You are on page 1of 4

Ang Magsasakang Prinsesa

Noong Unang panahon sa kaharian, may ipinanganak na kakaibang prinsesa.


Ipinanganak si princess Belzoa na mahilig sa pagtatanim at gusto nya ‘to, naaaliw
ang reyna dito pero hindi ganoon ang hari.
Reyna: Aww..hilig nya talaga magtanim.
Hari: Ang dumi ng kaniyang damit, ganyan ba talaga ang itsura ng prinsesa? Hays
paalisin mo sya roon ngayundin, kundi ako ang gagawa.
...
Reyna: Huwag mo siyang paiyakin, hilig nya ang pagtatanim kaya wag mo siyang
ganyanin, masaya sya rito.

At lumaki ang prinsesa sa pagtatrabaho sa mga hardin ng gulay at sa bukid.


Nagsikap siyang magtrabaho araw gabi upang makakuha ng magagandang
pananim sa kaharian. . . Nang makalipas ang taon, oras na para koronahan si
princess Belzoa bilang isang ganap na Crowned Princess Belzoa. . . May
magagandang plano ang hari sa kaniya.
(Soriaga)Hari: Kapag nakoronahan ka na, may Karapatan ka nang mamuno sa
kahariang ito at kapag nahanap mo na ang iyong prinsipe papakalan mo sya at
mamumumo kayo. Magandang kinabukasan ang pinaka hihintay ko sayo, Mahal
ko.
(Ambong)Reyna: Nako! Napakaganda talaga ng anak ko, Ikaw na ngayon ang
Crowned Pricess, anong problema mahal ko? Hindi ka ba nautuwa rito?
(Joaquin)Belzoa: Uhh.. ehh..
(Ambong)Reyna: Anak ko, Ano ang problema?
(Joaquin)Belzoa: K-kasi..ganito po iyon inang reyna amang hari, a-ayaw
ko..pasensya napo pero ayaw ko pong maging Crowned Pricess
(Soriaga)Hari: Ano ka ba naman anak?!
(Ambong)Reyna: Bakit?
(Joaquin)Belzoa: Hindi ko po maisip ang sarili ko na umupo sa trono at
magdesisyon para sa kaharian, pasensya na po.
(Soriaga)Hari: Kung ganon, sabihin mo, ano ang kaya mong gawin maliban sa
pagiging isang prinsesa?
(Joaquin)Belzoa: Isang magsasaka, gusto ko pong maging magsasaka ama, wala na
po akong ibang gusto kundi pakiramdaman ang araw, ang hangin at ang
magagandang pananim.
(Soriaga)Hari: Anak naman! Isang magsasaka?! Isang magsasaka lang ba ang gusto
mo? Ia kang prinsesa!
(Joaquin) Belzoa: Ama! Paki-usap naman po, kung ako ay kokoronahan hindi ko ito
magagampanan ng maayos,pero magaling ako sa pagsasaka.
(Soriaga)Hari: Hays.. sige Belzoa bibigyan kita ng isang lupang pagtataniman
(Joaquin)Belzoa: Ama, salamat po!
...
Nagsumikap talaga ang prinsesa sa pagtatanim sa bukid,nagsasaka siya nang may
buong pagmamahal sa Gawain,may sarili rin siyang kitchen garden na kung saan
doon siya kumukuha ng pagkain
...
(Joaquin)Belzoa: Ahh, alam ko na gutom ka diba? Pakiusap wag mo kainin ang mga
pananim. Halika, ito oh mas kailangan mo ito ngayon hindi pa naman ako gutom e
...
Natuwa sa prinsesa ang maliliit na hayop sa bukid dahil tinutulungan nya ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa kanila. Malapit na ang panahon ng
pagtatanim kaya naman naglalakbay ang hari upang salubungin ang diwatang si
Fhunderina.
(Salvador)Parrot: Diba ang hari iyon? Ano kaya ang binabalak nya para sa mahal na
prinsesa?
...
(Soriaga)Hari: Naaalala mo pa ba noong niligtas kita at pinangakuan mo akong
susundin mo ako
(Gorres)Diwata: Syempre po kamahalan
