________

IV. PANIMULA
Ang ___________ ay tumutukoy sa __________________________________________________

V. PAGTALAKAY.
Ayon sa/kay________________________________________________________________________

Course Module
VI. LAGOM
Bilang pagbubuod_______________________________________________

VII. KONGLUSYON
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

a._____________________________________________
b._____________________________________________
c._____________________________________________

Mahahalagang Pag-isipan

o Dapat na maging maingat at mabusisi sa pagbuo ng konseptong


papel.
o Nakatutulong ang mga makatotohang datos at matapat sa pagbuo
ng konseptong papel.
o Tiyaking makabuluhan at malaman ang mga ideyang inilalahad sa
pagsulat ng konseptong papel.

References

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Online Supplementary Reading Material


https://www.slideshare.net/jakeDsnake/ang-pagbuo-ng-konseptong-papel-3227289

https://prezi.com/xpfgnfu3dqtp/kasanayan-sa-pagsulat-ng-konseptong-papel/

Online Instructional Material


https://www.youtube.com/watch?v=Fr8Fk7NdvPM
https://www.youtube.com/watch?v=MVPP41CDqwk

You might also like