You are on page 1of 2

MIRANDA, SHARMAINE C.

BSA-3A

M3-Check In Activity 2

Balangkas ng Maikling Kwento:


Paksang pang-indibidwal- dahil ang maikling kwento ay umiikot sa suliranin pansarili ni
Annie gawa ng tamad siyang pumasok sa paaralan at ang naging malungkot na
implikasyon nito sa kinabukasan ng kaniyang buhay na siyang naglimit para makabangon
sana sa naghirap nilang pamilya.
I. Pamagat
“Ang batang tamad mag-aral na si Annie”
II. Tauhan
a) Donya Carolina- ina ng batang si Annie at asawa ni Don Macario.
b) Don Macario – ama ng batang si Annie at asawa ni Donya Carolina.
c) Annie- nag-iisang anak ng mayamang mag-asawang sina Donya Carolina at Don
Macario.
d) Guro- guro ni Annie.
III. Tagpuan
Hacienda Marikit- ang nag-iisang hacienda sa Baryo Capiling at ang lugar ng tahanan
ng mayamang pamilyang sila Don Macario, Donya Carolina at Annie.

IV. Galaw ng Pangyayari


a) Pangunahing Pangyayari –
kumakain ang pamilya sa hapag-kainan sa kanilang bahay nang mabalitaan ng mga
magulang ni Annie na hindi nanaman siya pumasok sa kanyang klase sa paaralan.

b) Pasidhi o Pataas na Pangyayari-


napagdesisyunan ni Annie na wag na lamang ituloy ang pagpasok sa paaralan dahil
siya ang sigurado na daw na hindi maghihirap ang kanilang pamilya.

c) Karurukan o kasukdulan-
nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang Ama at ang kanyang Ina naman ay
walang maisip na paraan kundi ang ibenta ang paunti-unting lupain nila sa
Hacienda.

d) Kakalasan o pababang Aksyon-


nagbago ang buhay ng mag-ina at hindi nagtagal ay namatay ang kanyang Ama.
Kung kaya’t napilitan siyang lumipat ng publikong paaralan dahil hindi na nila
kakayanin ang gastusin sa mga pribadong paaralan.

e) Wakas-
Paghingi ng tawad ni Annie sa Kaniyang ina at pumanaw na ama dahil hindi niya
nabigyan importansiya ang kaniyang pag-aaral na sana’y magiging daan ni Annie
upang bumangon muli sila sa pagkahirap. Kasama ang panghihinayang sa mga
sinayang niyang panahon na dapat ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral.

You might also like