You are on page 1of 9

5

Government Property

NOT FOR SALE

NOT

ARALING 11

PANLIPUNAN
Quarter 2 - Module 4
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 4: Natatalakay ang konsepto na Patronato Real at ang Implikasyon nito sa
pananakop ng mga Espanyol

First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang


8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Author: Vamie Casinto Segovia

Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan


Fernando D. Sumondong, PSDS
Joseph L. Galia, Principal

Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Latecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
ARALING
PANLIPUNAN
Natatalakay ang konsepto na Patronato Real at ang
Implikasyon nito sa pananakop ng mga Espanyol

Quarter 2 – Modyul 4
Pangalawa at Pangatlong Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..ii

Alamin.................................................................................................................1
Balikan................................................................................................................1
Tuklasin..............................................................................................................1
Suriin...................................................................................................................2
Pagyamanin.......................................................................................................3
Isaisip..................................................................................................................3
Isagawa...............................................................................................................3
Susi sa Pagwawasto.......................................................................................4
ANG KONSEPTO NG
PATRONATO REAL AT ANG
IMPLIKASYON NITO SA
PANANAKOP NG MGA
LessonESPANYOL
1
Alamin
Natatalakay ang konsepto na Patronato Real at ang Implikasyon nito sa
pananakop ng mga Espanyol

Balikan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pagbuo ng pangungusap

a. Obreas Peas
b. Katesismo
c. Paring Regular
d. hacienda

Tuklasin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong katanungan sa isang buong papel

1. Sa inyong palagay, mas nakakabuti ba sa Pilipinas na inihiwalay ang


simbahan at estado?
2. Sa kabila ng paghihiwalay ng estado at simbahan , may pagkakataon bang
sumali pa rin ang simbahan sa pampulitika? Magbigay ng halimbawa lao
na kasalukayan sitwasyon sa ating bansa ngayon.
3. Mayroon ba kayong alam na prebilehiyong ibinigay ang pamahalaan sa
simbahan? Ano yon?

1
Suriin
Ang Patronato Real

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, may pagkakaisa ang


simbahan at ang estado. Kinilala ng estado ang mahalagang papel na ginamppanan ng mga
prayle sa pagpapatatag ng kolonyalismo kung kaya’t tiniyak ng pamahalaan na suportado at
protektado ang mga prayle. Binanggit ng historyador na si Renato Constantino ang laganap
na paniniwala dati na, “Para sa bawat prayle sa Pililpinas, ang hari ay may nakalaang isang
kapitan-heneral at isang hukbo.”Patunay lamang ito kung gaano kalakas ang kapangyarihan
ng mga prayle, na naatasan hindi lamang ng mga gawaing panrelihiyon, kundi maging ng
mga tungkuling pansibiko. Ito ay nagbigay-daan sa pagkakaroon ng tinatawag na
“praylokrasyo,” o pagiging lubos na makapangyarihan ng Simbahan sa mga usaping
panrelihiyon , pampolitika, at maging panlipunan.
Isa sa mga katangian ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas ay ang union o
pagkakaisa ng Simbahan at estado nito. Bagama’t mayroong awtonomiya ang isa’t isa,
nagging halos iisa na lamang ang dalawang institusyion dahil sa matinding pagdepende nila
sa ias’t isa . Dahil binigyan ng Santo Papa ang hari ng Spain ng kapanyarihan sa
pangangasiwa sa pondo ngt Simbahan ay sa pagpili ng mga paring opisyal, nagsikap ang
pamahalaan na masiguro ang Kristiyanisasyon ng mga katutubo sa pamamgitan ng matinding
suporta ng pamahalaan sa Simbahan sa larangang militar at pinansyal . Ang ugnayang
Simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay mayroong mahalagang papel sa
pangangasiwa at pagsuporta sa Simbahan ay tinatawag na patronato real o royal patronage.
Sa ilalim ng patronato real, may kapangyarihan ang haring pangsiwaan ang pondo ng
simbahan at magtalaga ng mga paring opisyal. Dahil ditto, tungkulin ng haring tiyakin ang
suportang pinansyal at military sa mga prayle. Bilang kapalit, tungkulin naman ng prayle na
tiyaking maging Kristiyano ang mga katutubo sa kolonya sa pamamagitan ng pagmimisyon.
Isa ito sa mga pagsakop ng Espanya sa Pilipinas na masasabing naging malaking dahilan sa
pagtatagumpay ng kolonyalismo.

Patronato Real panrelihiyon

nagbigay daan sa
pagiging
Praylokrasya makapangyarihan pampolitika
ng mga prayle a
mga aspektong

Iba’t ibang reaksyon mula sa mga katutubo


panlipunan

Pagtanggap at pakikiangkop Pag – aalsa at pamumundok

2
Pagyamanin
A. Sagutin ang bawat katanungan tungkol sa kosepto ng Panuto Real
1. Ano ang ibig sabihin ng patronato real?
2. Paano naging instrument ang patronato real real sa pagiging
makapangyarihan ng prayle sa kolonya?
3. Ano ang mga implikasyon nito sa pananakop ng mga Espanyol?
4. Ano ang mga reaksiyon ng mga katutubo sa katesismo ng mga Espanyol

B. Gumuhit ng isang simbahan at isulat sa loob nito ang kapangyarihan sa


panahon ng kolonyal. Iulat ang guhit na nabuo.

Isaisip

Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang tungkol sa konsepto na
Panuto Real at Implikasyon nito sa panahon ng mga Espanyol

_____1. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas may unyon o


pagkakaisa ang simbahan at ang pamahalaan.
_____2. Ang patronato real ay naging batayan ng kapangyarihan ng mga
prayle.
_____3. Lahat ng mga katutubong Pilipino ay maluwag sa kalooban na
tinanggap ang katesismo.
_____4. Sa ilalim ng pagiging isa ng pamahalaan at simbahan , tungkulin ng
hari ng Spain na tugunan ang pangangailangang military at pinansyal ng mga
prayle.
_____5. Makapangyarihan ang mga prayle sa mga aspektong panrelihiyon,
pampolitika, at panlipunan dahil sa patronato real.

Isagawa
Sa lima (5) hanggang pito(7) pangungusap , sumulat ng sariling opinyon
hinggil sa kasalukuyang sitwason ng ating simbahan at pamahalaan ngayon.

3
Susi sa Pagwawasto

1. tama
2. tama
3. mali
4. tama
5. tama

References

4
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like