You are on page 1of 1

Kamatayan

Opening Statement:
Bang! Handa ka na bang mamatay? Kapag usaping kamatayan na samu’t saring emosyon na
ang nagsisilabasan. Mayroong naiiyak, nalulungkot, nagagalit, mayroon rin namang neutral lang at
ayos lang na ito’y pag-usapan. Hindi kasi natin alam kung paano, saan, kalian, at bakit tayo
mamatay. Kahit na mayaman ka, hihiga ka rin sa kabaong bandang huli. Hindi mo madadala sa langit
kung doon man ang iyong punta ang lahat ng iyong ari-arian. Lahat tayo darating sa puntong iyon. Sa
ngayon nga, malabas ka lang ng bahay baka kinabukasan abo ka na.
Outline

- Pisikal na kamatayan ay ang paghiwalay ng kaluluwa mula sa katawan

- “Kamatayan ang pinakakahila-hilakbot sa lahat ng bagay; dahil ito na ang wakas.”—Aristotle.

- Bakit takot ang mga tao na mamatay?

a. Takot ang tao sa kung anong klaseng dahilan ang pwede niyang ikamatay
b. Ayaw pa niyang mawala sa mundo
c. Hindi pa niya nasusulit ang kanyang buhay
d. Hindi pa niya nagagawa ang kanyang misyon sa buhay
e. Hindi natin alam ang kahahantungan natin pagkatapos ng kamatayan

- (Personally, dati hindi ako takot mamatay, pero narealize ko kung paano na yung mga
maiiwan kong mahal sa buhay. Paano na yung mga pangarap namin ng mga magulang ko
ganun HAHAHAH)
- Ginagawa ng kamatayan maging kapana-panabik ang buhay ( death makes life all the more
sweeter)
Closing Statement:

Dahil sa kamatayan nag mistulang isang roller coaster ang ating buhay na dapat mong sulitin
bago ka dumating sa huling hantungan. Gawin mo ang iyong kagustuhan ngunit alamin din ang
iyong limitasyon. Ang masakit sa kamatayan ay ang mamatay ng may pinanghihinayangan.

You might also like