You are on page 1of 3

Ang Kwento Ni Pepe At Susan

(Isang kwento tungkol sa wastong nutrisyon)

Narrator: Isang araw, may magkapatid na sina Pepe at Susan, sila ay mga batang hindi mahilig kumain ng
gulay at prutas, mas gusto pa nilang kumain ng hindi masusustansyang pagkain. Sina Pepe at Susan ay tamad
ding mag-exercise kung kaya’t madalas silang makaramdam ng panghihina at minsan pa ay nagkakasakit.
Isang tanghali sa kanilang kusina…..

Pepe: Susan, Susan, wag kang maingay kay Mommy ha, ayoko talaga ng ampalaya at iba pang gulay eh.

Susan: Oo nga Pepe, hindi ko nga alam kay Mommy at Daddy bakit lagi nila tayong gustong kumain ng gulay.

Pepe: (tatawa) Halika, kunyari naubos natin ang pagkain natin, itapon na natin ito sa basurahan para makita
ni Mommy na naubos natin.

Susan: Hehehe, Sige Pepe, tapos kainin natin yung candy sa bag ko. (tatawa)

Narrator: Ganyan nga sina Pepe at Susan, hindi sila mahilig sa gulay, pagkatpos ng pananghalian….

Pepe: Susan, ang galing mo kanina maglaro ng computer games, natalo mo ako (tatawa)

Susan: Kasi Pepe sana dalasan mo pa maglaro ng computer para gumaling ka din.

Narrator: Noong gabing yun, hindi makatulog ng mahimbing sina Pepe at Susan.

Pepe: Susan, nasan tayo?

Susan:Hindi ko alam Pepe, baka brownout kaya madilim.. Mommy???? Daddy???

Pepe: Susan, sino yun, ano yung papalapit satin?

Susan: Di ko alam Pepe, pero hindi ko gusto ang itsura nila.

Curls Monster: (wahhhhh wahhhh hahahahaha)

Pepe: Takbo Susun…. Bilisan natin ang takbo….. (hingal) Hay naku Susan, hindi ko na kayang tumakbo kasi
pagod na ako.

Susan: Ako din, hinihingal ako Pepe. Paano na yan? (hingal)

Pepe: Sana nandito sina Mommy at Daddy. Mommyyyyy! Daddyyyyyy!

Narrator: Ganun nga ang nangyari, hindi kinaya nila Pepe at Susan ang pagtakbo ng mabilis at matagal , dahil
hindi sila nasanay mag-exercise at kumain ng gulay at prutas na makatutulong sana sa pagpapalakas ng
kanilang katawan. Noong papalapit na ang mga humahabol kina Pepe at Susan, biglang…..

Super gulay/prutas: Wag kayong matakot! Ililigtas naming kayo!

Narrator: Sa tulong nila Melly Malunggay, Tally Talong, Benny Banana, at Pina Pinya, nalilgtas sina Pepe at
Susan.

Pepe at Susan: Yehey! Salamat niligtas niyo kami!

Super gulay/prutas: Walang anuman! Masaya kami na natulungan namin kayo!

Talong: Ako nga pala si Tally talong!

Malunggay: At ako naman si Melly Malunggay!

Talong at Malunggay: Ang tawag samin ay Super Gulay!


Banana: Ako naman si Benny banana!

Pinya: At ako naman si Pina Pinya!

Banana/Pinya: Kami ang Supeerrrr Prutas!

Super gulay/prutas: Hindi niyo ba kami kilala?

Pepe: Sorry! Hindi kasi namin kayo paboritong kainin eh! Mahilig kami sa mga pagkaing hindi masusustansya.

Banana: Ha?! Naku Pepe, Susan! Napaka-importante lalo na sa batang katulad niyo ang pagkain ng gulay at
prutas! Bukod sa sustansya sa pang-araw araw, tumutulong kami sa pagpapalakas ng katawan upang
maiwasan niyo ang sakit.

Pinya: At hindi lang yun, kami din ay nagbibigay ng kailangang bitamina ng inyong katawan, para kayo’y
maging malusog na mga bata, at isa pa, katulong naming ang exercise at food supplements sa pagbibigay ng
sapat na tibay ng katawan.

Susan: Kaya pala mabilis kaming manghina ni Pepe, Kasi tamad kaming mag exercise eh!

Pepe: Oo nga Susan.

Malunggay: Dapat kumain kayo ng gulay at prutas dahil makatutulong ito sa inyong kalusugan, tulad ko,
kaming mga malunggay ay mayaman sa vitamin A,B, at C at nagtataglay din kami ng calcium na pampatibay
ng ngipin at buto!

Talong: Kaming mga talong naman ay nagtataglay ng protein na tumutulong sa development ng inyong balat,
buhok at mga kuko sa daliri at paa.

Banana: Hindi lang yun, kaming prutas, tulad ng banana ay mayaman sa mineral na potassium na tumutulong
sa pagpapatibay ng inyong muscles.

Pinya: Kami namang mga pinya ay nagbibigay ng Fiber, Calcium, Vitamin C at Potassium.

Pepe: Ang galing naman pala, hindi namin alam yun ah!

Malunggay: Ngayon ay alam niyo na ang dapat gawin, hindi ba?

Susan: Opo Melly Malunggay, Mula ngayon kakain na kami ni Pepe ng gulay at prutas. Mahalaga pala ang
pagkain nito?

Pepe: Oo Susan, tama pala sila Mommy at Daddy, at hindi lang yun, sasamahan na rin natin ng exercise araw-
araw at babawasan namin ang labis na panunuod ng T.V at paglalaro ng computer games.

Talong: Ayan, tama nga yan Pepe, Susan. Ang pagkain ng gulay, prutas, at sapat na exercise ay tumutulong
magpalakas lalo na sa mga batang tulad niyo. Ang pagkain niyo ng pagkaing masusustansya ay makatutulong
para kayo’y maging healthy!

Pepe: Tama, mula ngayon, puro masusustansyang pagkain na ang kakainin naming, magsisimula na rin
kaming mag-exercise! Salamat Melly Malunggay ha, Tally talong, Benny banana at Pina Pinya!

Super prutas/gulay: Walang anuman! Bye!

Pepe: Ha! Panaginip lang pala!

Susan: Oo nga Pepe. Isang panaginip na may aral. Ayoko ng maging sakitin Pepe.

Pepe: Oo nga Susan, mula ngayon, sabay na tayong kumain ng gulay, sabay na din tayong mag exercise!
Narrator: Simula noon, madalas ng kumain ng prutas at gulay sina Pepe at Susan at Madalas na din silang
mag-exercise. Dahil ditto binigyan ng halaga ni Pepe at Susan ang wastong nutrisyon. At diyan nagtatapos ang
kwento ni Pepe at Susan, isang maikling kwento tungkol sa wastong nutrisyon.

You might also like