(Soriaga)Hari: Ngayon kailangan ko na ang tulong mo.
(Gorres)Diwata: Ano po iyon kamahalan?
(Soriaga)Hari: ang aking anak ay ayaw maging Crowned Princess kaya naman mas
pinili niya ang pagiging magsasaka, tulungan mo ako dahil alam ko na gagana ang
mga plano ko.
(Gorres)Diwata: Naiintindihan ko po, kung gayon..ano po ang gusto niyong gawin
ko?
(Soriaga)Hari: Gawin mong tagtuyot at nang masira ang pananim ng anak ko.
(Gorres)Diwata: Hindi ko po kayang gawin ang tagtuyot dahil maaapektuhan ang
buong kaharian.
(Soriaga)Hari: Malaki naman ang bodega namin at doon maraming pananim.
...
Lumipad ang parrot papunta kay Belzoa at sinabi ang lahat sa kaniya. Kaya
naghanap ng lupa ang prinsesa na malapit sa ilog upang mmaikalat ang buto.
Dumaan nga ang tagtuyot at naubos ang mga pananim ngunit ang mga pananim ni
pricess Belzoa ay malago parin at maraming maaani. Dahil dito naubusan ng
makakain ang buong kaharian gaya nga ng sinabi ng Diwata.
Kaya naman pinag-usapan ito ng hari at ng mga lingkod upang tiyakin kung paano
nila ito mabibigyan ng solusyon.
(Gaspar)Lingkod: Nako amang Hari, amang reyna, dumating na ang matinding
tagtuyot at naubos na ang aming mga pananim, paniguradong magugutom ang
lahat sa kaharian!
(Soriaga)Hari: Wala na ba talagang natira ni isang sakong palay at mga prutas?
(Discaya)Lingkod: Wala na po kamahalan. Kinakailangan po nating bumili sa ibang
kaharian at aabot po iyon ng malaking halaga.
(Joaquin)Belzoa: Hindi iyon mangyayari..Pangako ko.
(Gaspar)Lingkod: Paano na? Kamahalan?
(Joaquin)Belzoa: Hay..nakalimutan nyo na po ba? Ligtas ang mga pananim ko
nitong nagdaang linggo
(Discaya)Lingkod: Oo kamahalan, pero hindi ito sapat sa buong kaharian!
...
(Joaquin)Belzoa: Nako! Ang hari na mismo ang sumisira sa mga pananim natin
kailangan natin ito gawan ng paraan upang hindi magutom ang buong kaharian
(Aguirre)Kuneho: Ano ang maaari namin gawin kamahalan?
(Joaquin)Belzoa: Simple lang! Depende kung tutulungan nyo ako.
Mga hayop: Syempre naman Kamahalan!
(Joaquin)Belzoa: Kailangan natin gumawa ng marami pang lupa
(Aguirre)Kuneho: Kaya namin ng mga kaibigan ko na maghukay!
(Villaflores)Baka: marunong kami ng mga kaibigan ko na mag-araro!
(Salvador)Parrot: Ako at ang mga kaibigan ko ay ikakalat ang mga buto sa
kagubatan!
(Lumantao)Pusa: Tutulong kami ng mga kaibigan ko sa pagtatanggal ng mga damo.
...
(Joaquin)Belzoa: Humingi rin ako ng tulong sa diwata na dagdagan ang aking mga
ani upang magkasya ito para sa maraming tao.
Lingkod: Maraming salamat Princess Belzoa! Mabuhay ang prinsesa!
...
(Soriaga)Hari: Patawarin mo ako anak ko.. pinipigilan kita sa gusto mong gawin..
patawad..
(Joaquin)Belzoa: Ayos lang iyon ama, ang mahalaga ay natulungan ko ang
kaharian!
(Ambong)Reyna: Aww.. halika nga kayong dalawa.
...
Kaya, naligtas ang buong kaharian sa tulong ni prinsesa Belzoa at nakilala siya sa
malayo bilang isang magsasakang prinsesa. Sa ibang prinsipe kakaiba siya sa kanila
pero may nahulog naman at ito ay si prinsipe Richard. Siguradong namuhay silang
dalawa ng maayos at masayang nagsasaka.

You might also like